29. Creepy Note

47 1 0
                                    

 29. CREEPY NOTE

MATAPOS ANG KLASE NI JEZZEL ay agad siyang umuwi sakanila. Kinuha niya ang Chinese takeout sa bag niya at kumain ng kanyang 'dinner' sakanyang kama. Bago man siya natulog ay isinara muna niya ang lahat ng bintana at ni-lock ang pintuan.

Muli niyang naalala ang IBANEZ folder. Hindi niya alam kung paano ginawa ni Mae na palusutin siya gayong ang dali-dali lang ituro na siya ang kumuha sa folder. At ang salarin. Hindi niya lubos maisip na nanggaling sa kwarto niya ang salarin. Salarin?

Agad niyang kinuha ang cellphone niya at dinial ang cellphone ni Maricar. Habang hinihintay niyang sumagot ito ay panatag na siya ngayong hindi na nila ito pinag-hihinalaan.

"Hey it's me, Mar... I can't talk right now but you can! As soon as you hear the *beep*" Agad pinatay ni Jezz ang tawag. Ano kayang ginagawa ni Maricar ngayon at voicemail ang sumasagot sakanyang cellphone? Kilala ni Jezz si Maricar at alam niyang halos dumikit na ang mukha nito sa cellphone nito bawat oras.

Sinubukan pa niyang tawagan si Mar ng limang beses bago siya sumuko.

Iniscroll niya ang mga pangalan sa contacts niya bago nakita ang pangalang balak niyang tawagan. Sumagot naman ito sa ikatlong ring.

"Kim!" Sigaw niya.

"Sup? Jezz?" Base sa tono ng pananalita nito ay bago lang itong gising.

"Naisip ko lang... Baka ang taong nag-sesend sa atin ng mga texts at mga regalo ay ang pumatay rin kay Gio." Tugon ni Jezz.

"Pa'ano mo naman nasabi, Jezz?" Ngayo'y tila gising na gising na ang diwa ni Kim.

"Come to think of it. Nang patayin ng killer si Gio, he/she pinned it on us! At yung taong nag-papadala sa'tin ng threats also wants us to suffer. It makes sense, Kim!" Pangungumbinse niya.

"May point ka, Jezz." Tugon ni Kim. "But how about Ria?"

"Ria? Flores?" Tanong niya. "Gosh, I completely forgot about her. Kailangan natin siyang makausap!"

"But do you know where she lives?" Tanong ni Kim.

Huminga ng malalim si Jezz. Alam niyang delikado tong pinaplano nila, pero para sa address ni Ria at sa mga tanong niya tungkol kay Gio, she's willing to risk it.

"I know." Agad nabigla si Jezz nang may mag-salita sa kabilang linya. Mahina lang ito at sigurado siyang hindi ito boses ni Kim.

"Kim, sino ba yang kasama mo?" Tanong ni Jezz.

"Uhm Jezz, I need to go." Pag-iiwas nito sa tanong.

"Kim, no more secrets... Sino yang kasama mo?" Tanong niya muli.

Narinig niya ang pag-hinga nito ng malalim. "I really need to go." At wala na siyang narinig pa sa kabilang linya kundi katahimikan.

LUNES NG UMAGA ay nasa upuan na si Jezz ng isang malaking mesa habang tinititigan ang treasurer na nag-sasalita.

"As you can see, kulang na kulang ang budget natin for this year's Halloween Ball. We either make a fund raiser or we cancel it." Sagot ni Brianna Milar.

Nakatingin man sa taong nag-sasalita ay hindi nakikinig si Jezz. Hindi pa rin siya makapaniwalang imbitado siya sa pinakamalaking house party na magaganap ngayong semester, ang birthday party ni Joanne. Gaya ng party ni Josephine kung kailan siya nawala...

"ARE YOU LISTENING, MISS PRESIDENT?!" Nabigla siya sa sigaw ni Brianna. Matagal na siyang napipikon rito dahil alam niyang matagal na nitong gustong maging presidente ng Supreme Student Government (SSG) pero siya ang nanalo.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon