Matagal tagal na rin simula nung nangyari yung eksena sa event ng LD. Oo, aaminin ko naging mailap na ako nun kay Xyfer, nakakahiya kasi. Alam ko namang may pinanghahawakan yun na reputasyon sa University tapos bigla nilang malalaman na related kami?
Natatawag na akong mommy ni Baby Sophia, at daddy naman kay Xyfer. I heard it once habang nag aayos ako ng gamit papasok. Hayyy para kaming happy fam--- stop it Sands. Urghh
Pag tinatanong ako ni Cza or ni Kiko hinahayaan ko na lang. Agad akong gagawa ng excuse. Si Baby Sophia lumalaki na, good thing hindi namin siya napapabayaan kahit ganto.. ang sitwasyon namin.
Ako na mismo ang nag request na magkaron kami ng kasambahay at padalhan ako ng sasakyan na ibabase ko dito sa manila, hindi sila sa penthouse nakatira, dun sila sa 2nd floor ng iTower 2.0 tumutuloy. Hindi ko na rin kasi alam pano ko iaapproach si Xyfer kapag di ako makakauwi agad para alagaan si Baby Sophia at kung may pupuntahan akong Site visit.
Ngayon, biglang nagpatawag ng meeting ang LD Central. Alam ko ngayon na sila mag pu"PULL". Ito na yung magsasabi sila kung sino ang kanilang mga ittrain para tumakbo, hindi naman porke na pull ka sure na tatakbo ka na pwede ka naman umayaw. Kung hindi ka naman na pull pero gusto mo tumakbo okay lang naman din yun.
"Sands, tatakbo ka ba?"
"Ano ka ba Cza? Syempre hindi no."
"Kahit local?"
"Hindi talaga."
"Good. Full support tayo kay Xyfer ha?"
"Ha?" Bakit? Tatakbo ba siya?
"Feeling ko mapupull siya eh"
May sasabihin pa ako dapat nung may marinig akong bulong bulungan.
SHIT. SHIT. SHIT.
Si may lagnat nga pala si Manang *face palm*. Malamang Sandra nanjan kayo parehas ni Xyfer kasi LD kayo, pero pano naman si Baby Sophia diba?
"Who is that baby?"
Namamawis ako hindi ko alam ano irereact ko. Oo! Nandito si Xyfer kasama si Baby Sophia. Nagi-guilty ako. :(
"Cza.."
"Bakit? Look oh. Cute nung baby. Kamukha ni Xyfer. OMG! Don't tell me anak niya yan?!"
OMG! No! Hindi niya anak yan! Pano na to? Baka mapahamak si Xyfer. Kumuha ng physical features si bebe Pia both sides. Pano kung.. pano kung mapansin din nilang hawig kami? Urghhhhh
"Uy girl! Napull nga si Xyfer for President!" Bulong saking ni Cza. Hindi na siya nagtaka, magaling naman kasi si Xyfer kahit sa Faculty of Engineering pa lang naman eh kilalang kilala at iniidolo na ng karamihan. Lalo na babae :(
Ayy ano ba Sands?! Bakit ka ba malungkot? Urghh
"I WILL NOT RUN"
Boses ni Xyfer yun. Dali dali akong lumingon sa kanya. Nagtama ang mata naman ni Baby Sophia at di ko napigilan mapangiti sa cute ng baby ko. Napahagikgik naman si Baby Sophia na agad napukaw ng atensyon ng mga tao.
"Ate nagandahan ata yung baby ni Xyfer sakin. Sabi na eh, ako talaga nanay niyan."
Nginitian ko na lang si Cza dahil baka kung ano pa masabi ko.
"Kindly give us your reason Xyfer. Ikaw pa naman ang inaasahan naming tatakbong President sa Central. Hinahanapan ka pa naman ng LTC at Aklas ng makakalaban."
Halatang asar na ang Chairman. Masama din ang tingin niya kay Baby Sophia. oh no, not my baby please. Paakyat na si Xyfer nung bigla siyang hinarang. Base sa pagkakaintindi ko gusto ni Chair na ipaiwan si Baby Sophia dahil makakaabala lang daw ito sa speech ni Xyfer
"Hala umiyak ang baby ko" Cza said kaya napalingon ako sa kanya. Pag lingon ko ulit sa harap nakita ko yung babae na Shane ata pangalan. Basta taga Engg din yun minsan nakikita ko sila ni Xyfer together. Kinuha niya si Baby Sophia. Halata namang nag dadalawang isip si Xyfer pero no choice naman siya eh.
Lalong umiyak ang baby ko. Hindi kasi yun sanay sa ibang tao.
"Sands kawawa anak ko, umiiyak sa bruhang si Shane. At aba oh, hindi na tapik yon! Palo na yun. Saka lalong umiiyak yung bata pag kinukurot yung pisngi niya"
Kung galit na si Cza, mas galit ako. Nginitian ko na lang sila. Tiningnan ko ng masama si Xyfer at si Shane. Ang bruha naman feeling.
"Sorry talaga Chair, pero priority ko ang Family ko."
"Pero napagsasabay mo naman ang family business niyo at ang Engineering?"
"Family, that's what I said right? And that includes baby Sophia."
Nagbulong bulungan naman ang mga tao. Ang intindi kasi ni anak nila yun ni Shane dahil sa S nag uumpisa parehas ang pangalan nila. Ito namang si Shane nagpakitang gilas pa. Okay di ko na kaya to. Uuwi na lang ako. Pag si Sophia umuwi nang may kalmot or what patay ka saking bruha ka.
BINABASA MO ANG
Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*
Teen Fiction"Yes anak, kailangan nyong magpakasal" sabi ng kanyang ama. "ANOOOO?! Bakit ako pa?! Kung sana dati nyo pa naisip na ipag-merge ang kompanya natin sa kanila edi sana hindi sila nag tanan at hindi sila namatay." nanginginig niyang sabi. "and both of...