Chapter eight
"Ano ba, tutulungan mo ba ako o magse-cellphone ka lang d'yan?" Naiiritang tanong ko sa kan'ya.
Bakit hindi ako maiirita? Ako itong abala sa pag-iisip kung ano'ng itatanim tapos s'ya, wala namang itutulong?
"Ano bang gusto mo?" Nakatingin pa rin sa phone na tanong n'ya.
Napatingin ako sa kabuuan ng garden . Puro mga halamang gulay ang nakatanim. Napatingin ako sa malunggay na nag-iisa sa gilid.
"Malunggay nalang para masustansya at mabilis tumubo."
Tumango s'ya at sinira ang hawak saka nilagay sa bulsa. "O sige, sabihin mo na kay Mam." Pang-uutos n'ya.
Ang guro namin ay nasa di kalayuan at kinakau-kausap ang mga estudyanteng kumukonsulta.
"Kung ikaw kaya ang pumunta? Dali, para matuwa ako."
He snorted. "Hindi ko pinangarap na matuwa ka." Pambabara n'ya.
Kung pwede lang na s'ya nalang ang ibabaon ko sa lupa, mas okay.
"Akala ko ba, gusto mong makipagkaibigan? Bakit ganyan na naman ang ugali mo?" Panghahamon ko.
Tinignan n'ya lang ako. Tingin na nagtitimpi saka nagpunta sa teacher para hingin ang buto at instructions kung paano itanim.
Binigyan n'ya ako ng pares ng gloves at sinuot ko. Ganon din ang ginawa n'ya.
"Basahin mo at itanim na." Nakaungos na sabi ko.
Hindi sya nakatiis at nagsalita. '' Kanino bang project 'to, 'di ba, sa atin?"
"Sino bang gustong maging kaibigan ako? Di ba, ikaw?'' Alam kong maiksi lang ang pasensya ni Zach kaya hanggat maari ay sinasagad ko para mainis s'ya. Alam kong kaya n'ya ako sinusunod ay dahil sa gusto n'yang magkagusto ako sa kan'ya. Pero syempre, imposibleng mangyari 'yun.
Naglakad s'ya papunta sa direksyon ng Moringa tree kaya sumunod na ako sa likod n'ya. Tinignan n'ya ang papel na hawak at binasa ang instruction. Lumayo sya ng mga three feet ang layo sa Malunggay tree saka inumpisahan ang gagawing pagtatanim. Tumutulong-tulong ako sa kan'ya habang nagtatanim dahil baka masita ako.
Masaya rin pala ang magtanim. Lalo na no'ng nakahawak si Zach ng bulate.
*********
Maraming salamat naman dahil biyernes na. Makakapag-relax na 'ko kahit papaano.
Pagkasara ko ng locker , I saw Zach. He was leaning against the locker.
"Hi, Samantha." He said cheerfully. Nahahalata ko na peke lang yung pinapakita nya pati narin yung smile nya. Dapat siguro masanay na 'ko sa nakakatakot nyang ngiti.
"Hi. ." Walang kagana-ganang sabi ko.
"Hatid na kita" pagkasabi no'n hinawakan nya ko sa wrist at hinila.
"Bakit mo ba ako biglang hinihila? Hindi pa ako uuwi!" Reklamo ko.
Hindi s'ya natinag . Hila-hila pa rin ako.
"May bibilhin pa 'ko kaya hindi pa uuwi. "
Hinarap n'ya ako. "Ano bang bibilhin mo?"
Sa totoo lang, wala naman talaga akong bibilhin. Sinabi ko lang para tigilan n'ya ako. Pero likas s'yang tsismoso kaya heto, tinatanong ako. Nag-isip ako sandali ng kunwari bibilhin. Napangisi naman ako nang maisip."Bulate. Bibili ako ng bulate para sa halaman natin."
Punong-puno ng pandidiri n'ya akong tinignan. "Mag-uutos nalang ako. Hindi mo na kailangan bumili."
Pagkatapos ay hinila na naman n'ya ako at nagpatuloy. Kahit anong pilit kong pakawalan n'ya ako, hindi s'ya pumayag.
"No. Way." Nanlalaki yung mata ko habang nakatingin sa black motor bike na nasa harapan namin.
"Why? Youre scared?" Nagliliwanag ang mukha n'yang tinanong ako.
Kumunot yung noo ko. "What? Syempre hindi. Gusto ko talagang makasakay ng motor. Especially this Honda DN-1. " Pinasayad ko yung index finger ko sa motor.
Hindi s'ya nakapagsalita. He looked at me dumbfounded. "R-really? I t-thought --"
Tinitigan ko sya at tinaasan ng kilay. "Gusto mo ba 'kong takutin Zach?"
He froze. "Huh? No.Akala ko kasi takot ka kaya nakahinga ko nang maluwag ngayon." He waved his hands defensively. "Most of girls kasi takot sumakay dyan" dugtong n'ya.
"Halika na, sumakay na tayo!" For the first time hinayaan kong 'kuminang' ang mga mata ko. Buti naman parang oblivious siya sa reaksyon ko kasi nauna nang sumakay.
Nag-aadjust pa yata dahil palpak yung plano nyang takutin ako.
Gusto ko talagang makasakay sa motor. Miss na miss ko na. Si Nathan ang palaging nag-aangkas sakin. Ansarap kasi ng feeling ng paghampas sayo ng hangin. Parang hinahalikan ka. Kaya nga nagtataka ko kung ba't may mga babae na takot sumakay dito.
"Oh!" Nakasimangot si Zach habang inaabot sakin yung helmet.
"Sungit!" Sinuot ko na then sumakay.
Kumapit ako ng mahigpit kay Zach.
"SA BEWANG , HINDI SA LEEG."
Tumawa ko at hinawakan s'ya sa bewang. Sayang, masasakal ko na sana s'ya. Akala ko makakalusot eh.
The ride was fun.
-- para sakin.
Puro reklamo kasi si Zach dahil sa ingay ko kakasigaw.Kapag ginagawa nya 'yon, nire-remind ko sya na gusto n'ya akong maging kaibigan kaya kailangang masanay s'ya sa ugali ko.
Bilib din naman ako sa pagtitimpi nya kasi tumatahimik s'ya pag sinasabi ko 'yun."Thanks" Pamamlastik ko. Tinanggal ko yung helmet at inabot sa kanya saka ako bumaba.
"Wala kang pasok bukas sa coffee shop kaya susunduin kita ng 8 pm. "
My eyes widened. Pano nya nalaman na every saturday wala akong pasok? "Paano mo nalaman?-"
"Wear some dress. Bye!" Pinaandar na nya yung motor bike.
"Sandali!" Sabi ko sa kawalan.
Oh no.. makikipag-date ako sa Dinosaur.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...