PP TMC 20

323 9 2
                                    

"I do believe na akin nga 'yan, Ms Saavedra." Sabi ni Xyfer habang naglalakad papalapit sa kanya.

"Edi taga iTower ka din?"

"Oo, actually magkatabi tayo ng Unit dun." Nagawa pa talagang mag smirk nitong Mokong na to

"Sa susunod ingatan mo po gamit mo kuya Xyfer." Sarkastiko kong sagot habang pilit na tinatanggal ang keychain mula sa aking bag

"What's with the po and kuya?"

"Kasi po mas matanda ka po sakin. 4th year ka na po at 3rd year po ako. Marunong po akong gumalang sa nakakatanda." Naka bungisngis pa ako sa kanya. Haha wala lang trip ko lang siya. Ang seryoso at ang formal naman kasi nito

"Maliit lang age gap natin so stop the po and kuya okay?" Seryosong seryoso e

"Opo Ka Fredie!" Pigil na pigil tawa ko dun. Jusko naman kasi. Hindi ako makaget-over sa She's dating Ka Fredie

"What?!"

"Wala. Ano ba kasing gusto mong itawag ko sayo ha? Ang pormal pormal mo naman kasi. Onting bali naman diyan. Hmpf" Prangka kong sagot sa kanya pero huhu di ko matanggal yung keychain.

"Just call me Xyfer, that will do. Ikaw, anong gusto mong itawag ko sayo?"

"Sandra will do." Sagot ko habang pinang-gigigilan tong keychain na mukhang minahal na ang bag ko.

"May problema ba? Yung keychain ko, give it back to me."

"Eh ano kasi.. hehe.. Xy friends naman tayo diba? Baka pwedeng akin na lang to." Nakakahiya. Ano ba namang first night to with matching kamot sa batok pa yun ha.

"Give me a good reason kung bakit ibibigay ko sa 'yo yan and besides may initials ko yan." Ang seryoso naman nito oh. Nako Sands atleast mabait.

"Kasi ano.. hmm.. good luck charm siya para sakin !" Pag sisinungaling ko.

"Do you think, it will be nice for the others to see you having that keychain, with my initials, on your bag? Take note Sandra, lahat ng nanalo na LD ay binigyan niyan. Imposibleng walang makarecogmize niyan sa Arki." May point siya. Nako pano na sa mga meeting ng LD.

"Look, I'm sorry okay? The truth is naka glue na siya, 502 to be exact. Sobrang makapit yun kaya eto hindi ko matanggal. Meron namang liquid solution na pang tanggal nito, bibili na lang ako bukas. Sorry." Sincere ako ha. Nakakahiya naman kasi talaga. Gahd.

"Okay, apology accepted. Now let's sleep, maaga ka pa bukas. " NGANGA! kinabahan pa ko dun tapos ganon lang? Bago pa ko makasagot nakaakyat na pala siya. Oh well, makapag half bath na para makatulog na din ako.

MY first night with Sandra and Sophia went well. Wag lang sana magkaka conflict ang sched namin. Paano na din pala sa school? Sa kakulitan nun malamang masasabi niya sa iba na magkasama kami.

Hindi pwede, ipapahamak lang niya sarili niya. Ayoko ding mahirapan si baby Sophia. Mag iisang taon na siya this Sunday. Sana maluwag sched namin para macelebrate namin yun.

Calling Shane...

Ano naman kayang kailangan nito ni Shane? Gabing gabi na.

"Hello Mr Vice President"

"Hi" tipid lang sagot ko. Kasi naman magpapahinga na ko.

"baba ka naman ng dorm, coffee tayo"

"Baba? Ng dorm ko?" Starbucks nga pala nasa ground floor ng iTower 1.0 akala niya siguro nandon ako

"Starbucks, duh." Nakasagot na siya bago ko pa marealize

"Its almost midnight Ms Secretary, sorry, next time na lang tayo mag coffee.

"Okay. Hmpf"

*toot toot*

Makahiga na nga.

*knock knock*

Ano ba yan. Hindi na matuloy tuloy yung tulog ko.

"Come in."

"Uhm ano kasi, narinig ko" nahihiya niyang sagot habang nagpapatuyo ng buhok. Halatang kakagaling lang niya sa CR.

"And so?" Ano bang concern niya dun?

"Yung babae kasi nakakaawa. Bakit hindi mo na lang sinabi na lumipat ka na ng dorm? Diba inaaya ka niya mag starbucks." Inosente niyang sagot.

Talaga nga namang malayo sa sibilisasyon ng USTe ang mga arki. Hindi niya alam ang mangyayari pag ginawa ko yun.

"Its for your own good Sandra. Now sleep."

"Sweet dreams"

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon