Binabagalan ko lang ang paglalakad para mapagmascdan ko ang harapan ng school namin. Maganda ang landscape ng eskwelahan namin. Kamuka 'to ng mga tipikal napapanood sa t.v. na itsura ng schools sa Korea. Maraming puno, and maaliwalas. Merong mga bench sa paligid tapos bermuda grass ang tatapakan mo. Pumasok ako sa buildong namin at sumakay sa elevator papunta sa floor kung saan matatagpuan ang room ko. May mangilan-ngilan akong mga estudyanteng nakasabay na nagdadaldalan kaya medyl maingay sa loob.
Umupo na 'ko sa usual seat ko nang pakapasok ako sa silid-aralan. Napansin ko na hindi pumasok 'yung tatlong bading. Siguro nakipag-away na naman. Gaya nalang last week, nakipag-away sila dahil lang sa natapunan ng juice? I tsked. Minsan talaga, wala na sa lugar yung pagiging bad boys nila.
Nag-ring na 'yung bell , signal na lunch break na. Sa building namin na 'to, seniours lang ang nagru-room. Bawat building, may kanya-kanyang canteen kaya hindi maraming tao kapag vacant. Hindi rin naman ganoon karami ang mga seniors.
Nang pagpasok ko, napansin ko na tumahimik ang lahat. Hindi rin nakaligtas sa'kin 'yung mga 'mapanghusgang?' tingin na binibibigay nila sakin.
Nailang ako at feeling ko, may mali sa itsura ko kaya nakatingin sila. I hate being the center of attention kaya hindi ko alam kung lalabas ba ko o tutuloy pa rin. Tumingin nalang ako sa sahig at nag-pretend na hindi ko sila napansin.
"Is that her?"
"Yeah, I think so."
"Nakakahiya naman s'ya.."
I stopped when I heard them murmuring. I'm definetely confused kung ako ba 'yung pinag-uusapan nila o ano. Pero bakit naman nila ko pag-uusapan 'di ba? I shrugged my shoulder at pinagpatuloy ko ang paglalakad.
Nasagot ang mga tanong ko sa isipan nung naobserbahan ko ang paligid ng canteen.
Merong mga nagkalat na pictures ko kayakap si Tito Charles. Nand'on 'yung nakatayo siya sa pinto ko while he was knocking pati na rin 'yung pagsakay ko sa kotse n'ya at pagbigay ng fatherly hug. Sa kuha ng mga litrato, pinapalabas na parang may relasyon kami. May nakalagay pa sa taas ng mga litrato na 'I love my sugar daddy.'
N'ong una hindi ako makagalaw at hindi ko alam ang gagawin ko. Gulat na gulat ako sa nakikita ko. This is too much for a prank. Nakaramdam ako ng galit sa mga taong walang magawa sa mundo kundi gumawa ng mga walang kwentang bagay. Hinakbang ko ang mga paa at tinungo kung saan nakapaskil ang mga tarpaulin saka pinagtatanggal.
Nakatingin 'yung iba sakin. Tinitignan ang bawat galaw ko pero wala akong pakialam sa kanila. Kahit na sumasakit na ang mga daliri ko kakahablot sa mga 'to, wala pa rin akong pakialam.
Hindi deserve ni Tito ang kahihiyang 'to. S'ya na 'yung tinuring kong ama nung iniwan kami ng papa ko. Mabuti s'yang tao kaya wala silang karapatang gawin ang mga walang kwentang bagay na 'to sa kanya.
Nag-iinit na ang mata ko pero pinigil ko ang luha . Hindi nila ako makikitang iiyak, tandaan nila 'yan. Masyado na akong maraming pinagdaanan para magpadala sa ganito. Isa lang naman ang kilala kong kayang gumawa nito e'. Si Zach. Isama mo pa 'yung mga alagad n'ya. Nakumpirma 'yung iniisip ko nang marinig ko ang boses n'ya mula sa likuran ko.
"Kahit tanggalin mo pa ang mga 'yan, marami at marami pa ring matitira d'yan" I can imagine his smirk. Paano n'ya nagagawang gawing parang biro lang ang lahat? Paano n'ya nakakayang mamahiya at manakit ng ibang tao?
Hindi ko s'ya pinansin tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtanggal. Galit na galit ako sa kanya! Gusto ko s'yang pagsasampalin pero hindi ko ginawa.Mas importante sa'kin ang kahihiyan ni Tito. Hindi ko hahayaan na tumagal pa ang mga litrato na naka-display kahit pa ilang segundo.
"Kaya pala nagtataka ako kung bakit sa kabila ng mga kakarampot na kita mo sa cheap na coffee shop na yun , you can still manage to enroll in this school."
" .......... " Kinuyom ko ng grabe 'yung kamay ko. Cheap? Pinabayaan ko kahit dumudugo na sa sakit yung naputol na mga kuko. Nananatili akong nakatalikod sa kanya. Pinipigil ko ng maigi ang sarili ko dahil baka kung ano ang baka magawa ko sa kanya. Hindi ko gusto ang mga bayolenteng tao kaya hanggat maari, iniiwasan kong maging kagaya nila.
"May sugar daddy pala. Tell me. Magkano ka ba? I can replace him if you want. I'll pay you twice--"
I slapped him, HARD on the face then tinulak-tulak ko s'ya at hinawakan ng mahigpit 'yung kwelyo ng damit nya then nilapit ko ang mukha n'ya sa mukha ko.
Wala akong pakialam kung marami ang nakakakita at nanonood sa'min.
"HINDI MO AKO KILALA, ZACH KAYA 'WAG KANG KARAPATANG HUSGAHAN ANG BUONG PAGKATAO KO. YOU FCKING DISGUST ME. IKAW LANG ANG MAKAKAGAWA NG MGA KASINUNGALINGANG GANITO. CONGRATULATIONS, ZACH. YOU FCKNG PROVED TO ME HOW MUCH OF A PATHETIC FOOL YOU ARE." I looked at him straight in the eye with so much hatred. Ang he returned it with hatred also.
Pagkatapos n'on, binitiwan ko s'ya with so much force kaya napaatras si Zach at nawalan ng balanse. Saka ako lumabas ng canteen at tumakbo papunta sa rooftop garden. Nagtago ako sa likod ng gazebo then umupo sa wooden floor.
Pinakawalan ko ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil at pinatong ko ang ulo sa nakaliklop kong tuhod. Tinago ko ang mukha ko sa mga braso ko then I cried silently.
Wala silang ideya kung gano kahirap ang pinagdaan ko. Sina Tito Charles na nga lang 'yong pamilya ko, masisira pa sila nang dahil sakin? Kaya ko pang tanggapin kung nagbigay nalang sila ng prank sa'kin pero hindi ko kaya kung sa emosyonal na aspeto nila ko sasaktan. I'm still in the process of healing! Thanks to them, I'm broken again.
I stayed here nang matagal at hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko pinasukan 'yung mga natitirang klase ko dahil gusto ko munang mag-isa at iproseso ang mga pangyayari. Nakakahiya. Siguradong kakalat sa school ang nangyari.
Naghintay pa ako ng mga ilang minuto saka nahimasmasan. Medyo humihikbi pa ako. Tatayo na sana ako nang may humarang sa harap ko. "I'm so sorry hindi ko napigilan si Zach." Iniabot sa akin ni Leam ang panyo. Binulsa n'ya ang panyong hindi ko tinanggap at umupo sa may di kalayuan.
Hindi dapat ako nagagalit kay Leam dahil hindi ko naman sigurado kung kasali ba s'ya sa ginawa ni Zach pero 'yun ang nararamdaman ko. At dahil galit na galit ako, hindi ko masabi sa kan'yang 'okay lang.'
May mga yabag na narinig at mga boses na nag-usap sa loob ng gazebo.
" That was below the belt, Zach. Aminin na natin."
Kahit papano ay nabawasan ang galit ko kina Leam at Jiro. Nakaramdam sila ng konsensya at alam nilang mali ang ginawa ng kaibigan nila.
"Still, alam mo kung anong kasalanan n'ya sa akin-- sa atin."
Gusto kong mapasigaw sa sobrang frustration. Wow. Hindi ko alam na gan'yan pala s'ya talaga kakitid mag-isip. Para lang sa 'kasalanan' ko raw, ginawa n'ya 'yun.
"Minaliit n'ya ako kanina at sinampal. How dare she! "
"Come on, Zach . Alam natin na pwede ka pang humingi ng sorry sa kan'ya at magpaliwanag. Pareho kayong mali. And she did that because of what you said. Galit s'ya. Damn, I'm even sure she hates you."
"Don't try to lecture me, Jiro. Now is not a good time. And what did you say? Hate? " He laughed without humor. "You are wrong , Jiro. She will love me. No matter what it takes, even if I force her, she will love me."
Umalis si Zach at sumunod si Jiro. Lalo lang akong nagalit sa dinosaur na 'yun. Hindi ko alam kung bakit s'ya pa ang sobrang galit na galit sa aming dalawa. At si Jiro? Hindi ko kasalanan. Wala akong kasalanan kay Zach na dapat kong ihingi ng tawad.
" Zach is acting like he is the victim." Sinabi ni Leam ang gusto ko ring sabihin. " Narinig mo ang sinabi n'ya, Samantha. Don't you ever fall in love him." Tumayo si Leam at tinapik ako sa balikat. "Again, I'm sorry."
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...