21. OFFICIAL P.O.I.
NAGISING SI MARICAR na wala na sina Jezz at Kim sa tabi niya. Sariwa pa rin sa kanya ang pag-uusap nila tungkol sa libro ni Gio. Ria Flores? Wala talaga siyang maalalang pangalang gano'n.
Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang lahat ng ginawa ni Josephine sa kanya. Lahat ng katuwaan, lahat ng sakit, pisikal at berbal ay natanggap niya. Dahil lamang sa sikreto. Sikretong kanilang nadiskubre.
Nag-simula ang lahat sa unang araw ng klase. Walang kaibigan si Maricar dahil na rin unang araw niya sa Davory University. Bago pa lang siya sa eskwelahan. Muntik na nga siyang pumasok sa room ng mga seniors, kundi lamang siya binalaan ng isang kayumangging lalaki. Gwapo ito at matipuno kaya wala siya sa kanyang sarili nang hawakan siya nito sa balikat at sinabing, "Bawal ang mga freshman diya. Teritoryo yan ng seniors." Ngumiti ang binata sa kanya na siya namang nag-palambot ng mga binti niya.
"May nakaupo dito?" Bumalik siya sa katinuan nang mag-salita ang isang magandang babae sakanya. Tinutukoy nito ang bakanteng upuan sa tabi niya.
Umiling na lamang siya.
"Good. Dali, Jezz, Kim. Upo kayo dito." Sagot ng babae at umupo ang tatlong dalaga sa tabi niya.
Tahimik lang siya dahil wala pa naman silang professor. Panghuling klase na niya ito kaya di na siya makapaghintay na umuwi. Naisipan niyang maging abala muna kaya ang tanging ginawa niya ay nakinig na lamang ng music sa kanyang iPod. Ngunit habang sumisigaw ng matataas na nota si Katy Perry sa kanyang tenga ay hindi niya mapigilang marinig ang usapan ng mga babae sa tabi niya.
"Gosh, that bracelet! Super good. I wonder sa'n niya yan binili. Diba?" Sagot ng babaeng nag-tanong sakanya kanina.
"To die for!" Tugon naman ng babaeng pagkakaalala niya ay Jezz ang pangalan.
Napansin na lang niya na tinutukoy pala nila ang suot niyang Tiffany bracelet na bigay sa kanya ng lola niya. Sandali niya itinanggal ang kanyang earphones sa magkabila niyang tenga at humarap sakanila.
"This is from Tiffany's." Nakangiti niyang bati. Ipinagdadasal niyang sana ang mga babaeng ito na ang kanyang maging kaibigan.
"Wow, is that real?!" Tanong ng babaeng si Kim habang hinaplos nito ang kumikislap niyang bracelet.
"Of course that's real!" Puna ng babae sakanya. Siya nalang ang di niya nakikilala dahil ang pagkakaalam niya'y Jezz at Kim ang pangalan ng dalawa. "Wait. You are Reyes right? Yung anak ni Pastor Reyes?"
Pinigilan niya ang sarili niyang umirap sa kanyang kausap. Parati nalang kasi siyang nakikilala ng mga tao bilang ang anak ng gwapong Pastor Reyes. Ang mabait nitong anak na mag-mamana ng ministry ng kanyang ama. Hindi naman niya nakikita ang sarili niya bilang isang leader ng simbahan, kaya nga siya nag-enroll bilang isang Accountant dahil para makatakas sa mga leksyon ng kanyang ama.
Ngumiti siya ng pilit bago nag-salita. "Ako nga."
"You're cool." Puna ng babae sakanya. "Wanna hang out with us? I'm Josephine, by the way. Josephine Ibanez."
At dun na nag-simula ang lahat. Naging magkaibigan silang apat. Panay silang kwentuhan hanggang sa isang araw ay nag-aminan na sila.
"So, anong goal niyo ngayong college?" Tanong ni Josephine sakanilang tatlo.
"I wanna be be a sumacumlaude!" Diretsong tugon ni Jezz na siya namang nagpatawa sakanilang tatlo.
BINABASA MO ANG
Beauties
Misterio / SuspensoHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...