The Bad Boy Meets Me14
"Anong ginagawa n'yo rito?" Tinaasan ko sila ng kilay. Hindi ko muna sila pinapasok.
"Good afternoon." nakangiti si Jiro while Leam was looking at me like I just betrayed him. "Bakit suot suot mo yung damit ni Zach? Nandito ba sya?"
Nawala naman yung ngiti ni Jiro tapos tinignan ako mula ulo pababa.
Nanlaki yung mata ko then napangiwi. Ngali-ngaling batukan ko ang sarili ko dahil hindi pa pala ko nakakapag palit ng damit.
I cleared my throat kaya napunta yung tingin nila saking dalawa.
"Erm . . Baka kung anong iniisip nyo ah? Mahabang istorya kaya tanggalin nyo yang tingin na yan na parang may kababalaghang naganap. Hindi ako ganon. Sige, tuloy kayo."
Nilakihan ko ang pinto at pinapasok sila. "Don't fall in his trap." bulong ni Leam saka sumunod papunta kay Jiro.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa ideya na yun. Ginagawa lang ni Zach yung pagpapakabait nya sakin para raw ma-inlove ako sa kanya. Hindi dahil sa gusto nya 'kong tulungan o nag-aalala sya.
Naabutan namin si Zach na nginunguya yung niluto nya tapos tumakbo sa basurahan at niluha yung kinain. Kagaya ng reaksyon ko kanina , nagmumog din sya.
Kung naiba sigurong pagkakataon, natawa ako sa nangyari. Pero no'ng na-recharge yung galit ko, parang nawala na yung humor ko pagdating sa kanya. Bumalik na naman yung inis ko.
Alam ko nag-sorry s'ya tungkol sa kay tito pero hindi ko pa sigurado ang totoong intensyon n'ya. I can't let my guard down. I took a deep breathe then cleared my mind. Mag-iingat nalang ako kay Zach. Although imposible namang magkagusto ako sa kan'ya, hindi ko pa rin dapat hayaan na mapalapit ang loob ko sa kanya.
Masyado yata 'kong naligaw sa iniisip ko kasi hindi ko napansin yung tinginan nina Leam at Zach. Hindi sila nagsasalita at may tensyon sa pagitan nila.
And then suddenly . .
Tumunog yung tiyan ko nang pagkalakas lakas na tipong abot hanggang labas dahil sa gutom.
Nalipat yung atensyon nila sakin then they laughed.Si Zach nakasandal sa lamesa para hindi mawalan ng balanse. Si Jiro nakaupo habang hawak hawak ang tiyan. And si Leam ay nakadapa . . As In NAKADAPA at hinahampas hampas yung lapag.
I fold my arms then tapped my foot on the floor. "Masaya ako at napapatawa kayo ng kahihiyan ko" I said sarcastically.
Huminto nila at tumingin sakin then Inayos nila yung sarili tapos pununas punasan ang maluha luhang mata. Mahahalata mo na pinipigil nilang maigi yung tawa nila kasi magkadikit na magkadikit yung labi nila tapos namumula yung pisngi.
Pero no'ng hindi na nakayanan, nag-snort si Jiro ng parang baboy kaya nagtawanan silang tatlo ulit. Pare-pareho na silang nakadapa gaya ng ginagawa ni Leam kanina. Pero ngayon ang isa't isa yung binabatukan nila.
Mga baliw talaga. Hindi ko alam kung makikitawa ba 'ko o... Napatingin ako sa lamesa.
Parang telescope ang mga mata kong nakatitig sa 'pinaka-ew!' na itlog na nalasahan ko sa buong buhay ko.
I smiled wickedly. Its my turn to laugh. Dahan-dahan akong lumapit at kumuha sa kamay. Oo, sa kamay! pero okay lang 'yan. Natawa tuloy ako sa kalokohan ko. Buti nalang malalapit lang yung mukha nila sa isat isa.
Una kong nilagyan yung bibig ni Jiro sinunod ko yung kay Leam at last ay kay Zach. Napahinto sila then they stared at me with horror tapos nag-uunahan na pumunta sa basurahan.
I laughed. 'Yung view lang na nakadapa sila na parang sanggol tapos mabilis na gumapang papunta sa basurahan, natawa na ko.
Mas lalo pa nung narinig ko silang
"Pwe!! asdfghjkl asdfghjkl"
Yes, naitayo ko ang bandila ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...