9

13.6K 331 13
                                    

Yelow? Black? Pink? Violet?..

Hmm.. Alin kaya?

Pero bakit ba ko namomroblema in the first place? Pinahihirapan ko lang ang sarili ko nito.

Tinignan ko yung orasan.1 pm palang?!Okay , ako na ang excited.

Pinagpatuloy ko parin yung paghahanap ko ng dress. Kahit papaano naman , gusto kong maging maganda sa paningin ng iba. Buti nalang lagi akong binibilhan ni tita ng mga dress kahit ayoko.

Sa paghahanap ko, nakita ko yung dress na hinahanap ko.

It was so beautiful. The dress was color blue. The way the sequined fabric flowed was perfect . 

Sinara ko yung closet at tinignan ang sarili ko sa salamin habang nakatapat sa katawan ko yung dress. Ang haba ay abot hanggang taas ng tuhod ko. And I know it will hug my curve the moment i wear it.

It was sexy but not slutty. Simple yet elegant.

Nai-imagine ko na yung sarili ko habang suot ko 'to. For the first time na-excite akong magsuot ng dress. Para kong na-hypnotized nung tinignan ko 'to. Binalik ko na tapos umupo ko sa kama. Bakit ko nga ba ginagawa 'to kahit alam kong may masamang balak si Zach? Kasi gusto kong sagarin ang pasensya n'ya. Alam ko na kahit iwasan ko s'ya, guguluhin at guguluhin n'ya ako kaya bakit hindi ko nalang s'ya pahirapan para s'ya na ang unang lumayo? 

Kumain muna ko at nagbasa basa habang hinihintay yung oras para hindi ako mainip. At nung mag 6 na, naligo na ko. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin no'ng tapos ko nang ayusan ang sarili. The girl in the mirror was beautiful. She wore light make up and yung buhok nya na nakatali palagi ay hinayaan nyang nakalugay . She wore flats para hindi sumakit yung paa nya sa high heels. 

Kinuha ko yung coat ko then sinabit ko sa braso ko. In case lang na kailangan.

Lumabas ako ng kwarto at naghintay sa living room. Hindi naman malaki 'tong bahay kaya mabilis akong nakapunta.

Exactly eight may kumatok.

I took a deep breath tapos binuksan ko. Zach was smiling apologetically.

Nalaglag yung panga ko sa suot nya. He was wearing polo with long sleeves na nakatiklop hanggang siko. Black na checkered ang kulay. Cropped pants na cream ang naman ang damit pang-ibaba. 

"ZACH" bwisit na bwisit na sabi ko.

"I'm sorry?" Ngumiti sya ng alanganin. Ako naman kasi ang nagbibigay ng death glare.

"I.Will.Wring.Your.Neck. Dapat sinabihan mo muna ko na hindi pala dress ang susuotin!" Pagmamaktol ko. Jusme, napahiya ako. Naglahong parang bula ang excitement ko. Wasak ang gabi.

"I'm sorry , okay ? Nagkaroon lang ako ng problema kaya hindi ko kagad nasabi sayo. Hindi naman kita matext dahil wala akong number mo." Pagdadahilan n'ya.

"I-type mo d'yan 'yung no. mo." Inabot ko 'yung cellphone at tinype naman n'ya ang number.

Naku, sigurado akong hindi s'ya nagsisisi at nagkukunwari lang para mapahiya ako. Umiinit ang ulo ko.

Padabog na sinara ko ang punto at hinila sya sa wrist. Hinding-hindi n'ya ako mapapahiya. S'ya ang dapat mapahiya dahil hindi tama ang suot n'ya.

"Anong dala mong sasakyan natin?" Nagtitimping tanong ko.

Nakangiwi si Zach. "Uhm motor bike?"

Binatukan ko sya nang malakas. Bwisit na lalaki 'to!

Sinuot ko yung coat habang naglalakad kami.

"You;re beautiful. Bumagay yung dress sayo." Sabi n'ya habang hinihilot ang ulong binatukan ko. Nakangiwi s'ya at nakasimangot nang pinuri ako.

"Thanks" I said awkwardly.

Sumakay kami sa motor nya. "Higpitan mo yung yakap mo"

"Okay" Sinunod ko yung gusto nya.

Nakakaramdam ako ng awkwardness pero pilit kong inalala ang galit ko kay Zach at ang plano n'ya.

Umipekto naman kaya nai-imagine kong sambakol ang mukha ko. Hinigpitan ko pa yung yakap sa kanya.

Kung pwede lang sumakal ng tao , si Zach ang uunahin ko.

"Ayaw mo naman akong mawala sayo nyan?" He chuckled.

I rolled my eyes.

"Oo nga eh. Kung pwede lang lunukin kita para hindi ka malayo sakin ginawa ko na"

Tumayo yung balahibo ni Zach. Pinigilan kong matawa.

"Psycho" Sobrang hina lang yung pagkasabi niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"Bakla."

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon