Chapter three
"I will kill them, I will kill them, I will kill them! " paulit-ulit kong sinasabi habang naghihilamos. Nang matapos kong hilamusan 'yung mukha ko, sinunod ko namang hugasan 'yung buhok ko. Kanina ko pa ginagawa 'to pero malangis parin!
MANANAGOT TALAGA SAKIN YANG MGA BAKLANG DINOSAURS NA YAN .
Hindi ako pumasok ng 1st and 2nd subject namin dahil dito. Malapit na maglunch break kaya kailangan ko nang makaisip ng ganti na may kinalaman sa pagkain . Napakadaya nila. 3 vs. 1? Sobrang daya. Mga dinosaurs na nagbubuga ng kabaklaan at kaduwagan! Dapat sa kanila, pinapainit ang dila at tainga.
Napangisi ako na parang baliw dahil may naisip akong gagawin sa kanila. Pinunasan ko ang mukha pati narin ang buhok ko. Siguradong iinit ang ulo nila sa gagawin ko.
Lumabas ako ng restroom at pumunta sa canteen habang tumatawa nang parang baliw sa isip ko. Ramdam na ramdam ko pa ang pagdampi sa balat ko ng malamig na hangin dahil sa aircon.
Dumiretso ako sa counter . Buti nalang wala pang masyadong tao. " Excuse me , Miss. Ako ang inutusan nila Zach para kuhanin ang mga pagkain nila." I smiled at her then kinuha ko 'yung tray para ilagay ko dun ang pagkain.
Ganito rito araw-araw. Merong inuutusan sila Zach na estudyanteng binu-bully para kunin ang lunch nila. Usually pizza and iced tea ang ino-order nila Zach kaya mas madali kong maisasagawa ang aking plano.
Umupo muna ako at nilapag ang hawak sa lamesa at pagkatapos ay naghintay. Tamang-tama naman ang pagtunog ng bell kaya hindi ko na kailangang maghintay nang matagal. Nag-umpisa nang magpasukan ang mga estudyante. Kinuha ko 'yung tray pati narin yung CHILI POWDER na nasa lamesa at tinanggal 'yung takip. Binuhos ko lahat ng laman sa pizza. Sa gitna ako nag-focus para kapag kagat palang nila, kulang nalang ay ang pagdugo ng dila nila sa sobrang anghang. Kinuha ko pa 'yung mga chili powder na makikita sa kalapit kong mga lamesa. Saka ko nilagyan pati ang inumin nila. Nang maayos ko na ang lahat, may tinawag akong isang estudyanteng lalaki para magdala sa usual seat ng mga dinosaurs. No'ng una, ayaw pang gawin nung estudyante dahil takot s'ya dun kina Zach. Pero nung pinagbantaan ko, sumunod na rin.
Lumapit s'ya sa kinaroroonan nila Zach. Makikita mo sa mukha nila na nagtaka sila pero sinabihan lang nila ng 'shoo' 'yung inutusan ko kaya umalis na.
WRONG MOVE..
Lumipat ako ng pwesto papunta sa medyo malapit na table nila para makita nila 'yung napaganda kong tawa. Maya-maya pa nag-umpisa na silang kumain. 'Di ba ang lalaki, tuloy tuloy ang pag-kain? Well, 'yan ang ginagawa nila ngayon. Puntong puno ng pizza yung mga bibig nila.
Then suddenly ...
"PWE!! ASDFGHJKLASDFGHJKL!"
Linuwa nila 'yung pizza at pinaypay- paypay 'yung kamay sa nakalabas na dila. Tumawa ko nang tahimik. Wala pa 'yung finale ng paghihiganti ko kaya hindi pa 'ko magpapakita sa kanila.
"YUCK!"
"EEWW!"
Kanya-kanya ng react 'yung ibang estudyanteng nakakakita sa kanila. Hindi na sila nagawang takutin nila Zach na tumahimik dahil busy ang mga ito sa pagtanggal ng anghang sa bibig.
AT ANG CLIMAX ...
Sabay-sabay nilang ininom 'yung iced tea at sabay-sabay ding binuga sa mukha ng isa't-isa!
D'on na 'ko tumawa nang malakas para makuha ko ang atensyon nila. Mas nanlaki pa 'yung mata nilang namumula at maluha-luha nang makita ako. May nai-imagine na 'kong lumalabas na usok sa bibig,tenga at ilong nila!
At ang hinihintay kong linya?..
"PATAY KA SA'MIN!" Zach shouted. Parang music na pumasok sa tenga ang sinabi niya.
Hindi ako takot sa pagbabanta n'ya.
THIS. IS. WAR.
![](https://img.wattpad.com/cover/6346053-288-k410582.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...