The Bad Boy Meets Me
21Nakasimangot si Zach na nakatingin sakin habang namumula ang mga mata. Alanganing ibinigay ko 'yung towel na hawak pero hindi n'ya tinanggap dahil busy sa pag-eye murder sa 'kin kaya ako nalang ang nagpunas ng mukha n'ya na nabasa dahil sa paghihilamos.
"Samantha , gan'on ba katindi ang galit mo sakin para ubusin mo 'yung laman ng pulbo sa mata ko?" He clenched his teeth.
Binanggit nya yung totoong pangalan ko, ibig sabihin galit talaga s'ya?
Marahan kong pinunasan yung pisngi nya. Hinawakan ko ang noo n'ya tapos hinilot habang yung isa naman ginagamit ko para sa pagpunas ng mukha nya.
" Hindi naman naubos yung laman at isa pa hindi ko naman sinasadya eh. Lalagyan ko sana 'yung likod mo--"
Pinanlisikan n'ya ko ng tingin. "Kailangan ba maubos? And how in the world na napunta sa mga mata ko kung ang target mo ay ang likod ko?"
Napangiwi ako. "Bakit kasi humarap ka pa . Imbes tuloy na sa likod kita lalagyan , sa mga mata mo pa napunta"
Kinusot ni Zach yung ilong nya.
Magsasalita sana s'ya kaso naunahan ko. "May nunal ka pala?" Bigla kong Hinawakan yung nunal nya. Try to imagine yung mole ni Piolo Pascual. Pareho kasi sila kung saan naka-locate.
"Ang tagal-tagal na nating magkakilala ngayon mo lang napansin?" Tanong n'ya tapos pinagmasdan yung paligid.
Nasa locker room kami ng mga players at kaming dalawa lang ang nandito dahil dito kami napadpad. At kung nagtataka kayo kung anong nangyari sa 'baby Sit' na gagawin ko . well Epic Fail. I admit , umurong ang tapang ko.
The moment na tumingin ako sa paligid ng court , dun ko na-realize na malaking kahihiyan ang gagawin ko. At hinding-hindi ko maaatim na itaya ang mukha ko para rito. Kaya nung mag time out , pasimple 'kong sinenyasan si Zach na sumunod sakin. At first , hindi naman talaga rito sa locker room. Nagkataon lang na ito yung pinakamalapit na may C.R.
"Alam mo , lagi kang nakasimangot. " I said casually then natawa no'ng tinignan nya ko ng masama. " Oh , oh, ayan sumisimangot ka na naman!" Natawa ko nung nagdikit yung kilay nya. "Wala ka nabang alam na facial expression kundi ganyan?Try mo tanggalin yung bad boy aura. Ngiti ka nga! " Panghahamon ko.
Inirapan lang nya ko at hindi ngumiti.
"I don't have time for that"
"Wala ka pala eh. Ngingiti lang--" Natawa ko nung biglang bumungisngis si Zach nang pilit.
"Oh ayan, ngumiti na ko. Masaya ka na?"
"Ngiti ba 'yan? Hindi naman ngiti 'yan eh! Ang gwapo-gwapo mo , lagi kang nakasimangot" I wiggled my eyebrows at him.
"So in-admit mo na gwapo ko?" Iba na yung expression ng mukha nya. Nakangiti na ang loko ngayon.
I looked at him with amusement . "Gan'on pala yun. Kailangan binibigyan ka ng compliment para ngumiti ka!"
Nag-smirk sya sakin. " Parang yun lang matutuwa na ko? . Para sabihin ko sayo , marami nang nagsasabi sakin n'yan" Sabi nya nang may pagmamayabang.
Well , hindi ko s'ya masisisi kasi sigurado naman akong totoo eh.
"Alam mo kung anong nagpabago sa mood ko?" Nakataas yung kilay nya tapos nakangiti sakin.
Nagdikit yung kilay ko. "Ano?"
Lumapit sya ng konti sa mukha ko. Naaamoy ko na nga yung scent ni Zach eh.
"Kasi sinabihan mo 'ko ng gwapo" Kumindat pa s'ya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...