17

12.7K 278 28
                                    

The Bad Boy Meets Me
17

Nilibot ko ang paningin sa loob ng auditorium. Pansin ko na halos lahat ng fourth year nandito at nakatingin sa akin. Actually lahat nga sila nasa akin yung atensyon kasama na itong dalawang nasa tabi ko.

Napatingin ako sa stage.

Hindi parin ako makapaniwala.

Nando'n si Zach at may hawak na mic. May nakasulat sa screen na 'Im Sorry Samantha for judging you'

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Mas naco-concious pa ko sa itsura ko dahil lahat ng mata nasa akin. Baka para palang pugad ng ibon 'tong buhok ko o kaya baka may muta pala ako sa mga mata. Don't get me wrong ah? Syempre na-appreciate ko 'yung effort nya , pero baka kasi pakulo lang n'ya 'yan para makuha ang loob. Saka ganito ang reaksyon ko dahil hindi ako sanay na ipakita yung nararamdaman kong.. uhm.. 'saya'?
Hindi ako yung tipo ng babae na iiyak nang dahil sa ganyan-ganyan ng guy .. At magtatatalon sa tuwa. Never.

Anyway, 'A' for effort naman sya and nakakatuwa dahil nakakahiya yung ginagawa nya..

"er.. Gusto ko lang linawin sa lahat na hindi totoo yung sinabi ko about kay Samantha" Nalipat ang atensyon ng lahat kay Zach. Tapos nag-umpisang magbulungan.
Medyo awkward. Si Zach ba ito? Yung kasagutan at kaaway ko nitong mga nakaraan?

"Sobrang mali ako becauseI judged you. Tito mo 'yun at hindi kung ano man." Hindi sya makatingin nang diretso sakin and ang likot ng mata nya .At nung mapatingin sya sakin, "Uhm-- sorry, Samantha." ang sinabi n'ya.

Hindi ko mapigilan na mapangiti nang nakita kong namumula yung tenga tapos kinakamot yung batok nya.

Actually, abot tenga talaga yung ngiti ko. Kinakabahan yata siya at ngayon ko lang nakita na gan'yan.

Tinaasan ko s'ya ng kilay pero nakangiti parin ako. Tumahimik lahat at inaantay kung ano yung isasagot ko. "anong drama 'to? Ang baduy mo." I teased as I rolled my eyes.

Natawa ang lahat maliban kay Zach. Namula yung mukha nya.

Sh*t! Never kong na-imagine na ganito sya kadaling mamumula. Sayang, gusto ko s'yang picturan dahil baka magamit kong panlaban sa kan'ya pero 'wag na. Maraming nakakakita.

"Ang arte mo , nagso-sorry lang naman ako." He crossed his arms as he tapped his foot. Namumula pa rin sya.

Nalakad ako papalapit para maiksi lang yung distansya dahil ansakit sa lalamunan lakasan ang boses. Hindi na ko umakyat ng stage kaya ang nangyari, nakatingala ako nang kaunti habang sya nakatingin sa baba.

"Maka-arte ka naman parang nanliligaw ka" I chuckled. "Nakakatawa ka talaga"

Nanlaki 'yung mata nya. "Hindi mo ba alam na nakakatamad maghanda nito? Nagmessage pa ko sa lahat para lang pumunta rito tapos nakakahiya --"

"Oo na , oo na. Zach, kailangan mo bang isumbat?" Sabi ko hababang umiiling-iling pero naka smile pa rin.

Sumimangot lang sya. Naramdaman kong sumusunod yung dalawa at tumabi sakin.

" At last, nalinis ang pangalan mo. You deserve a hug" Hindi na ko inintay ni Leam na makasagot at niyakap nya ko-- nang nahigpit.

Narinig ko pang nag-gasp yung nanonood samin. Para akong tuod na nagulat sa ginawa n'ya.

" MUKHA NAMANG WALA NANG SAYSAY SAYO 'TONG GINAWA KO KAYA AALIS NALANG AKO. MAGYAKAPAN LANG KAYO."

Nanlaki yung mata ko nung marinig ko 'yon tapos napabitaw ng yakap kay Leam. Nag-create pa ng masakit na tunog sa tenga yung bumagsak na mic sa lapag.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon