PP TMC 28

303 10 2
                                    

"Ang saya naman nito. Diba Sands?" Nakangiting sabi ni Cza sabay tingin kay Sandra.

Nahalata kasi nito na parang nawalan nang gana ang kanyang kaibigan. Hindi ba ito nabibighani kay Xyfer?

"Oo nga" simpleng sagot ni Sandra

"Bakit naman?" Tanong ni Kiko

"Popoy kayo, Basha kami. omg meant to be no? Hahahaha jk lang" halatang namang kinikilig si Cza at half meant ang joke niya. Matagal na kasi niyang gusto si Xyfer

"Let's eat" seryosong sabi ni Xyfer habang nakatingin kay Sandra.

Maya maya ay inumpisahan nang iserve ang mga appetizer

"Xyfer oh, try this one. Share ng college namin yan. Masarap yan promise." Sabay lagay ni Cza ng toasted bread sa plate ni Xyfer

"Cream cheese" bulong ni Sandra habang nakatulala sa plato ni Sandra. Nakuha nito ang atensyon nang tatlo.

"ha?" Sabay na sabi nilang tatlo

"Toasted bread with cream cheese, bawal ka niyan" medyo nilakasan ni Sandra ang boses niya dahil nag uumpisa na ang party music

"HA ? ANO SANDRA?" Tanong ulit ni Cza

"BAWAL SIYA NIYAN!" Sigaw ni Sandra na nakakuha nang atensyon ng ibang tao. Bigla kasing inoff yung party music dahil may sasabihin yung Emcee kaya narinig nilang lahat ang sinabi niya habang nakaturo siya kay Xyfer.

Iba ibang komento ang naririnig niya. Pangalawan ulit na ito para ngayong araw.

"Bawal si Xyfer nito? Bakit?" Tanong ni Kiko.

"How did you know?" Tanong ni Xyfer na nagpatunay na talagang bawal siya nun

Nakatingin silang lahat kay Sandra. Naisip niya nang mga panahon na yun na sino nga ba naman siya sa buhay ni Xyfer para pag bawalan siya.

Napagdesisyonan niyang tumakbo na lang palabas. Uuwi muna siya sa kanila para kunin si Baby Sophia

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon