The Bad Boy Meets Me
36
" Hey, everything's gonna be okay. I got you.." He said reassuringly.
Humikbi ako. "Gago 'yun. Ikakasal naman pala sila ni Chloe, nilapitan pa ako ng hayup."
" That's why I told you not to let your guard down, remember? Alam kong sasaktan ka lang n'ya sa huli."
" E-E akala ko, may patutunguhan kami."
Pinarada n'ya ang sasakyan sa tapat ng bahay. S'ya muna ang bumaba tapos pinagbuksan ako ng pinto. "Buhatin na kita."
Pinunas ko ang mga luhang nasa mukha. " Okay lang." pagtanggi ko.
"Don't be stubborn."
Wala akong nagawa kundi hayaan na pangkuin ako ni Leam at maglakad patungo sa kabahayan. Binaba n'ya ako sandali. Kakapain ko ang susi ko sa bulsa pero nagulat ako nang yumuko s'ya at kunin ang spare key na natatakpan ng doormat ko.
Mukhang hindi n'ya napansin ang gulat ko dahil inalalayan n'ya lang ako na makapasok at iniupo sa sofa. Pumunta s'ya sa kusina at kinuha ako ng tubig.
"Uminom ka na muna." at inabot ang baso. Wala sa loob na sinunod ko lang ang sinabi n'ya.
"Uhm.. Leam?..."
"Hmm?" Nilapag n'ya sa small table ang baso.
"Paano mo nalaman na may spare key ako sa ilalim ng doormat ko?"
He frozed. Parang ngayon n'ya lang napagtanto ang ginawa. "Uhm.. I-I .. Nabanggit mo sa akin minsan na may spare key ka."
Napangunot ang noo ko. "Binanggit ko?"
"Uh.." he massaged the back of his mind.
Umusog ako nang kaunti mula sa kan'ya para humarap sa kan'ya pero bigla s'yang sumigaw.
"Don't be scared of me, Samantha. Please.." pagmamakaawa n'ya.
Doon ako nakaramdam ng kaba. He is acting weird.
Tumayo s'ya at lumapit sa pinto. Siniguradong naka-lock.
"L-Leam?"
Humarap s'ya sa akin. 'Yung Leam na kilala kong nagtataglay ng mala-inosenteng mukha ay napalitan ng hindi ko maipaliwanag na ekspresyon.
Dahan-dahan s'yang umupo sa tabi ko at tinuro ang wall clock. " May ininstall camera d'yan. Pati sa kwarto mo, sa harap ng bahay mo, saka sa ibang parte ng bahay."
Hinihintay kong sabihin n'yang nagbibiro lang s'ya pero napansin kong may maliit na bilog na nakadikit nga sa may malapit sa orasan. Hindi mapapansin sa unang tingin pero kapag tinignang maiigi, makikita nga ang tinutukoy niya.
Automatic na napalayo ako sa kan'ya pero hinawakan n'ya ako sa kamay.
"Bakit nagkagusto ka kay Zach? Bakit hindi ako?" May panunumbat ang boses n'ya.
"L-Leam--"
" You want someone who treats you like trash?"
"B-Bakit--"
"Or you want someone who is a bad guy, Samantha. Tell me, gano'n ba ang gusto mo? Because I could be anything you want. Fck, hindi ko na nga kailangang maging masama dahil masama na ako. You will be shocked to hear it."
Hindi ako nakaimik. Parang may bumara sa lalamunan ko kay hindi ako nakapagsalita.
" Kilala na kita bago mo pa ako nakilala. Alam ko kung anong nangyari sa 'yo bago ka pa umalis."
"W-What do you mean?"
Lumamlam ang tingin n'ya at hinawakan ako sa pisngi ng may pagsuyo. " Alam ko ang nangyari sa Mama at kapatid mo."
Bigla akong napatayo at lumayo sa kan'ya. "W-Who are you?" all this time, kilala n'ya ako at hindi n'ya sinabi sa akin.
Tumayo s'ya at sinubukang lumapit pero lumayo ako. " H-Huwag kang lalapit." My voice is shaky.
" Please, don't be scared. I'll explain it all."
" Who the fck are you?!"
" I was your schoolmate. I always looked at you from afar because I didn't know how to approach you." dahan-dahan s'yang lumapit sa 'kin.
"Then the incident about your Mother and sister happened. Malaking pangyayari 'yun kaya alam sa buong school. Do'n ako nakaramdam ng matinding kagustuhan na protektahan ka. Alam ko kung paanong naging mahirap sa 'yo and gaano kalala ang bullying sa 'yo non. And even though hindi tayo magkakilala para ikwentong nakakaramdam ka ng nightmares , alam ko. Dahil sa tuwing nakikita kita, palaging may takot ang mga mata mo. Nakikita kita biglang nagigising tuwing umiidlip sa bench at titingin sa paligid.."
Sa tuwing lumalapit s'ya, lumalayo ako. His revelation is too much to bear. Parang bigla-bigla, nakatingin ako sa isang taong kilala ang buong pagkatao ko pero s'ya hindi ko s'ya kilala.
" It pained me to see you that way. Dati kaya nakuha mo ang atensyon ko ay dahil palagi kitang nakikitang nakangiti. Positive and cheerful. 'But the incident changed you."
"At dahil alam kong nakadagdag sa problema mo na hindi nahuli ang step father mo, hiniling ko sa father ko na tulungan akong hanapin s'ya."
Ngumiti s'ya na parang may magandang balita na sasabihin. "Then we found him.. And then killed him." Napahinto ako.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...