PP TMC 24

316 6 1
                                    

"Excuse me po, on the way na daw po si Sir Xyfer"

"Salamat Spencer"

Bago pa man dumating sa Pilipinas ang dalawang Don, mayroon na silang napag-planuhan. Sa yaman ba naman nila hindi nila magagawang pa-imbestigahan ang ginagawa nila. Gusto lang nilang ipitin si Xyfer para mapaamin kung may nangyayari na ba sa pagitan nilang dalawa ni Sandr2a.

Sa totoo naman kasi ay hindi talaga ipinaalam ni Xyrine sa Papa nito ang plano niyang ipaalaga kay Xyfer at Sandra si Sophia. Kaya nagkukunwari ang dalawang don na sila ay nagagalit dahil baka nauulit na naman ang nangyari noon kay Xander at Sarah. Lalo na at tumitira na ngayon sa Penthouse si Xyfer at Sandra kasama si Sophia.

Ang isa pang nagpagulo ay nung nalaman ng ama ni Sandra mula sa kanila imbestigador na inako ni Xyfer ang gastosin at sinabing responsibilidad niya si Sophia at Sandra.

"Tuloy ba ang ating plano pag dating ng iyong anak Fred?"

"Oo naman Sean teka lang at tatawagan ko ang security. "
"Security"

"Yes sir? May problema po ba?

"Kindly alarm me kung 2 floors away na lang si Xyfer from my office."

"Masusunod sir."

"Sino ang unang magtatanong?

"Ako na lang Fred dahil gustong gusto ko ng malaman ang totoo" sa mga oras na iyon ay halong kaba at kasiyahan ang nadarama ng Ginoo. Alam naman kasi niyang mabait si Sandra kaya hindi nito magagawang maglihim sa kanila.

Sa tipo din ng ugali nitong bipolar at makulit ay maliit ang chance na magkasundo sila ni Xyfer. Base nga sa kwento ng kumpare niyang si Fred ay active na active sa UST ang kanyang anak at ito ay seryoso sa pag-aaral. Sa katunayan ay nag ttrabaho ito sa kanilang kumpanya kapag free time.

Sa kabaitan ni Sandra pwede din naman siyang mag part time samin kaso baka puro lang kalokohan ang gawin nun.

*ring ring*

"Sean, that's the Signal."

"Sige hahahaha para tayong mga batang magpapanggap na inosente."

"Sir Mr Xyfer is outside already." Sabi ni Spencer

Tumango lang ang dalawang matanda at umayos na ng upo. Nag-umpisa na silang magpanggap na tila hindi nila alam ang nangyayari at tila hindi sila magkasundo hanggang ngayon.

"Good afternoon, Pa. Good afternoon din po Mr Saavedra." I broke the silence.

"Umupo ka na anak. May gusto ka bang inumin?" mabait na sagot ng ama ni Xyfer kaya agad itong pinandilatan ni Don Saavedra

"Wala naman po. Mag umpisa na ho tayo para hindi masayang ang oras niyo." May klase pa kasi si Xyfer mamaya at ayaw naman niyang matraffic kaya gusto niya na din itong matapos.

"Magalang, mabuti naman. Magandang hapon din sayo iho." Ma-awtoridad na sagot ni Ginoong Saavedra kay Xyfer

"Xyfer, may mga bagay kaming gustong itanong sa 'yo" ani ng kanyang Ama.

"Sige po"

"Ako na ang unang magtatanong iho dahil hindi na ako mapakali." Seryosong sabi ng Don na para bang may ginawa itong napakalaking kasalanan na kailangan nitong umamin ngayon

"Ano po ba yun Mr Saavedra?" Relax na sagot ni Xyfer.

"Bakit mo ibinahay ang aking anak iho? Bakit kayo nagli-live in? May nangyari na ba sa inyo iho? Buntis ba si Sandra? O baka namang matagal na kayong may inililihim samin tulad ng mga nakakatanda niyong kapatid! Balak niyo din bang magtanan? Sagutin mo ko ng totoo at derecho Madrigal!" Derecho, seryoso at matigas na sabi ng matandang Saavedra na talagang ikinagulat niya.

Inaasahan niya ito. Sa yaman ba naman ng mga pamilya nila ay hindi sila mapaimbestigahan ng mga ito. 

"Sagutin mo ng tapat si Mr Saavedra anak, hindi kita pinalaking sinungaling." malumanay na sabi ng kanyang Ama

"Sir with all due respect, hindi ko po ibinahay ang anak niyo kaya po mas lalong hindi kami nagli-live in. Pinalaki po ako ng maayos ng aking pamilya. Hindi po buntis si Sandra, as far as I know dahil ni minsan ay hindi ko siya ginalaw sa halos anim na araw pa lang namin na pag-sasama." derederechong sagot ni Xyfer

"Kung ganoon iho ano itong nabalitaan ko na responsibilidad mo na daw ang anak ko? Kayo na ba?" Tanong ulit ng Don

"Sir hindi po kami at mas lalong wala naman po kaming nararamdaman para sa isa't isa. Bilang lalaki, at bilang ako ang may gusto na ganon ang mangyari e inako ko na po ang responsibilidad." Tagalog na ang gamit nilang lenggwahe para mas maging malinaw ang lahat.

"At ano naman ang ipapakain mo sa anak at apo ko? Mahal ang kursong kinukuha ng anak ko kaya mo ba?" Kunwari ay hindi alam ni Don Saavedra na nagta-trabaho si Xyfer sa kanilang kumpanya.

"Sir nagtatrabaho po ako dito ngayon sa company namin bilang part timer simula first year college. I think my savings and knowledge for budgeting is enough for us to be able to eat three times a day." Sobrang proud ng kanyang ama habang naririnig ang mga sinasabi nang kanyang anak

"You even said na kung may kailangan daw ang anak ko pwede siyang humingi sa'yo?"

"Yes sir dahil nga po parang responsibility ko na silang dalawa dahil nasa iisang bahay kami." Paglilinaw niya

"Cut the sir. Call me Tito Sean." Naginahawaan si Xyfer nung marinig niya iyon.

"Then Tito Sean it is!" Todo ngiti si Xy dahil okay na. Well akala lang niya yun.

"Naintindihan mo naman siguro na busy ako. Kaya ipanapaubaya ko na sa'yo ang anak ko at apo lalo na at sa'yo naman sila nakatira. Responsibilidad mo na sila hindi lang parang kundi talagang responsibilidad mo na sila. Nagkakaintindahan ba tayo Xyfer?" Pagkatapos ay ngumiti nang nakakaloko ang Tito Sean niya.

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon