Sooooory for the loooooong wait . :( Maraming salamat sa mga nagkomento at nagbigay sa akin ng mensahe para bigyan ako ng inspirasyon. Binasa ko lahat ng sinabi n'yo. Maraming salamat muli!
The Bad Boy Meets Me
31"T-tawagan mo s'ya.. P-papuntahin mo s'ya rito, Leam. K-kailangan--"
"Tama na, Samantha! " Hinawakan n'ya ako sa magkabilang-balikat. " He treated you like sht. And instead of thinking of him, worry about yourself first. "
Napatitig ako sa mga mata n'ya. Punong-puno ng pagmamakaawa ang mga iyon. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tignan. Tinanggal ko ang mga kamay n'ya sa balikat ko , tiniklop ang mga tuhod saka niyakap ang mga ito. "Pero kasi..."
"Please , pumasok na muna tayo sa loob. Nanginginig ka na dahil sa lamig at may mga galos ka pa. Saka na natin s'ya isipin."
Nasa harap ko si Leam at pareho kaming nakaupo sa lapag ng kalsada. Hindi pa rin tumitila ang ulan kaya basang-basa na kami. Tumutulo ang tubig sa baba n'ya at napapapikit ang mga mata dahil sa buhos ng ulan. At nang ibalik ko ang tingin sa mga mata n'ya, Doon ko napagtantong para akong batang naglulupasay sa lapag dahil iniwan ng magulang. Hindi ko manlang naisip na nadadamay s'ya.
"P-pasensya ka na. Sige, pumasok na tayo sa loob." mahinang sabi ko.
Sinubukan kong tumayo pero napaupo rin nang makaramdam ako ng sakit sa paa. Saka ko naalalang natapilok pala ako kanina.
"Halika, bubuhatin nalang kita."
Tumango ako kaya nilahad n'ya ang mga braso sa likod at binti ko saka ako binuhat.
"Pasensya ka na dahil nakikita mo ako sa ganitong kalagayan." sabi ko habang papunta sa pintuan ng bahay ko.
" Huwag kang humingi ng sorry. Okay lang naman sa 'kin."
"Bakit ang bilis ni Zach magalit? Hindi muna n'ya tayo hinayaang makapagpaliwanag."
" 'Wag na muna natin s'yang pag-usapan. Kailangan mo munang maligo at makapagpalit ng damit . At pagkatapos, pupunta tayo sa ospital para patignan 'yang paa mo."
"Ospital? Ayokong pumunta sa ospital. Ipapahinga ko nalang 'to." Ayokong pumunta sa ospital dahil ayokong makakita ng mga taong may sakit o nahihirapan kaya ayoko talaga sa lugar na 'yon.
"Sa loob na natin pag-usapan. Akin na ang susi mo."
Tinuro ko 'yung kotse n'ya. "Nasa kotse mo 'yung pouch ko. Pakikuha nalang don."
Sinandal n'ya muna ako sa pinto tapos kinuha n'ya sa kotse n'ya ang gamit ko."
"You're shivering ." sabi n'ya at binuksan ang pinto. Bubuhatin n'ya sana ulit ako kasi umiling ako. "Okay na. Alalayan mo nalang ako."
Tumango s'ya at nilagay ang kanang braso ko sa balikat n'ya at inalalayan akong maglakad. Paika-ika ako kasi hindi ko nilalagyan ng puwersa ang pagtapak sa isang paa. Pumasok kami sa kabahayan na madilim at tanging liwanag na nanggagaling sa poste ang nagiging dahilan para kahit papaano ay maaninag namin ang lugar kung nasaan kami.
"Sandali, bubuksan ko lang ang ilaw." Dahan-dahan n'ya ako binitiwan no'ng stable na ang tayo ko saka kinapa ang gilid ng pader para buksan ang ilaw.
"Bakit ganito, Leam? Ang sakit sa pakiramdam.." Hindi ko naiwasang masambit dahil siguro sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Nayuko ako kaya kita ko ang pagtulo ng tubig ulan mula sa buhok at dress ko papunta sa lapag. Nag-umpisang manlabo ang mga mata ko.
"I'm sorry, Samantha. I'm sorry. Ayokong nakakaramdam ka ng gan'yan." Mula sa pagkakayuko ay nalipat ang tingin ko kay Leam. Basang-basa s'ya at madumi ang polo at pantalon .
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...