PP TMC 30

227 8 0
                                    

"ANONG KLASENG CONCEPT SHEET TO?!"

Galit na Galit si Architect Ong. Pinapasa niya kasi samin yung nga nagawa naming concept sheet for consultation.

"Anong class niyo ngayon?"

"Design 6 po" sabay sabay naming sagot.

"Graduate na kayo sa manual, I was expecting na puro USB at external hard drive ang makikita ko dito pero ano to? Puro papers? Damn! Gab speak for the class"

"Uhmm.. sir.."

"Go on president explain"

"Sir kasi po pasahan po ng HOA...."

Yung first meeting kasi ng D6 hiniram namin para gumawa ng HOA. Grabe kasi si Ar Baquiran, daming pinagawa eh. Kami may pinakamaraming ginawa na dahil naingayan siya samin. 1 week lang binigay samin. Pumayag naman si Ar Ong na gamitin time niya for HOA basta dapat today may concept sheet na kami.

"Okay I get it. Mahal na mahal niyo naman ata mag manual. Hala sige, by 9pm dapat magpasa kayo ng concept sheet, fully rendered ha?"

Ano ba yan. Halos wala na nga kaming tulog dahil sa HOA eh. Dapat talaga di na ko umattend the other day sa LD huhu dejk love ko LD. The strength that Thomasian needs. The wisdom that Thomasian seeks. Yehey!

"Tara na sa Joli's" aya ng mga kablock ko. Wala kasi kaming dala na pang manual drafting at rendering. Ganto ang buhay namin, kahit halos wala ka ng tulog hala sige render pa draft pa!

"Where will you go?"

"Sa Joli's sir bibili po" masayang sabi nila haha

"Bawal. Nakapag pasa nga kayo ng ganto so I guess may dala kayo jan na pang draft at render."

Asfgjll

15 minutes na kaming NGANGA. Walang may dala :( ballpen at kung anong papel lang naman pinagsulatan namin nun eh.

"Sinong naka dorm?"

Nag taas naman ng kamay ang mga nakadorm.

"Lampas 3/4 niyo pala ang naka dorm, okay ganto na lang pwede ang call a friend pero bawal kayo lumabas ng room na to. Sila mismo ang lalapit sa inyo para iabot ang mga kailangan niyo."

WHAT?! Hindi naman pwede si Manang hindi niya alam gamit ko. Kung si Xyfer naman, ehhhhhh nakakahiya :3 urghh

Tik tok tik tok

onti onti nang dumadating ang mga kadorm ng mga kaklase ko. Tiningnan ako ng Cza na parang nagtatanong na pano ako. Alam kasi niyang mag isa lang ako sa dorm. Nag smile na lang ako. Di ko alam.

"Uy hi miss penthouse!" Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Eto yung lalaking nakikita ko lagi sa roof deck. Engineering to. Tiningnan ko lang siya, baka kasi mamaya may magtanong pa bakit miss penthouse eh hindi naman nila alam na taga penthouse na ko ng iTower 2.0 Hindi na ko nag abala lumingon para alamin kung sino ang kablock ko na taga iT2 din.

What to do what to do? Halos 5 na lang kami dito na walang gamit. Yung 4 naka condo to, sa España Grand. Reasonable na late sila, mabagal elevator dun eh. Pano na ko huhuhu. Napamukmok na lang ako sa drafting table.

"Smile miss penthouse, otw na si Madrigal"

Hindi ako nakagalaw nung may bumulong sakin nun. Alam kong, yun yung lalaki kanina pero anong ibig sabihin niya?

"Come in"

Bakit biglang ang ingay nila? Tumingin ako sa pinto.

"Para kanino yan ijo?"

"For Sandra Saavedra po sir."

Nag hiyawan naman ang mga kaklase ko. Sino ba kasi yun?

"You look familiar ijo. What's your name and college?"

"Xyfer Frederick Madrigal po from Faculty of Engineering."

SHIT SHIT SHIT :"o

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon