Chapter four
Lumipas ang mga araw na walang pakialamanan sa'min nila Zach. No'ng araw na nagbigay kami ng prank sa isat-isa, hinintay ko talaga kung may hokus-pokus silang gagawin pero lumipas ang araw na 'yun na wala namang nangyari.
Kapag nagkakasalubong kami sa corridor , hindi nila ako pinapansin maliban kay Leam na ngiti nang ngiti na akala n'ya, natutuwa ako sa ginagawa n'ya. Busy naman Zach sa paglalandi ng chicks na natipuhan nila ng araw na 'yun. Babaeng matutuwa dahil magiging usap-usapan ng buong school dahil nadikit ang pangalan sa mga baklang dinosaur.
Ewan ko kung sinasadya niyang hindi ako pansinin o hindi lang ako napapansin. Malamang 'yung huli nga . Pero kung ano man ang mga dahilan nila, wala na 'kong pakialam dun. Buti nga nagsawa rin sila para hindi nila 'ko inaabala.
At ako?..
Bumalik ako sa boring kong pang-araw-araw na pamumuhay. Pumapasok sa school , bahay , at trabaho. Paulit-ulit lang na cycle.
Narinig kong nag-ring yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino 'yung tumatawag saka ko sinagot.
"Hello po, Tito? Kamusta na po?" Sinara ko ang librong binabasa at inaayos ang pagkakasandal ko sa ulunan ng kama.
"I'm okay. Ikaw 'tong inaalala ko dahil.."
Huminga ako nang malalim. Tawagin mo na akong duwag pero hinding-hindi ako makikipag-usap sa iba tungkol sa pamilya ko. Hindi ko kasi alam kung makokontrol ko ang emosyon ko. No'ng gabing mamatay sila, 'yun lang ang gabing umiyak ako sa harapan ng iba. Pinipigil ko ang luha ko kapag maraming tao at nagpe-pretend na okay lang ang lahat kahit na sobrang sakit. Bakit pa? Para kaawaan? Maibabalik pa ba ang buhay ng pamilya ko kung maaawa sila sa'kin?
Nag-aalala sina Tito dahil halos isang buwan nalang, mag-a- anniversary na ang pagkamatay nila Lizzy.
"I'm fine, Tito. Don't worry."
Matagal muna bago siya sumagot. Tinitimbang siguro kung totoo ba ang sinasabi ko.
"Okay, hija.. " Sagot n'ya na parang hindi pa rin kumbinsido. "By the way, gusto ka nang makita ng Tita mo. Dito ka na mag-lunch dahil sa gabi ay meron kang trabaho. Sabi ko naman sayo --"
Pinutol ko sya kasi alam ko na 'yung sasabihin nya. "Tito, kung tungkol na naman po sa trabaho ko, pabayaan n'yo na po. Nakakahiya na nga po dahil kayo na ang tumulong sa'kin nung panahong wala na akong masandalan. At 'yung tungkol po sa lunch, sunduin n'yo nalang po ako bukas ng 10." Pinasigla ko 'yung boses ko para hindi na s'ya mag-alala pa. Maya maya pa nagpaalamanan na kami. 8 pm to 1:30 am ang pasok ko sa coffee shop kaya makakatulog pa 'ko hanggang umaga.
I sighed. Sa totoo lang hindi naman kami related ni Tito Charles. Best friend sila ng asawa n'ya ni Mama kaya tinuring na rin nila kami ni Lizzy na parang pamilya nila.Andami nilang naitulong sa'kin. Actually itong bahay na tinutuluyan ko, sila ang nagbigay nito. Pati narin 'yung pagpasok ko sa school namin ngayon mula nung third year, sila rin ang nagbabayad. In-insist ko talaga na magtrabaho ako para ako na yung gagastos sa sarili ko.
Nag-asikaso na ako dahil papasok pa ako sa trabaho. Magpapatuloy na naman ang boring kong araw .
**************
Niyakap ko si tito tapos pumasok na 'ko sa sasakyan n'ya nung pinagbuksan n'ya ko ng pinto. Nakatingin lang ako sa tinted na salamin ng sasakyan habang nagbabyahe at sumasagot-sagot sa mga tanong n'ya. Hanggang sa makarating kami sa kanila ,tahimik lang ako.
Alam ko na boring ang buhay ko. Walang boyfriend ,kaibigan o kaaway. Pero sa'kin, okay lang. Mas komportable ako sa ganito.
Kasi hindi ko kailangan maging masaya. Ganito kasi ang gusto ko- 'yung masaktan o makonsensya . Kasi unang-una, kasalanan ko kung bakit namatay ang pamilya ko. Kung 'di sana-
"Samantha, my dear. Kamusta kana hija?" Pinutol ni Tita 'yung iniisip ko. Yumakap s'ya sa'kin at gumanti rin ako ng yakap sa kan'ya.
I tried my best not to stiff. Halos two years palang na wala si Mama kaya miss ko pa ang yakap n'ya. At sa tuwing niyayakap ako ni Tita, parang gusto kong lumayo dahil baka umiyak nalang ako at hanapin si Mama na parang bata.
At first nag-hesitate akong pumasok nung binuksan ni Tita yung pinto ng bahay nila. Parang nahalata naman ni Tito Charles ang nasa isip ko kaya nagsalita s'ya. "Dont worry , wala si Nathan" he told me kaya pumasok na rin ko.
Nathan is my bestfriend. Noong nawala sakin ang lahat , nilayo ko ang sarili sa iba. Kahit pa sa kanya. Hindi ko masisi ang sarili ko. I was hurt. Masyadong mahirap tanggapin na ang pamilyang minamahal ko ay mawawala with just a snap. Noong umalis ako, wala akong pinagsabihan. Basta nalang akong nawala. Ang tanging nakakaalam lang kung nasaan ako , ay sina Tita. Ginalang naman nila ang nararamdaman ko. Kaya hindi nila sinabi kay Nathan. Hanggang ngayon, nagi-guilty ako dahil hindi ako nagpaalam sa kanya.
Pero ganito muna ang gusto ko- ang mkapag-isa at makapag-isip. Magpapakita nalang siguro ako sa kan'ya kapag nagkaroon na 'ko ng lakas ng loob.
Natapos yung lunch namin nang okay lang. As usual , pinaramdam nila sakin na at home ako. Kinakamusta nila ko , yung pag-aaral ko , yung trabaho ko . Magalang ko naman silang sinasagot at kinakamusta rin. Automatic na hindi namin pinag-uusapan 'yung mga bagay na alam nilang magiging uncomfortable ako. Nag-stay ako sa kanila ng ilang oras pa bago umalis. Hinatid ako ni Tito charles sa bahay. He gave me a fatherly hug bago umalis.
At the corner of my eye, may nahagip akong isang lalaking nakasalamin, at may hawak na camera...
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...