PP TMC 7

399 8 3
                                    

"Nako, ija ama na lang ang kulan."

"Anong pinag sasabi mo jan ha Mang Jun?" tatawa tawa kong sagot sa kanya

"Tama naman ang Mang Jun mo ija, para ka na kasi talagang ina. Ang kulang na lang ay isang ama"

Namula naman ako sa sinabi ni Manang Inday. Aisst saka na yang lovelife na yan uunahin ko ang aking pag-aaral at syempre si Baby Sophia.

"Ayy nako, halika na nga bebe pia kailangan mo ng maligo" sabi ko sabay buhat kay baby Sophia papuntang kwarto.

AGAD kong kinuhanan ng picture si Baby Sophia after ko siyang bihisan. Ang cute cute talaga ng baby pamangkin ko. Binuhat ko siya at ipinaghele para makatulog na agad. Nako, dapat matangkad ka para pwede kang mag model baby ko.

"Ang sweet naman ni Mommy Sandra kay Baby Sophia"

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Nakaka gulat ka Cza. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko after maka recover.

"Kasi naman girl, kanina pa kita tinetext"

Agad kong kinuha ang iPhone ko sa drawer.

"Ang dami mo ngang text. E bakit ka nga nandito?"

"Basahin mo yung text ko"

From: Czarina Sage Luna

GIRL, NUOD TAYONG THOMASIAN WALK

"Czarina Sage, mag boboy haunting ka lang dun. Kilala na kita"

"Please. Saka girl, kailangan masanay din naman kasi si Baby Sophia na hindi ka laging nandito. Nako girl, ikaw din ang mahihirapan baka umabot sa point na kahit deadline na nung plate na tinatapos mo para bukas e umuwi ka pa dito para lang kay Baby Sophia"

She has a point. Nasanay na kasi si Baby Sophia sakin, kumbaga nung nag dedevelop yung isip niya ako na yung kinamulatan niya at hindi si Kuya Xander kaya hindi ako nahirapang paamuhin siya.

"Sige na, kelan ba?" sabi ko

"Oh yes oh yes!!! Sa friday girl ha? Kita na lang tayo sa starbucks"

"Sige. Oh aalis ka na?"

"Oo, mag aayos pa kasi ako ng gamit. Pasukan na next week girl. Maglilipat na ko sa Galleria Suites"

It hit me. HIndi pa ko naglilipat ng gamit pasukan na pala next week. Naging busy din kasi lately kay Baby Sophia. Wala pa rin yung sinasabi ni ate Xy na tutulong sakin.

"Sige ingat ka baka sa thursday na ako lumipat or sa Saturday"

"Ngayon ka lang ata sumagad sa pasukan ha. Nako girl, let me remind you 3rd year pa lang tayo know how to prioritize okay? Hindi ko naman sinasabing balewalain mo yang baby Sophia mo pero kasi girl Arki ang course natin"

"Oo na, sige na."

"Bye" Niyakap niya na ko at lumabas na siya ng kwarto.

Muli kong hinarap si Baby Sophia na tulog na tulog.

"Baby, papakabait ka pag may pasok na ha? Mamimiss kita. Kung pwede lang kitang isama dun e why not. Kaso ayoko namang malagay sa panganib ang pamilya natin."

Maloloka na ko. Ang hirap naman nito oh. Di bale 2 years na lang ggraduate na ako.

*Note Tone*

From: Ate Xyrine Faye Madrigal

Sandra, our youngest will come to your house before the school starts. I'm sorry if it's too late.

To: Ate Xyrine Faye Madrigal

Thank you po :) No Problem

Hmm sino kaya talaga ang makakasama ko mag alaga kay baby Sophia?

Makatulog na lang nga. Para makalipat na bukas.

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon