Calling Spencer...
Aist. Anong oras na ba? Sino bang tumatawag, aga aga, 5am pa lang.
"Hello?!" Iritado kong sagot.
"Sir pasensya na po sa maagang abala."
Si Spencer pala. Ano kayang emergency meron? Don't tell me emergency meeting sa company?
"Spill. This better be good, Spencer"
"Sir sa conference hall po kayo pumunta mamayang after lunch. Kakausapin daw po kayo ng Ama niyo pati ng Don Saavedra."
"Okay. I get it. Para san daw?"
"Hindi ko rin po alam, sir. Pero mukhang importante kasi kinulit ako ng ama niyo at binilin ng mabuti na sabihan kayo agad-agad"
"Should I bring Sandra and Sophia with me? May same hours namang bakante kami ni Sandra today"
"No sir. Pinagbilin po ng mga Don na ikaw lang po ang pupunta at kung maari ay wag niyong sasabihan si Mam Sandra."
"How about ate Xyrine?"
"No, sir. Ikaw lang daw po talaga. Mukhang confidential po."
"Okay"
Bakit kaiangan ako lang? Ano bang kailangan ng Don Saavedra at bakit kailangan makausap nila akong dalawa ng aking ama? Tapos hindi pwedeng malaman nila Ate Xyrine at ni Sandra.
Makatulog na lang ulit. After lunch pa ko pupunta, aantayin ko pang makauwi si Sandra.
*knock knock*
Hmmm. Sino ba yun? Ang sarap pa ng tulog ko e.
"Come in" nakita kong pumasok si Sandra kasama si Sophia
"What now?" Asar kong sagot sa kanya
"Sorry sa abala pero kasi ano, papasok na ko. Iwan ko na si bebe pia sayo. Napaliguan ko na siya at napakain."
"Okay. Ihiga mo na lang siya sa tabi ko."
"Alis na ko" sabi niya pag lapag niya kay Baby Sophia sa tabi ko. Tumango na lang ako tapos tuluyan na siyang lumabas.
NAKO napakatopakin talaga nung Xyfer na yun. Hindi naman ganon si Kuya Xander at Ate Xyrine ah. Nakakainis. Siya na nga late nagising ako pa may kasalanan, siya pa galit?! HAY NAKO. Bahala siya, late ako uuwi ngayon. Hmpf -_- Half day lang naman ako e, siya mamayang gabi pa. Kaya niya namang alagaan si bebe Pia, mga 4pm na siguro ako uuwi.
"Girl, okay ka lang? Attension seeker ka ba ngayon ha?" bulong sakin ni Cza. Lumingon ako sa paligid at napansin ko nga na nakatingin ang mga tao sakin. Hehe kahit si Ma'am Petilla.
"Ano bang ginawa ko?" tanong ko kay Cza. *pouts*
"Alam naman naming memorize na memorize mo ang mga commands ng AutoC AD pero please lang girl hinay hinay lang sa pag eenter ng commands ha. Aba! sunod sunod. Kung tao lang ang command line kanina pa yan hingal na hingal at kung tao yang keyboard, nako kanina pa patay yan!" pagpapaliwanag niya habang hinihimas ang likod ko.
"Sorry, nadala lang ako" tapos nginitian ko siya at itinuloy na ang pag gawa ng plate para maipaplot ko na to within this day.
At the age of 19, kaya ko ng gumawa sa AutoCAD ng walang tools, home botton at ribbon. Command line lang makakasurvive na ko. Yung na-meet ko sa Joli's the other day, si Pao, siya yung tumulong sakin. Mentor ko kasi siya.
Calling Mr Perfect...
iPhone yung nagriring, sure ako dun. SIno naman kaya ang hindi nakapag silent ng phone? hmm"Sands, Sands" pabulong na sabi ni Cza.
"Ano na naman ginawa ko?" Nakatingin na naman silang lahat sakin, e.
"Ija, I think yung phone mo yung kanina pa ring ng ring. Sagutin mo na at baka magalit si Mr Enginner." Sabi ni Ma'am Petilla na nasundan naman ng pang aasar mula sa mga kablock ko. Loko talaga tong 3AR-1 na to. Agad kong kinuha ang phone ko at lumabas para sagutin ang tawag.
"This better be something important kasi inistorbo mo klase ko Fredie!" Nakakainis.
"Fredie? What the! Stop calling me Fredie, okay? Oh, go home early. Dito ka na mag-lunch."
"Bakit na naman po sir?"
"Kailangan ako sa Company later after lunch"
"Opo sir, your wish is my command. Ciao!"
pagka end ko nung call bumalik na ko agad sa CAD Room. Nakakastress yung lalaking yun. Lagi na lang GO HOME EARLY. Aba mawawalan ata ako ng Social life dahil sa kanya. Mas nakakaloka pa ang XFM na yun kesa sa ES, HOA, PLN, AD, BT, BU, CADD at SCL!!!
"Ma'am pano niyo nalamang taga Engg yung tumawag kay Sandra?" Lagot sakin tong Czarina Faye na 'to sakin mamaya!
"As easy as 1,2,3" Sinabi niya yun habang lumalapit sakin. OMG NO! "Her keychain says it all" At talagang itinuro pa ni Ma'am. huhuhu. agad kong itinago yung keychain na LIttle Engg. Makabili na nga nung liquid solution mamaya bago umuwi. Ibabalik ko na kay Xy yan mamaya. Malas sakin e.
"BABY what do you want for your birthday? Daddy will give it to you" sabi ko kay Baby Sophia habang inaantay naming mauwi si Sandra for lunch
Daddy, yun ang pakilala ko kay Baby Sophia. Si Ate Xyrine ang pasimuno, gusto niya kasing lumaki ng normal si Baby Sophia. Actually inaayos na yung papers ni Sophia para malipat siya sa custody ko. Ako ang magiging legal father niya by papers, in short, I will adapt her. Hindi pa nga lang matapos ang process dahil walang legal mother. Hindi daw pwede yun. Kailangan may asawa ako saka namin siya iaaddapt. I still have to wait for that time bago malipat sakin si Baby Sophia. Okay lang, dahil Madrigal pa rin naman ang dala niyang surname. Siguro yun ang dahilan kaya ako pinapatawag ni Papa pati ni Don Saavedra, hindi ko kasi ipina-alam sa kanila yun.
"I'm home! Hi baby ko!" bati ni Sandra sabay kuha kay Baby Sophia.
"Let's eat so that I can attend to my appointment already"
"Tara na baby, kain na tayo. Eto na nga pala yung keychain mo" She's a bipolar. Minsan mabait, minsan pacute, minsan snob at mataray. Hindi ko na maintindihan ang mga babae ngayon.
"Buti naman naalala mo pang ibalik sakin"
BINABASA MO ANG
Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*
Novela Juvenil"Yes anak, kailangan nyong magpakasal" sabi ng kanyang ama. "ANOOOO?! Bakit ako pa?! Kung sana dati nyo pa naisip na ipag-merge ang kompanya natin sa kanila edi sana hindi sila nag tanan at hindi sila namatay." nanginginig niyang sabi. "and both of...