PP TMC 23

310 6 3
                                    

I'm on my way to our company. I really find this meeting weird. Ano bang balak nila? Samantalang dati, tutol na tutol sila kay Ate Sarah at Kuya Xander. Dalawa lang ang naiisip kong pwedeng mangyari.

1) The custody of Sophia will be given to one of the family

2) They will ask me if I will really adopt Sophia.

I will never let number 1 happen, lalo na kung sa mga Saavedra mapupunta ang custody ni Sophia. I really love kids, hindi lang naman yun ang dahilan kung bakit gusto ko si Sophia na mapunta sa side namin, napamahal na ko dun sa bata. Kahit naman ganto ako may soft side ako.

"Good afternoon, Sir"

Sunod sunod na bumati ang mga staff sa front desk pag pasok ko. Kilala nila ako, dahil nga hindi naman ganon ka hectic ang sched ng Engg pwede akong magtrabaho. Hindi ako pinilit ni Dad.

Eto ang gusto ko. Ayokong isumbat ng mga tao sakin sa future na kaya ko lang nakamit ang ganon posisyon at kayaman ay dahil sa aking ama, sa pamilya namin at sa negosyo nito.

Wala akong special treatment na natatanggap. In short, hindi nila alam na hindi ko lang basta ka apelyido ang may ari nito, ako din ang bunsong anak niya.

May allowance pa din naman akong natatanggap from my family, lahat yun pang studies ko lang like requirements and events na related . Yung sinesweldo ko dito ginagamit ko sa pagbili ng mga sarili kong gamit, yun din yung gagamitin ko para sa expenses namin nila Sophia.

Its not that I like Sandra, kaya inako ko ang bills sa penthouse at nag offer ako na kung may kailangan siya pwede siya humingi sakin. Its just that syempre ako yung lalaki don. Responsibilidad ko siya. Ano na lang ang sasabihin ng mga Saavedra pag pinabayaan ko si Sandra?

"Sir they're waiting for you." si Spencer agad ang sumalubong sakin pag labas ko ng elevator

"Sige Spencer. Salamat" tinapik ko siya tapos pumasok na ko sa loob.

Tahimik sila pagpasok ko. Nagkakape lang sila, hindi nag-uusap or nagtitinginan man lang. Hindi kaya tama ang isa sa hinala ko?

"Good afternoon, Pa. Good afternoon din po Mr Saavedra." I broke the silence.

"Umupo ka na anak. May gusto ka bang inumin?"

"Wala naman po. Mag umpisa na ho tayo para hindi masayang ang oras niyo." May klase pa ko mamaya. Gusto ko na to tapusin.

"Magalang, mabuti naman. Magandang hapon din sayo iho." Kamukha ni Sandra ang kanyang ama. Bipolar din kaya eto?

"Xyfer, may mga bagay kaming gustong itanong sa 'yo" Sabi ni Papa at ngiting ngiti pa ito. Tsss. Weirdo.

"Sige po"

"Ako na ang unang magtatanong iho dahil hindi na ako mapakali." Seryosong sabi ng Don na para bang may ginawa akong napakalaking kasalanan na kailangan kong umamin ngayon

"Ano po ba yun Mr Saavedra?" Relax lang Xy kaya mo yan.

"Bakit mo ibinahay ang aking anak iho? Bakit kayo nagli-live in? May nangyari na ba sa inyo iho? Buntis ba si Sandra? O baka namang matagal na kayong may inililihim samin tulad ng mga nakakatanda niyong kapatid. Balak niyo din bang magtanan? Sagutin mo ko ng totoo at derecho Madrigal!" Derecho, seryoso at matigas na sabi ng matandang Saavedra na talagang ikinagulat ko.

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon