10

12.5K 337 4
                                    

" Thank you" Sabi ko pagkapasok na pagkapasok ng at bahay at sinara ang pinto. Wala nang pa-sweet na paalam. Baka mamaya, magpilit pang pumasok 'yung baklang 'yan sa bahay na 'to.

Bigla namang kumatok si Zach nang mabilis. " 'Wag mo ko pagsarhan ng pinto!" Sigaw n'ya.

Napa-irap ako at binuksan. Childish talaga. " Anong gusto mo, iwan ko 'to na nakabukas magdamag?" 

Kinusot ni Zach yung ilong nya tapos nag-pout.

Napatakip ako ng bibig. Pinigilan ko ang sarili kong sukahan s'ya. "Yuck, Zach, nag-pout ka?''

Naningkit ang mga mata n'ya. " You wouldn't want to know kung anong gusto kong gawin sa 'yo ngayon."

" That's true. Kasi wala naman akong pake . Kaya alis na, isasara ko na itong pinto." sabi ko sa kanya.

"Bakit ba nagmamadali ka?!" biglang sigaw n'ya.

"E anong oras na ba? Hindi ba ako pwedeng magpahinga?"

"Pagkatapos kitang ayain makipag-date , ganyan pa yung ita-trato mo sakin! Anlaki ng ginastos ko sayo. You ate like a pig-"

Hindi nya naituloy kasi pinagsarhan ko ulit sya ng pinto.

"Kapal mo! Ikaw 'tong may kasalanan sakin dahil pinag-dress mo 'ko! At pasalamat ka, pumayag akong sumama sa 'yo. Naku, naku, ngayon palang nagsisisi na 'ko." 

"Nagsisisi ka? Ikaw pa ang dapat magsisis--" Pinigil n'ya ang papasarang pinto pero nilakasan ko ang pwersa.  " Aw,Aw! " Pinilit n'yang tanggalin 'yung hita na naipit. Bigla naman akong natawa sa loob ko. "Sinabing 'wag mo 'kong pagsasaraduhan ng pinto! Psycho. Inipit mo pa 'ko."

Hinayaan ko s'yang kumatok nang kumatok hanggang sa tumigil then narinig kong pinaandar yung motor.

Napailing ako. Sakit talaga sa ulo. Pumunta ko ng kwarto then umupo sa kama . Nilapag ko yung binigay ni Zach sakin. "Pareho kayo ng amo mo eh anlaki laki ng butas ng ilong!"

Natawa ko at pinisil sa ilong yung baboy then binuksan ang closet.  Bago ako naligo, pinicture-an ko muna yung sarili ko. Sayang din yung ganda ko. Humiga ako sa kama at niyakap yung baboy .

Natulog ako nang may ngiti sa mga labi. Kahit halos mawalan na kami ng oxygen kakaaway, nag-enjoy pa rin ako.

"Huwag kang mag-iingay kung ayaw mong patayin kita ngayon"

Napadilat ako kasabay ng pagbilis ng puso ko.

I can feel something sharp na nakadikit sa balat ko.

"I waited for too long na mangyari 'to Samantha" Dilaan nya ko mula baba ng pisngi hanggang pataas.

I shivered. I want to scream but I can't!

Nakaluhod sya sa lapag habang nasa gilid ng kama.

"The moment I saw you when your mother introduced me to you , I want to take you and claim as Mine . "

Nag-umpisa nang tumulo ang luha ko.

"Please . . "

I choked in my tears.

Blangko ang utak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Gumapang papunta sa buhok ko yung kamay nya at hinawakan ng mahigpit.

I winced because of pain.

"shh . . I told you to shut up!

You've been a very bad girl and a bad girl should be punish"

Mas lalo pang tumulo yung luha ko. Takot na takot ako kung ano ba yung pwedeng mangyari.

"Tito please . ." I pleaded.

He stood then slapped me.

"Huwag mo kong tawagin nyan!"

Napapikit ako sa sakit.

He held my hair tightly at inangat kaya napaupo ako mula sa pagkakahiga.

Nakahawak yung dalawang kamay ko sa hand nya para mabawasan yung sakin.

Napatingin ako sa mukha nya.

Hindi sya yung step father namin na akala ko pwede naming maging ama.

Isang nakakatakot na tao ang tinitignan ko ngayon.

Nakakatakot na taong sinasaktan at pinagsasalitaan ako ng mga salitang kailan man ay hindi inaasahang maririnig mula sa kanya.

Inangat nya yung knife na kumintab pa dahil sa ilaw ng kwarto ko.

I stared at him with horror.

He smiled at me.

"Dont worry my dear. You can take the pain. I know you can. Huwag mo kong ipapahiya" Sabi nya na parang nababaliw

Tumigil sa pagtulo ang luha ko Pati narin ang pag function ng utak ko.

Oh my God . .

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag react.

Napapikit ako nung papalapit na sakin yung kutsilyo.

Napabangon ako. Hinihingal yung paghinga . I covered my face with my hands. Akala ko nangyayari ulit. Bumabalik na naman . Mga ala-alang kahit kailan ay hinding-hindi ko makakalimutan.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon