Salamat sa mga comments. Binabasa ko ng paulit-ulit 'yun at tuwang-tuwa ako. Hindi ko bibitawan ang story na 'to, pramis. :D
The Bad Boy Meets Me
32Otw na ko. Be ready ;)
Nilagay ko sa bag ang cellphone na hawak pagkabasa sa text ni Leam saka sinara ang zipper nito at dahan-dahan na tumayo. Susunduin n'ya ako para hindi na mahirapan papunta sa school dahil sa paa ko.
Siguradong makikita ko si Zach
Napagdesisyunan kong kausapin si Zach at sabihin sa kan'yang alam ko na ang lahat. Na hindi ko na rin balak na gumanti sa kan'ya at saktan s'ya. Sa gano'n kasi nagsimula ang lahat- sa pagganti namin sa isa't isa. Natutunan ko na ang lesson sa kwento namin- na huwag nang pairalin ang galit at huwag na ring gumanti. Sayang, kasi akala ko, okay na kami. At sayang ang magandang pagsasamahan naming apat. Pero gano'n yata talaga. Lahat ng bagay may katapusan though hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang pangyayari.
Mamaya rin, gusto ko nang makipag-ayos kay Zach at itigil na ang away namin. Masyado nang grabe ang nangyari kaya ayoko na. Masyado na kaming nagkasakitan. Sana lang magka-ayos pa kami.
Kinuha ko 'yung mga saklay at sinuksok sa magkabilang kilikili ko. 'Yung isang paa ko lang ang may sapatos kasi 'yung isa, nakabenda. Ayoko ng ganito pero mapilit si Leam at s-in-udgest naman ng kaibigan n'yang doktor na magganito muna ako pansamantala para hindi mabugbog ang paa ko . Nagulat pa ako no'ng may pumunta ritong doktor . Kaibigan pala ni Leam at malapit lang daw dito ang bahay. Tatanungin ko sana kung saan banda pero nahiya naman ako. Baka kasi masyadong personal ang tanong ko.
Pumunta ako sa kwarto para kuhain 'yung susi ko na nasa side table ng kama. Maliwanag sa kwarto kasi umaga naman na kaya hindi kailangan buksan ang ilaw. Lumapit ako sa sidetable at kinuha ang susi. Pero nahagip kaagad ng mata ko 'yung stuffed toy na baboy na ibinigay ni Zach no'ng nasa amusement park kami. Umupo muna ako sa kama at sinandal ang mga saklay sa side table saka kinuha 'yung stuffed toy at inilagay sa kandungan.
" 'Yang amo mo, wala nang ginawa kundi saktan ako. Pagalitan mo nga."
May nag-door bell na kaya nilagay ko na si piggy sa pinaglalagyan n'ya kanina saka kinuha 'yung saklay at tumayo .
Naglakad ako papalabas ng kwarto at kinuha 'yung bag sa sofa.
"Sandali lang, ano ba naman 'yan?!" sabi ko kasi sunod-sunod na pag-door bell ang ginagawa pero hindi pa rin tumigil kahit sinigawan ko na.
Dinampot ko 'yung bag ko at sinuot sa magkabilang balikat ko at naglakad ako papuntang pinto saka binuksan.
Nakangisi si Leam nang pagbuksan ko samantalang nakasimangot naman ako sa kan'ya. "Nakakainis ka."
He chuckled. 'Bakit ba? Masarap laruin e. "
"Tse! Akala mo naman, sa 'yo. May pambayad ka ba kapag nasira 'yan?" Kunwaring pagtataray ko. Alam ko namang mayaman din ang isang ito.
Nag-belat s'ya sa 'kin. "Whatever, Mom."
Pinalo ko s'ya sa balikat at tumawa. "Tumigil ka, mas matanda ka pa sa 'kin. Lolo pa nga kita e."
Hinawakan n'ya kunwari ang dibdib. "You're hurting my feelings.''
Natawa ako. "Halika na nga." saka ko sinara ang pinto.
"Nahihirapan ka d'yan sa ginagamit mo? Buhatin nalang kaya kita?"
Umiling ako. " 'Wag na."
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...