25

9.5K 237 28
                                    


The Bad Boy Meets Me
25

"Okay na ba kayo? Sigurado bang wala na kayong nakalimutan?" Tanong samin ni Jiro habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa. Nandito kami sa parking lot, nakatayo sa labas ng kotse at hinihintay si Zach dahil nakalimutan nya 'yong susi.

Humikab ako. "Oo wala na. Bakit ba kasi ayaw mong sumama?" Tanong ko sa kanya.

Nagkamot naman sya ng ulo. "Pupuntahan ko si Angelica para ibigay 'yong Malunggay Cookies na ginawa ko"

Tumango lang ako bilang sagot. Kahapon tinuruan ko sila kung paano gumawa ng Malunggay Cookies. 'Yon ang ginawa namin dahil healthy sya. Tamang-tama para sa mga bata. Masasabi kong successful ang pagtuturo ko sa kanila dahil hindi naman nagkaroon ng 'sunog' o ng 'pagsabog' sa kusina ni Zach. Natawa nalang ako sa kanila n'ong pabalik-balik sila sa harapan ng oven para pagmasdan 'yong cookies. Ilang beses ko silang sinabihan na hindi dodoble ang init sa loob n'on kahit titigan nila nang titigan pero hindi ako pinakinggan. Para silang mga bata na excited sa first day of school nila at in fairness , bumagay ang apron sa kanila.

Siniko sya ni Leam. "Baka mamaya mangarap ka na naman habang gising , edi nasayang lang 'yan dahil hindi tinanggap ni Angelica mo"

Napangiti ako dahil naalala ko ang kwento ni Jiro.

"Hindi na ako mangangarap dahil this time, totoo na ang mangyayari"

Tinaasan ko sya ng kilay. "Masyado nyong ina-underestimate kaming mga babae... Hindi pa nga kayo magkakakilala , halik na kaagad ang gusto mo? At isa pa hindi lahat ng babae nagkakagusto kagaad sa isang lalaki kahit na gwapo pa nya."

"Nagbibiro lang ako-"

Leam snorted. "Nagbibiro lang daw. Eh 'yong facial expression mo kanina , parang gutom na gutom na leon habang tinitignan ang prey nya-ow! Masakit 'yon ah!" Hinamas ni Leam 'yong tenga dahil piningot ni Jiro.

"Kaya ko nga kinurot 'yong tenga mo para masaktan ka eh."

Nagsmirk si Leam sa kanya. "Balang araw makakaganti rin ako sayo"

Napatingin ako sa kamay nya. "Mahapdi pa ba yung kamay mo?"

Nakita kong umasim ang mukha nya. Kahapon kasi sa sobrang atat nyang makita 'yong b-in-ake na cookies, hinawakan nya 'yong pan kahit na walang proteksyon sa kamay.

He smiled. "Okay na."

Nalipat naman ang atensyon namin sa  papalapit na si Zach. "Tara na?" He asked us. Maaga kami aalis para maabutan namin 'yong klase ng mga bata dahil sabi narin nila , nasa dalawang oras ang aabutin sa byahe namin.

We just nodded.

"Dito ka na umupo. Tabi na tayo" Sabi sakin ni Leam habang nakabukas ang pinto ng kotse sa back seat.

"Sige" Papasok na sana ko kaso hinawakan ako ni Zach sa wrist para pigilan.

Gulat na napatingin ako sa kanya.  "Sakin kana tumabi" then pinagbuksan nya ko ng pinto. Hindi na ko nakapamili kung saan ako uupo dahil pinapasok na kaagad nya ako at pagkatapos ay sinara ang pinto. Narinig ko pang nagreklamo 'yong isa. Nakita kong seryosong nakatingin si Jiro sakin pero ngumiti rin siya nang makita nyang tinitignan ko sya. Gumalaw ang kotse nang pumasok 'yong dalawa. Jiro was waving his hand habang minamaneobra ni Zach ang sinasakyan namin. I was waving my hand sa kanya habang nakatingin sa salamin hanggang sa mawala nalang siya sa paningin ko.

"Suotin mo 'yong seat belt" I heard Zach murmur. Nakalimutan ko 'yon kaya buti nalang nalang pinaalala nya.

"Bakit kayo gustong-gusto nyo ng isaw pero hindi naman sya masarap para sakin?" Lumingon ako kay Leam. Magkadikit ang kilay nya. In-adjust ko ang pagkakaupo para matignan ko sya nang maayos.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon