Chapter five
Wala akong inaasahang bisita kaya nagulat ako nung may kumatok sa pintuan ko, pagkababang baba ko ng bag. Sobrang nagc-crave na ko sa bavarian doughnut kaya kung sino man 'tong umabala sakin sa pagkain ng pinakamasarap na doughnut sa mundo, eh talaga namang malilintikan.
I opened the door. Sina Jiro at Leam ang nakatayo sa labas ng pinto ko. "Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo rito?" Madilim ang mukhang tanong ko sa kanilang dalawa. Actually, hindi naman ako galit sa kanila. Kay Zach lang talaga. Wala naman akong natatandaang matinding kasalanan nila bukod sa naging kaibigan (?) sila ni Zach.
Malungkot ang mukha nilang nakatingin sa'kin sabay sabing, "Sorry..."
Kunwaring nalukot ang mukha ko. "Hindi maalis ng sorry n'yo ang ginawa n'yo sa'kin.
"Sorry, Samantha. Alam kong mali ang ginawa namin sa'yo. Pero promise, na nagsisisi na kami.." Nakahaba ang nguso ni Leam habang sinasabi 'yun. Hindi siya makatingin nang diretso sa'kin pero nakikita kong nagsisisi s'ya. Nagulat ako sa kan'ya. Para s'yang nagpapaka-cute na ewan.
Nalipat naman ang tingin ko kay Jiro nang s'ya na ang nagsalita. "Pasensya ka na dahil nakisali kami sa away n'yo ni Zach. Hindi namin alam na aabot sa ganito ang mangyayari. Pero mas maganda kung mag-usap kayo--"
Napabuntong-hininga ako. "'Wag mo nang ituloy, Jiro. 'Wag mo s'yang babanggitin dahil maiinis lang ako."
"Sorry.."
"Anyway, salamat sa pagbisita." hindi naman siguro sila nagpunta rito at may balak na pumasok sa loob ng bahay ko.
Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan ni Leam at napadikit s'ya sa mga daliri ko. "Ouch!"
Binawi ko kaagad at tinignan. Namumula ang mga daliri ko at may kaunting dugo sa mga kukong naputol dahil sa pagtanggal ng mga tarpaulin kanina.
"Sorry!" May pag-aalalang sabi n'ya.
Napangiwi ako. "Uhm , okay lang."
"Sigurado ka bang babae ka?" They both asked me.
Tumaas ang kilay ko. "Bakit?" Ang lakas ng loob na magtanong kung babae ba ako! Anong ibig sabihin nila, na mukha akong lalaki?
Nabasa yata nung Jiro ang nasa isip ko . " 'Wag kang ma-offend sa pagtanong namin."
"Yeah. Ang ibig lang namin sabihin, ang tapang mo. Kung 'yung iba kasing babae ang nasa lugar mo, baka nag-break down na sa pagka-depressed sa ginawa sa 'yo ni Zach." sabi naman ni Leam.
"Nako, tigilan n'yo ko sa pambibilog ng ulo." sagot ko nalang. Magdadrama pa ba ako na hindi luha ang sukatan ng pagiging mahina?
Gusto ko na silang paalisin ulit pero nagulat nalang ako no'ng hindi ko napigilan ang sarili kong magbiro. "Sigurado ba kayo na kayo ang dakilang kaibigan ni Barney?"
Nagtinginan sila at sinabing. "Barney?"
Tinignan ko sila nang masama. " 'Yung baklang kasama n'yo kahapon. "
Nanlaki ang mata nila at halatang nagulat pero pinagpatuloy ko pa rin ang sasabihin ko. "Para kasing napadpad lang ako sa ibang palabas. Kayo ang mga alagad ng bakla na 'yun 'di ba? Actually mukha nga kayong sina B1 and B2. You know those two?" Kinanta ko pa yung theme Song ng Banana's pajamas. "Sabay kasi kayong dalawa magsalita. Kulang nalang yung line na 'Alam mo ba B1 kung anong iniisip ko? 'oo B2'. Ang pagkakaiba lang, kayo sina B2 at B3 and yung leader n'yo ang b1" Pina kengkoy ko pa yung boses ko para magaya sila.
Tumawa yung dalawa at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Ngumiti nang malapad sa 'kin si Leam pero nag-iwas ng tingin at namula . "You're cool.. Gusto kitang maging kaibigan."
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
Ficção GeralSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...