PP TMC 21

391 9 3
                                    

"Uy Sandra bakit ba mukhang puyat ka ha?" Napansin din pala ni Cza

"wala lang to." kunwari kong sagot. Ewan ko ba, namamahay ata ako kahapon. Hindi pa ko sanay dun sa penthouse kaya ang tagal bago ako makatulog. 15 minutes before the class na nga ako nagising, eh. Derecho ligo at bihis na ko. Pagbaba ko nakita ko si Xyfer na pinapakain si bebe PIa. Nag-bye lang ako tapos kiniss si bebe PIa then umalis na. Huhu wala akong breakfast.

"Nako ha! wala pa naman tayong plate na ipapasa today girl. Bakit ka ganyan? Nako." hindi talaga titigil tong babaeng to

"Gutom lang to."

"bakit? OMG girl. Don't tell me sinundan mo si Sophia" baliw talaga to. Hinampas ko nga

"Naman e! hindi no! Virginity is the best wedding gift. alam mo yan te"

"Oh eh bakit ka ganyan?"

"late ako nagising kaya hindi nakapag breakfast."

"Edi hindi ka pa umiinom ng meds?"

"Hindi pa."

"Loko to! nako mamayang break kumain at uminom ka na ha?"

"Yes Ma'am"

Oo nga pala, iinom akong gamot. Eto na naman ako, si kalimot. Blah Blah puro requirements lang naman sinasabi at mga future plates sinasabi. Makaka-survive ako today kahit inaantok na talaga ako.

"Tara Timbale!"

"sige bilis!" Eh, sa gutom na gutom na talaga ako. Buti na lang kahit malayo kami sa carpark, kung san nandon ang mga restaurant at fast food chains, may sarili kaming cafeteria. Savior ang Timbale para kung nagmamadali kami dito na lang kami bibili ng food. Hindi na kami lalabas pa ng P Noval.

Pano kaya sila Xy? Edi ubos pera nun lagi. Ang mamahal kasi ng pag kain sa carpark. Pag nag Lacson naman siya wala ganon makakainan. Nako bahala na nga siya, malaki at mayaman naman siya.

"Hi Emi!" Napalingon ako sa binati si Cza paglabas namin ng Beato.

"Hello Cza! Hello Sandra!" ang cute talaga nitong si Emi. Siya ang Chairman ng Local Unit ng LD sa Arki.

"Para san ba yung numbers na nireply samin para sa Annual Year Starter Party?" tanong ko sa kanya. Aba malay ko ba kasi kung ticket number yun. Si Cza nakatanggap din nun e.

"Huh? Central nag-aayos nun. Hindi ko alam, sorry."

"Wala ka bang natanggap?"

"Wala, e. Automatic naman kasi na lahat ng officers pupunta. EC's lang ang laging 50-50." Pagpapaliwanag niya

"Oh sige, we better get going now. Gutom na si Sands, e. See you Emi!" Sabi ni Cza at agad naman akong hinila.

TAPOS na kaming um-order. Nandito na kami ngayon sa tapat ng Beato, kumakain.

"Girl alam mo, feeling ko alam naman nung Eminence na yun kung para saan yun e!"

"bakit naman?"

"Nako, alam ko kapag may tinatago boss ko." EC kasi siya ni Emi. Ako naman EC ng Vice Chairman.

"ano naman kaya pakulo nila this year?"

"Sandra wag ka maingay ha?" seryosong sabi niya

"OMG! anong meron Cza? Sige na aminin mo na. Matatanggap pa rin naman kita."

"Loka hindi ganon! ganto kasi, yung katapat ko pala Unit sa Galleria taga LD din, Central mismo."

"Oh tapos?"

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon