9.1

14.3K 367 8
                                    

Dinala n'ya ako sa isang Japanese restaurant. Halatang pinagtitinginan kami pagpasok dahil magkaiba kami ng suot. Ako ay dress samantalang s'ya pang-ewan na suot.

"Kasalanan mo kung binibigyan tayo ng atensyon." Paninisi ko sa kan'ya. Medyo naco-concious tuloy ako sa tingin nila.

"Hayaan mo sila. They're just no one." Walang pakialam na sabi n'ya.

Hanga ako sa kakapalan ng mukha n'ya dahil unang-una , hiyang-hiya dapat s'ya ngayon.

Umupo kami at s'ya na ang umorder. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano'ng o-orderin. Alam ko ang lasa ng ibang putaheng hapon pero ang natitikaman ko ay nabibili sa grocery.

Medyo matagal kaming naghintay kaya kinausap ko muna s'ya. "So, Zach, kailan mo balak sumakaibilang-buhay?

Tinignan n'ya ako nang masama. "Hindi magandang biro 'yan."

Nakaramdam ako ng pagkapahiya at agad na humingi ng tawad.

"Okay lang." Nakasimangot na sagot n'ya.

Dumating ang inorder at nag-umpisa kaming kumain. Masasabi kong mas masarap pala ang mga pagkain dito kumpara sa nabibili ko sa kung saan lang.

"Tikman mo 'to." Tinuro ni Zach 'yung Wasabi.

Dinalaan ko s'ya. "Hayup , hindi ako tanga. Ipakain ko pa lahat sa 'yo 'yan."

He just grinned at sinubo ang hilaw na tuna.

Kinain ko naman ang tempura. "Hindi ba nakakadiri 'yan?" Ang tinutukoy ko ay ang sushi.

"Hindi. Masarap, actually. Kahit hilaw na tuna, may masarap na lasa. Bast isasaw mo sa sauce na my wasabi."

Nakakadiri imaginin na kainin pero mas nacu- curious ako.

Tinusok ko ng chopstick , sinawsaw , saka sinubo.

Agad ko ring niluwa. Hindi ko nagustuhan ang lasa at gusto kong masuka pero pinigilan ko. Ayokong mapahiya.

Tinignan ko si Zach nang masama at nagkibit-balikat s'ya. "I didn't force you to eat it."

********

"Pumunta tayo sa amusement park" sabi ko sa kanya saka sumampa sa motor.

"Amusement park? Are you a kid?"

Inipit ko yung buhok ko sa tenga ko. "Bakit para sa bata lang ba ang mga yun?" I raised my eyebrow kahit hindi nya ko nakikita. "May naaamoy akong natatakot." I mocked him. Humanda ka sa aking bakla ka.

"Tsk. I'm not scared."

"Sus! Hindi takot." pabalang na sagot ko. 

Napatingin ako sa buhok nya.

"Ang pangit pala ng buhok mo 'no?" then hinawakan ko at medyo nilagyan ng pwersa ang paghawak. Haaaay.. Nakakapanghinayang na wala akong mapangkakalbo sa buhok n'ya. 

"Don't touch it." Pag-iwas niya saka nagsuot ng helmet at tumingin sa 'kin mula sa rear view mirror. "Akala ko ba PANGIT?" 

  "Siguro, no'ng nagsabog ng simangot na expression, inaatake ka ng insomia , 'no?'' tanong ko habang sinusuot naman ang akin.

" Just shut up and kumapit ka na.  Ang ingay-ingay mo." then mabilis na pinaandar ang motor. Kahit ayoko, pinulupot ko ang kamay sa bewang ka n'ya.

"Alam mo, someday, 'pag lumilipad na ang mga ostrich, naniniwala ako sa puso at isip ko , na magi-improve ang pakikipag-argyumento mo." Over-dramatic na pangmamaliit ko.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon