The Bad Boy Meets Me
23"Ate, patay na si Nemo!"
Napatingin ako sa kapatid kong nakatayo sa harap ng aquarium namin as she cried.Tumayo kaagad ako sa couch then lumapit at tumabi sa kanya. Tinignan ko ang gold fish sa aquarium namin habang lumulutang-lutang at hindi na gumagalaw.
Pinadyak ng kapatid ko ang paa."Sinabi ko na nga ba eh! Hindi sya makakahinga sa tubig!"
Umupo ako at itinukod ang tuhod sa carpeted floor then niyakap ko sya habang pilit na tinatago ang ngiti."I already knew that there's something wrong with him dahil hindi sya pumipikit pero hindi ko parin sya pinadoktor" Pagmamaktol nya as I Rubbed her back.
I Chuckled in my mind. "Lizzy, fish and we are different"
She shook her head stubbornly as she sobs. "Hindi siya iba! " Tumayo ako then lumapit kami sa couch para umupo.
Napaisip ako. Sasabihin ko ba sa kanya kung anong pagkakaiba ng isda at tao? Nah... hayaan ko muna syang i-enjoy ang pagkabata. Malalaman din naman nya 'yan kapag lumaki na sya at sigurado akong matatawa nalang sya kapag naalala nya 'to.
"he was my first bestfriend. Lagi nya akong pinapangiti kapag lumalangoy sya. Alam kong tuwang-tuwa sya kapag pinapakain ko sya" Kinapa ko ang panyo sa bulsa at pagkatapos ay pinunasan ang mga mata nya.
I smiled softly at her. "Don't worry. Nemo was already in heaven"
Katakot-takot na pagpapatahan pa ang ginawa ko para tumigil sya. Hanggang sa nakaisip ako ng paraan."Gusto mong talian kita ng buhok?"
Tumahan sya pero humihikbi parin then tumingin sakin as she pouted."Hindi naman mabubuhay si Nemo kapag tinalian mo ko ng buhok eh."
Napangiti ako. She is so stubborn sometimes.
"Yep hindi sya mabubuhay pero mas gaganda ka naman!" I said cheerfully. "Ayaw mo ba 'yon?" I Wiggled my eyebrows at her.
Nag-isip muna ang kapatid ko bago nagliwanag ang mga mata at tumango. Bago ko sya talian ng buhok, 'inilibing' muna namin si Nemo sa may lawn. Natatawa nalang ako sa kakulitan niya.
"Sabi ni teacher, hindi raw dapat pinuputol ang mga puno"
Napangiti ako as I continue to french braid her hair.Nandito kami sa room nya habang nakaupo sa kama.
"Bakit naman?" Tinalian ko ng sanrio ang buhok nya.
"Nakalimutan ko na ate eh. Basta ang sabi ni Teacher, hindi dapat pinuputol ang puno. Pati nga ang mga isda dapat inaalagaan. " She paused. "Kawawa naman si Nemo. ."
"Okay, pass your work!" Napakurap ako at napatingin sa paligid ng room. Lahat ay abala sa pagbabalik ng art materials at pagpapakita ng mga gawa nila sa isat-isa. Nakita ko namang papalapit yung dalawa sa direksyon ko ,bitbit bitbit ang kani-kanilang artwork.
Dalawa lang sila kasi wala pa si Jiro. Nagtext sya samin kanina na nagkaroon sya ng problema sa sasakyan kaya hindi sya makakapasok nang maaga.Pilit kong isiniksik sa pinakasulok ng puso ko ang naramdamang sakit dahil sa ala-ala.
Huminto sila at tumayo sa harap ko then tinignan."Wow Samantha Ang ganda naman ng iyo!" Leam told me cheerfully.
Charcoal ang ginamit kong medium dito. My sketch was a girl holding a bowl with fish. Her hair was waving freely under the sunrise. Her beauty matching the beach behind her. At kung nagtatanong kayo kung sino si Lizzy ang batang nasa sketch , mali kayo. Dahil kung mukha nya ang ginamit ko , siguradong kanina pa tumutulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...