7

14.3K 385 16
                                    

Chapter seven

Halos lahat ng mga kaklase kong babae ay na-excite habang ako naman at halos lahat ng lalake ay napaungol. Gusto kasi ng teacher namin sa Values na magkaroon ng BABY PLANT TREE.

Yung mga kaklase ko sobrang excited kasi syempre mapa-partner sila sa mga lalake. Most of them was hoping to partner with their crush.

"This will be your project to me. Kailangan n'yong alagaan yung plant na itatanim nyo. Meron ako ritong mga papel na nakasulat ang pangalan ng girls para bunutin" Hinalo-halo nung teacher namin sa harap namin yung mga papel. 

Sinandal ko yung ulo ko sa upuan habang tinitignan yung boys na isa-isang lumapit sa harapan para bumunot.

"Boys lang daw" I joked at Jiro and Leam nung dumaan sila sa gilid ko.

Tumawa sila. Palagay ang loob ko sa kanila kaya nakakapagbiro ako. Naisip ko nga, tama ba ako ng tingin sa kanila? Kasi ang tingin ko sa kanila bago ko sila nakausap, iba ang ugali. 'Yung laging napapaaway. Bully. Wala naman kasi akong gan'on kainteresado sa kanila kaya minsan, hindi ko rin nakukumpirma kung anong ugali nila. Pero maaga pa siguro para malaman ang totoong ugali nila.

"Boys pala eh ba't nakaupo ka?!" They said as wiggled their eyebrows.

Natawa ko at umiling.

"B1 at B2 na nasa katauhan ng  baklang Dinosaurs"

"Ouch!"

Nilagay nila yung right hand sa dibdib para kunwari nasasaktan while trying to hide their smile at naglakad papuntang harapan.

Mga loko loko .. Gusto  ko silang tanungin kung bakit sila pumapasok samantalang dati, mahilig lang silang mag-cut ng klase. Kaya nga hindi rin nila alam na kaklase ako. Pero baka isipin nila, ayaw ko sila rito (medyo lang naman.)

Napansin ko na kasunod nila si Zach at nagsmile sakin.

Pinigilan kong tumaas yung kulay ko. Mukhang mag-uumpisa na ang round one para sa operation : paibigin ako. Gusto kong tanggalin lahat ng ngipin n'ya, baka sakaling matuwa pa ako sa smile.

Alam kong mukhang malakas ang loob ko sa ginagawa samantalang noong una, duduwag-duwag ako. Pero nawala ang kaduwagan ko no'ng pinahiya ako ni Zach. Wala akong naramdaman sa kan'ya kundi galit.

Ngumiti rin ako sa kan'ya para maipakitang hindi ako nagulat sa ginawa n'ya.

Natisod si Zach at muntik ng mawalan ng balanse.

Napahawak ako sa bibig dahil pinigil ang tawa.

Nagulat man sa ginawa ko, sinakyan nalang n'ya. He waved his hand. "Okay lang ako, 'wag kang mag-alala."

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gulat ng mga kaklase ko.  Bakit nga naman ba hindi kung alam ng lahat na magkaaway kami ni Zach?

I smiled. "Mabuti naman. Pero mas mabuti sana kung sumubsob ang mukha mo."

Tinignan ako ng lahat nang may gulat. Alam kong gusto nilang tumawa pero pinipigilan lang dahil sa masamang tingin nila.

"Miss Samantha , that attitude isn't right. Please, say sorry."

Natauhan ako sa sinabi ng guro namin. Nakakahiya. Narinig pa n'ya ang pambabastos ko kay Zach.

"Sorry po , Ma'am. " tumingin ako kay Zach. "Sorry." Labas sa ilong na hingi ko ng tawad.

He shivered. Gusto kong matawa sa kanya dahil para syang nakakita ng multo. Nabasa ko sa bibig n'ya na sinabi n'yang, " Creepy " under his breath.

Mukhang hindi narinig ng guro namin ang sinabi ni Zach kaya nakaramdam ako ng inis. Ang unfair. Dapat mag-sorry din si Zach. Mas nakakakilabot nga sya e' .

Hinihiling ko lang na hindi sya ang maging kapartner ko.

"Yes!" Napatingin ako sa harapan.

Anlaki-laki ng ngiti ni Jiro habang nasa ere yung kamao nya.

"Palit tayo. Gusto kong makapartner si Samantha!" Leam pouted.

I sighed in relief . Salamat naman at isa sa kanila ang magiging kapartner ko.

Tinignan ako ng masama ng classmates kong babae. I just shrugged. Wala silang magagawa kung ako ang nabunot.

"Akin na kasi, Jiro!" Inaagaw ni Leam yung papel sa kanya.

Tinignan ng mga classmates ko si Leam nang may paghanga. Ngayon alam ko na kung bakit ang daming nabibingwit si Leam na mga babaeng nagkakagusto sa kan'ya.

He looked cute, nice and innocent.  Parang hindi gagawa ng kabulastugan.

"Oh." Iniabot ni Jiro yung papel kay Leam.

His eyes widened.  "Ako na ang partner nya?!"

Napapailing nalang yung teacher namin sa kanila.

Jiro smirked. Mas mature si Jiro kay Leam. "Syempre hindi. Tapon mo lang. Nakakatamad eh"

The room burst of laughing. Napapailing ako sa dalawang 'to.

"Ako na lang magiging partner n'ya"

The room went silent.

Makikita mo sa mukha nina Leam at Jiro na parehong ayaw nila pero tahimik nalang na tumango. Sa akin naman, walang kaso kung sinong partner ko-- 'wag lang si Zach. Pero sa minalas ng pagkakataon, gusto n'yang s'ya.

Lumapit si Zach sakin while his hand was in his pocket.

"Nakakasawa nang makipag-away sayo. Can we be friends?" He said while smiling saka inabot ang kamay para makipag-shake hands.

Tumahimik muna ako. Tinignan lang s'ya. Hintayin ko muna s'yang mangalay bago tanggapin.

Unti-unting nagiging ngiwi ang porma ng ngiti n'ya. Nahahalata kong naiinis s'ya. Pero bago pa man sya mapagod, I took his hand.  "Sure"

Napanganga lahat. Well , hindi ko sila masisisi . . .

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon