2.1

17.9K 429 13
                                    

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan.

CLEARED

Patuloy ako sa pagmamasid sa paligid habang maraming butil ng pawis ang namumuo sa noo ko. Medyo in-adjust ko ang hood ko tapos pinunasan ko ang noo. Pinagtitinginan ako ng ibang estudyante habang naglalakad ako sa corridor. Sino ba namang hindi mapapalingon sa'kin kung mukha akong kriminal na pilit na tinatago ang pagkakakilanlan? Mukha pa nga akong kulto nito. Pero okay lang dahil wala rin akong magagawa. Desperate times call for desperate measures 'Yan ang nangyayari sa'kin ngayon. Alam kong para 'kong duwag sa pag-iwas ko pero wala lang sa'kin, 'wag lang n'yang guguluhin ang buhay ko.

Hawak-hawak ko nang maigi ang libro ko para in case na magpakita si Zach, ihahampas ko kagad sa mukha nya 'to. 

"pst!" My body stiffened.

Binilisan ko pa ang paglalakad.

"Pst!"

Siguradong si Zach 'yun! 'Pag may nase-sense akong maitim na aura, s'ya na yun. Nagkunwari akong hindi ko s'ya naririnig. Kung pa'no nya nalamang ako ito sa kabila ng suot ko, ang baklang dinosaur lang na 'yun ang nakakaalam.

"Samantha, wait!"

Nag-umpisa nang mag-accelerate ang puso ko. Patay. Paano n'ya nalaman ang pangalan ko?

"I love you, Samantha. Ikaw lang naman ang mahal ko at wala nang iba!"

Napahinto ako.

what the--' at lumingon.

Nakita kong may dalawang 'nagtutukaan' few feets away from me. Habang ginagawa nila yun , panay ang sabi ng babae ng 'I love you , I love you . . blah blah blah'

Tumalikod ako at naglakad. Dahil sa pagmamadali ko, mas lalo pa 'kong pinagpawisan. Phew. Ligtas mula sa tintang ibubuga ng dinosaur. 

Tinanggal ko 'yung hood ko tapos pinunasan ng panyo ang mukha ko. Pagkatapos kong gawin yun, binalik ko ulit ang hood at yumuko.

"Well , well , well , Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Hindi na pala ako mahihirapang hanapin ka" I was stunned. Nasa likod ko sya. Binilisan ko yung paglalakad. Tumakbo ako ng tumakbo--

Huli na nang malaman kong hila-hila pala n'ya ang bag ko kaya kahit anong pag-attempt ko na makalayo, eh wa-epek.

"Let go!" I told him habang nakatalikod parin. Inaalog alog ko 'yung balikat para kumawala sa kan'ya. Pero dahil lalaki si Zach, syempre mas malakas s'ya.

May dalawang kamay na humawak sa balikat ko at inikot ako para mapaharap sa kan'ya.

"Nakakainggit naman 'to." Labas sa ilong na sabi ni Zach. Inangat niya 'yung hood ko gamit ang index finger n'ya na parang diring-diri. THE NERVE!

"Bakit mo ba ako kinakausap? Hindi kita kilala." I lied. Kahit imposible, baka maisip n'yang hindi ako 'yung nasa coffee shop.

He crossed his arms then smirked at me. What's wrong with the boys at mahilig silang mag-smirk? Lalo na sa isang 'to? Creep .

"Magpe-pretend ka na hindi mo 'ko kilala dahil akala mo , matatakasan mo 'ko?" ginalaw-galaw n'ya 'yung index finger n'ya sa mukha ko at sinabing "No, no, no"

Nanggigigil na pinalo ko. Nakakairita kasi.

Napansin kong tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Inoobserbahan ang suot ko. Hindi na nahiya sa pagtitig sa 'kin?

"What's up with the jacket?" Nakangunot na tanong n'ya.

I straightened my body. "Pakialam mo ba?"

"Baka naman pinagtataguan mo ko" he told me confidently.

"EXCUSE ME?" tinaasan ko s'ya ng kilay. "Ba't ko naman gagawin yon?"

"Because you are SCARED of me. Magdi-disguise ka para hindi makilala. As simple as that."

Halata ko sa boses n'ya na siguradong sigurado s'ya.

"Excuse me lang ah? Ang layo kasi ng nilalandas ng isip mo.Oo, totoong iniiwasan kita. Pero hindi ako takot sa 'yo. Ayoko lang madikit ang pangalan ko sa 'yo." Hindi ko na s'ya hinintay na makasagot at tumalikod na 'ko. 

Hindi pa man ako nakakalayo, hinila na naman ako ni Zach. Hinarap ko s'ya nang nakangunot ang noo. "Ano na naman?! " Naiinis na talaga ako!

Nagimbal ako nang suntukin ng kanang kamay n'ya ang pader. " Stay. "

Napalunok ako at parang biglang nanlambot ang tuhod. Hindi naman n'ya ako sasaktan 'di ba? 

Mga ilang sandali lang, dumating si Jiro. Great! 2 vs. 1 . 

May dala-dala si Jiro na  dalawang mangkok.  "Hey, hindi patas 'to. Dalawa kayo  at mag-isa lang ako!" 

 'Yung ibang estudyante nakiki-usyosyo na.

Tinignan ako nang may pang-uuyam ni Zach. "Life isn't fair."

Tinaas ni Zach 'yung mangkok. Kung ano man ang nakalagay sa mangkok, siguradong hindi 'to maganda. Maya-maya pa , naramdaman ko nalang na may nalaglag sa ulo ko then sinundan ng transparent na malansa na gumapang pababa ng ilong ko.  Hindi pa sya nakuntento, yung egg yolk sa buhok ko , INIHILAMOS pa nya sa mukha ko.Wala akong kundi isara ang bibig ko, at ipikit ang mga mata ko. Nagpupuyos ako sa galit at hiya.

Ang bilis ng pangyayari. Namalayan ko nalang, tumatakbo na yung dalawa at tumatawa.

Sinundan ko sila ng tingin.

"Zaaaach!" I shouted at the top of my lungs. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa pagsigaw.

He just wave his hand at ngumiti nang mapang-asar. "Your reward for messing up with me."

Tinignan ko nang masama ang mga estudyanteng nakatingin sa akin kaya para silang mga langaw na nagsilayo.

" Sht sorry, na-late ako." 

Nag-init ang ulo ko at nilingon ang hinihingal na si Leam.  "Oo, late ka. Napahiya mo rin sana ako." 

Nakakuyom ang mga palad na nagtungo ako sa restroom. Humanda kayo sa akin.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon