The Bad Boy Meets Me
28"Samantha, pwede mo ba kong puntahan dito?" - mga linyang narinig ko mula kay Jiro pagkasagot na pagkasagot ko palang ng phone.
Agad-agad akong bumangon, nag-asikaso at pinuntahan ang lugar na sinasabi nya. Hindi ko maiwasang mag-alala. Nasa presinto sya ngayon at hindi naman sakin sinabi ang dahilan.
Bakit sya nandon? Sa dinami-rami ng lugar, bakit sa presinto pa?
Parang gusto ko namang umuwi nang makarating ako sa lugar.
Of all jails bakit dito pa?
Of course I know this place! Dito ako tinanong noon tungkol sa nanyari n'ong gabing 'yon. Hindi ko ba talaga maiiwasang balikan ang nakaraan ko?
Ilang minuto rin akong nakatayo sa labas, pinag-iisipan kung papasok ba ko sa loob. Napansin ko pa ang sasakyan ni Jiro sa labas. Bumalik ang pag-aalala ko. Sana lang walang nangyaring masama sa kanya. Nangangatog man ang mga tuhod, nilakasan ko na ang loob at pumasok. Hindi ko na muna inisip ang koneksyon ko sa lugar.
Tinanong kaagad ako ng ibang mga pulis kung anong kailangan ko. Tatanungin ko sana kung nasaan si Jiro pero nahagip na sya ng mata ko. Nakaupo sya sa lapag at nakasandal ang likod sa pader. Naka-stretch ang kaliwang binti nya habang nakapatong naman yung braso nya sa ibabaw ng tuhod na nakatiklop. Para syang nakatingin sa kawalan at malalim na nag-iisip. Nahalata ko kagad na wala pa syang tulog dahil namumungay ang mata nya at may umbok sa ilalim. Nanikip ang dibdib ko dahil sa kalungkutan na nakikita ko sa kanya.
"Kaano-ano mo 'yung binatang 'yun?" Narinig kong sabi ng pulis sa gilid ko.
Tinutukoy nya si Jiro. Tinignan ko sya. "Kaibigan ko po. Bakit po ba sya nandito?" Hindi ko na naitago ang pag-aalala.
Umiling yung isa pang pulis."Napakakulit ng binatang 'yan. Nireklamo yan dahil ayaw lumabas sa subdivision. Ayaw umalis sa gate nakulitan na yata sa kanya yung dalaga kaya ayan nireklamo."
Pagkasabi ng salitang 'dalaga' na-realized ko na kung saan nanggaling si Jiro.
-kay Angelica.
"Hindi naman tinuloy nung babae ang kaso pero nagkaaregluhan na huwag na syang lalapit sa kanya o sa lugar nila." Pagpapatuloy ng pulis.
Jiro...
"Napakakulit nyan. Pinauuwi na namin kahapon pero ayaw. Baka raw bumalik yung babae at bawiin yung kagustuhang wag syang palapitin. "
Nalungkot ako para sa kanya. Hindi sya sumama samin para ibigay yung cookies na ginawa nya para kay Angelica tapos ganito naman ang nangyari. Naalala ko yung excitement na nakita ko sa mukha nya habang hinihintay nyang maluto. Made with love raw yung kanya kaya siguradong pinakamasarap. Isama mo pang napaso yung kamay nya.
"Anong oras po sakto sya nandito?" Tanong ko habang hindi inaalis ang mata sa kanya.
"Mga alas kwatro. Pakainin mo pala yan dahil hindi tinanggap yung binibigay naming pagkain kagabi. Ang alam ko, mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon matiyagang naghihintay yan sa labas ng bahay nung dilag."
Susme naman Jiro! Gusto ko kaagad sya lapitan at batukan dahil sa ginawa nya. Walang kalaman-laman ang tiyan nya.
I sighed. Ginawa nya yun para kay Angelica dahil saan? Sa love?
Nagpasalamat ako sa mga pulis na nakausap ko. "Sandali lang pala ineng" May inabot yung mamang pulis na nakaupo at nasa likod na malapad at mataas na lamesa sakin na kahon na hugis puso. Kulay red pa sya at may ribbon. Naalala kong ito yung pinaglagyan nya ng cookies kahapon.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
Narrativa generaleSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...