The Bad Boy Meets Me
33
Hindi s'ya pumasok...
Mag-uuwian na pero hindi ko pa rin makita kahit ang anino n'ya. Saan kaya sila nagpunta ni Chloe? Malamang, nag-date sila.
"Tara na?" napatingin ako kay Jiro. Kasama n'ya si Leam at nakatingin sila pareho sa 'kin.
Kinuha ko ang mga saklay na nakasandal sa pader. Hindi talaga ako sanay na gamitin 'to. Parang ayoko na ngang gamitin lalo na no'ng may mga estudyanteng nakakita sa 'kin. Nangungunot ang noo nila at halatang nacu-curious. Mabuti nalang at hindi ko sila ka-close kaya walang nagtanon maliban kay Jiro.
"Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Ba't ayaw mong sabihin?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Ang kulit mo, Jiro. Kanina ka pa ah? Kapag ako nainis, ikaw ang gagamit nito."
Nag-poker face s'ya. "Sungit."
Nasa gitna nila ako pareho habang naglalakad kami palabas. Hindi ko na sinabi kay Jiro kung ba't nangyari sa 'kin 'to kasi mauungat pa ang lahat. Gano'n din naman si Leam dahil hindi na rin s'ya nagsalita. Pero kitang-kita ko sa mukha ni Jiro ang pag-aalala kanina kaya kahit papaano gumaan ang loob ko.
"Si Zach ba, alam n'yo kung sa'n nagpunta?"
Hindi ako nakapagsalita kaya si Leam na ang sumagot. "Hindi."
Nakakunot-noo si Jiro . Nahalata n'ya yata ang naging reaksyon ko kasi hindi na s'ya nagsalita pa. Ramdam n'ya rin siguro ang tensyon kay Leam.
"Excited na ba kayo sa field trip? Sa wednesday na 'yun." Jiro tried to lighten up the mood.
Nagkibil-balikat ako. "Ewan ko. Baka nga hindi ako makasama dahil sa paa ko."
"Basta huwag mo lang ipantapak. Kaya ka nga may saklay para umalalay sa paa mo e. " sabi naman ni Leam.
"Kaya nga. Hindi mo ba nakikitang ginagamit ko?-"
"Zach! Ayun naman pala si Zach oh!"
Hindi ko napigilan ang sariling hanapin s'ya ng mga mata ko. Nakasandal s'ya sa locker habang nasa bulsa ang isang kamay.
"Ano namang nangyari sa kan'ya? Uso ba ngayon ang injured?" Nagtatakang sabi ni Jiro.
Seryosong-seryoso ang mukha ni Zach. At natigil naman ang paghinga ko nang makita kong nakatingin s'ya sa akin nang diretso. Gusto ko s'yang lapitan at yakapin kaso natatakot ako na baka ipagtabuyan n'ya ulit ako.
Napansin kong nangunot ang noo n'yang napatingin sa bagay na nakaipit sa magkabilang kilikili at nakabendang paa ko. Nakasilip ako ng kaunting pag-aalala sa mukha n'ya pero napalitan din nang seryosong ekspresyon nang hawakan ni Leam ang kamay ko.
Napatingin ako kay Leam at binawi ang kamay ko. "L-Leam ano bang?-"
Ngumiti s'ya. "Nangako akong po-protektahan kita." at pagkatapos ay hinawakan ulit ang kamay ko.
Magsasalita sana ako ulit kaso hindi na natuloy nang magsalita si Zach.
"Pwede ba kitang makausap, Samantha?" walang halong galit ang boses n'ya.
Samantha..
Hindi ko alam kung masasanay pa ba ako sa tawag n'yang gan'yan. Masakit. Pero anong magagawa ko? "S-sige-"
"Makikipag-usap s'ya sa 'yo at ano? Sasaktan mo na naman s'ya?" nagulat ako sa tono ng boses ni Leam kaya napatingin ako sa kan'ya.
Ang sama ng tingin n'ya kay Zach. At gano'n din naman si Zach sa kan'ya "Hindi ko s'ya sinaktan."
Tumawa si Leam na parang isang biro ang sinabi ni Zach. "Nakikita mo ba ang kalagayan n'ya ngayon? She's suffering because you. You hurt her."
Tumingin ako kay Jiro para hihingi sana ng tulong pero nakapagsalita na rin s'ya. "Ano bang nangyayari sa inyo? Itigil n'yo nga 'yang away n'yo. "
Nagsalita si Zach. "Hindi ako nakikipag-away." mas lumapit pa s'ya at nabigla ako nang bawiin n'ya ang kamay ko kay Leam. " We need to talk-"
"No. Hindi mo na ulit s'ya masasaktan." putol sa kan'ya ni Leam.
Lumipat si Jiro sa bandang kaliwa ko at hinawakan si Leam sa balikat. "Hayaan na muna natin silang mag-usap."
"Okay lang ako, Leam. 'Wag mo 'kong alalahanin."
"Pero-"
"Hayaan mo akong magdesisyon para sa sarili ko. " seryosong sabi ko.
Makikipag-usap ako kay Zach dahil gusto kong malaman kung itutuloy pa ba o hindi ang meron sa amin. Para maging malinaw ang lahat.
Tumingin ako kay Zach. "Tara."
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
Fiksi UmumSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...