15

13.2K 330 12
                                    

The Bad Boy Meets Me

15


"Luto 'yun ni Zach, baka akala n'yo." Hindi ko maintindihan 'yung expression ng mukha nilang tatlo. Para silang natatae na ewan.

Sumimangot si Zach tapos yung dalawa tumatawa. Tinignan sila ng masama ni Zach."Tumatawa pa kayo, para namang compliment yung sinabi nya."

Ako naman yung natawa. "Masyadong mainitin ang ulo mo. Lagi kang nakasigaw. Kumukulubot na yung noo mo" Lumapit ako sa kanya then patted him. "Chill ka lang kasi. Gumaya kina B2 at B3 okay?"

He just rolled his eyes at hindi sumagot.

Tumingin ako sa dalawa. "Kumain na ba kayo?"

Ngumiti si Leam. "Oo." Bumalik na s'ya sa dati at nawala 'yung aura na ibinigay n'ya kanina.

"Pero gusto namin tikman ang luto mo." Jiro said. Tumingin siya kay Zach "Di gaya ng luto ng iba dyan-- Aww!" Binatukan siya ni Zach.

Napailing ako at napangiti . Sigurado ba ko na sila ang 'bad boys' ng school namin?

Pumunta ako sa kusina at nakasunod naman silang tatlo. Napairap ako at hinarap ko sila. "Ako na ang magluluto, okay? Nakakaamoy ako ng aksidente eh"

Leam pouted, Jiro smiled, and Zach rolled his eyes. "Arte. Bilis na. Nagugutom na 'ko!"

"Wow. Nahiya naman ako" I said then I started to cook. Umupo naman silang tatlo. Makalat pa dahil sa 'party' na ginawa namin kagabi ni Zach pero hinayaan ko muna.

"Andami ng ininom nyo kagabi ah. " Narinig ko si Jiro na nagsalita.

"Ang kalat" Leam commented.

"Hayaan mo nandyan naman kayong tatlo eh . Kayo nalang ang paglilinisin ko" Lumingin ako at kinindatan sila.

Huminga sila ng exaggerated. "No way!" Hinawakan ni Leam yung ulo at umiling-iling . Si Jiro sinubsob ang mukha sa lamesa .

"Haha! Over acting . "

si Zach naman, was looking at me intently. Mukhang naalala n'ya yung pag-eemote ko kagabi. Parang nagtatanong yung mga mata nya kung ano ba yung problema ko. Hindi ko kasi sinabi sa kanya. I shrugged then binalik yung atensyon sa ginagawa.  I'm not yet ready to share my story with them. I just can't.

Pagkalipas ng ilang mga minuto,tumayo si Jiro at inaya si Leam na umalis sa kusina. Manonood daw muna sila.

Ramdam na ramdam ko na nakatingin sakin si Zach. Bigla tuloy akong na conscious sa suot ko. Dahil sa damit nya yung suot ko, maluwag tuloy sakin. Kailangan ko pang iangat ulit kapag nalalaglag sa balikat ko.

"Samantha, anong niluluto mo?" Nagulat ako nung biglang naramdaman kong nasa likod ko na siya. Nakaharap ako sa niluluto ko kaya nung tinignan nya, nilagay pa nya sa ibabaw ng balikat ko yung chin nya.

Nanlaki yung mata ko at nagsimula akong magpanic. Napadikit yung daliri ko sa kawali at napaso. "Ouch!" I winced because of pain at tumakbo kaagad papunta sa sink then tinapat yung kamay ko sa faucet.

Dali-daling sumunod siyang sakin.

"Okay ka lang ba? " Naguilty na tanong n'ya. "Sorry, I startled you."

"Ayos lang. Please, dumistansya ka lang." Pinagpatuloy ko na yung pagluluto ko.

"Asan yung medical kit mo? Gagamutin natin yan." 

" Paso lang 'to . Ako nang bahala mamaya. "

Hinawakan nya yung kamay ko at hinila papunta sa direksyon nila Jiro. "Zach yung niluluto ko.. " Reklamo ko. Nilingon n'ya ko."Huwag kang makulit."

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon