The Bad Boy Meets Me
43
Nauuna sa akin si Leam maglakad habang hawak-hawak ang kamay ko. Nakayuko lang ako at tulala pa rin dahil iniisip ang naging desisyon. Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang ay siguraduhin na maging ligtas ang mga taong mahal ko. Ginagawa ko ‘to para hindi sila saktan ni Leam. I don’t have power over him. He can control me and yet, I can’t control him.
Pagkatapos ng field trip na ito, wala na. Hindi ko na makikita ang mga taong nagging parte ng buhay ko, lalong-lalo na si Zach. Hindi ko maiwasan na makonsensya at masaktan dahil sa pangakong imposible kong matupad.
Nakiusap ako kay Leam na magpapaalam muna kay Zach pero hindi s’ya pumayag. Ayaw n’ya akong makipag-usap sa iba. Ang gusto n’ya, sa kanya lang ang buong atensyon ko. “Leam, ang unfair na pagbawalan mo akong makipag-usap sa kanila. Ang hinaharap ko ang pinag-uusapan dito. Buhay ko ang gusto mong kuhain at kontrolin pero ayan ka, pinagbabawalan ako. Kahit manlang magpaalam sa kanila ay ayaw mo.”
He didn’t say anything.
‘’Pumayag na ako sa gusto mo. Ganito ba ang kakahinatnan ko kapag ikaw ang kasama ko? Ang mawalan ng control sa buhay ko? I can imagine myself na tikom ang bibig at sunod-sunuran lang sa ‘yo kung ikaw ang kasama ko.”He dropped my hand then faced me. Nagulat ako nang makita kong malungkot s’ya. “ Of course not! Hindi gan’yan ang gagawin mo kapag kasama mo ako.”
I fought the urge to snort. Hindi raw pero ‘yan ang nangyayari. Hindi ko na sinabi kung ano ang iniisip ko dahil baka magalit ko s’ya.“You have to understand.. I’m doing this because I can’t let you go.”
Nag-iwas ako ng tingin para hindi ko makita ang lungkot sa mukha n’ya. Nagi-guilty ako. Pero hindi dapat dahil mas grabe ang ginagawa n’ya n’ya sa akin o sa amin ni Zach. Gusto n'yang iwan ko ang lalaking pinakamamahal ko. “Pilit kitang iniintindi. Pero ako, hindi mo ako maintindihan. ‘Yun lang naman ang hinihingi ko. ‘Wag mo naman ipagkait.” Pangangatuwiran ko.He sighed. "I’m sorry if you think that way. Of course, I understand you.”
Hindi ako nagsalita. Hindi ‘yan ang gusto kong marinig.
“Okay..” he said nonchalantly. “Hahayaan kita makausap s’ya. But please, just say goodbye, okay?" He asked desperately.
He softly held my chin then hinarap ang mukha ko sa kan’ya. “Don’t say something you shouldn’t. I’m not a monster pero kapag nilayo ka n’ya, I swear, he will wish he had never been born.”
I held my breath. Hindi ako makapaniwala na gan’yan katindi ang nararamdaman n’ya sa akin. He will do everything to keep me. Ngayon palang, hindi ko alam kung pakakawalan pa n’ya ako.
"Kaya mo 'yang gawin sa isang taong naging isang mabuting kaibigan sa iyo?!"
Madilim na tinignan n'ya ako. '' Oo. Kung kukuhanin ka n'ya mula sa akin, kaya kong gawin ang kahit ano sa kan'ya!"
Wala sa sariling napabuga ako nang hangin sa kawalan. He is crazy.
Naghiwalay kami nang makapasok sa resort. S’ya, nagtungo sa ibang mga estudyanteng nagsu-swimming at ako naman , balak bumalik sa pinanggalingan kanina para tignan kung nando’n pa sina Zach.
Hindi pa man ako nakakaakyat, narinig ko ang boses n’ya. “Sammy..” Nakaramdam ako nang matinding pangungulila nang marinig ko ‘yun mula kay Zach. Matagal ko nang hinihiling na marinig muli ‘yon sa kan’ya. Sayang, wala kaming pagkakataon para ipakita ang nararamdaman para sa isa’t isa.
Hinarap ko s’ya at malungkot na ngumiti.
Marahan n’yang dinampi ang palad sa pisngi ko.“ I missed you.. Kahit na saglit ka lang na umalis, sobrang na-miss kita.”
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...