11

12.2K 330 9
                                    

The Bad Boy Meets Me

11

Mga ilang beses kong pinilit na matulog ulit pero sa tuwing pinipikit ko ang mga mata, mga mukha ng mahal ko sa buhay ang nakikita ko. Kung ano 'yung itsura nila bago kami maghiwalay. And it hurts.. so much. Ayokong mag-self pity pero ang sakit talaga.

Nasa pinakasulok ako ng kwarto ko habang nakaupo at nakakulong ang mukha sa nakatiklop kong mga braso. Parang sirang plaka na paulit ulit na pinapalabas ang nangyari sa nakaraan.

Napatingin ako sa bracelet ko na niregalo ng kapatid ko sakin n'ong buhay pa sya. No'ng buhay pa s'ya. Ang pait sabihin.  Nangilid yung luha ko at nanginginig yung labi ko as I tried not to cry.

This bracelet was made out of clay. I smiled sadly. S'ya yung gumagawa ng design tapos ako yung nagb-bake. She was so creative and kahit si Mama, meron nito. She was so beautiful and special. I remember when she was still alive we used to play 'bahay bahayan' .She was the mother and I were her child. Nagkukunwari syang istriktong Magulang tapos tinuturuan nya kong magsulat as she held my hand.

P-pero ngayon, wala na sila.Hindi ko na maibabalik ang nakaraan at ulitit ulitin ang mga pangyayari 'yon. Tumayo ako at pumunta sa closet. Hinanap ko 'yung photo album ng kapatid ko. Pinagtatanggal ng mabilis yung damit na nasa ibabaw at hinayaang magkalat sa lapag.

Nang makuha ko , humiga kaagad ako sa kama at niyakap 'to nang mahigpit.

I closed my eyes. I missed them, I really do..

Umupo ako at binuksan ko yung unang page.

I wiped my tears. Sa picture kumakain si Lizzy ng burger habang punong-puno 'yung bibig kaya lumobo yung magkabilang pisngi nya and naka "peace sign" pa sya. Nasa food court kami nung time na 'to at kumakain sa may fast food chain na paborito nya.

It breaks my heart sa katotohanang sa picture ko nalang makikita yung mga ngiti nya. Na sa pictures ko nalang makikita yung nagliliwanag nyang mga mata. Kung may chance lang ako na maibalik ko sya kapalit ng buhay ko, gagawin ko.

She was so young. She had no chance to see and experience what life is.

Dapat nasa school sya habang nag-aaral and playground habang naglalaro. She had no chance to build a friendship or experience to had a crush. Hindi nya naranasang magkwento sakin tungkol sa mga tatawagin n'yang bestfriends at magpaturo ng equations sa Math. Wala. Instead, nasa libingan s'ya ngayon! She was in f*cking grave.

Gusto ko syang bumalik dito kasama si Mama at para masabi ko kung gaano ko sila kamahal as I hug them. Sinara ko yung photo album at napahawak sa dibdib ko as I continued to cry.

Tumayo ako at pinagsisipa yung wall. Pinagsisipa ko yun hanggang sa napagod ako at napaupo. Sana , namatay nalang din ako.

Nakuha ng atensyon ko ang tumutunog kong cellphone. Wala sa sariling umupo ako sa kama at sinagot ang tawag.


"Umiiyak ka?" Si Zach.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon