PP TMC 27

348 9 6
                                    

"Emi Emi! Anong gagawin dito?" Tanong ni Cza

"Ayan oh. May Instructions

1. Look for the other half of the heart
2. Introduce yourself
3. Have fun with your date"

"Emi ang daming tao pano ko hahanapin yun?" Iritang sagot ni Sandra

"Aist! Sige sige dun kayo sa Engineering nandon yung inyo kakacheck ko lang sa masters list. Civil Engineering yung course.  Wag kayong maingay na sinabi ko ha? Enjoy!" Saka tuluyan ng umalis si Emi

"OMG Sandra!  Sana si Xyfer partner ko. Ang gwapo nun saka ang galing pa! Gosh!"

"WHAT?! SINO?!" gulat na tanong ni Sandra

"Hindi mo siya kilala? Hahahaha oh dear, you missed the half of your Thomasian Arki life." Maarteng sagot ni Cza

"Bakit?" Sobrang curious ni Sandra. Bakit kilala niya si Xyfer? Anong connection nila?

"Beh! Kadorm mo yun diba?"

Napalingon agad si Sandra kay Cza sa sobrang gulat.

"Shit! Pano niya nalaman? Gosh. Baka magalit si Xyfer. Ayaw nga niyang ipaalam dun sa babae niya na magkasama kami."

"Naalala mo na Sands?"

"Huh?" Ang tanging naisagot ni Sandra pagkabalik niya sa ulirat.

"Girl, mag katabi lang unit niyo. Nakita ko siya the other day dun. OMG so lucky!" Kilig na kilig si Cza habang sinasabi yun.

"Pano mo siya nakilala?" Inosenteng tanong ni Sandra

"He's every girls dream. Everyone Basha's Popoy." Simpleng sagot ni Cza na kahit maiksi ay naintindihan ito ng mabuti ni Sandra. Kaya naman pala ganon sa simbahan kanina. Nako, pano na ito nakita nila kaming magkasama tapos may baby pa.

"Sandra, ano? Tara na. Let's go find them! Sana talaga si Xyfer."

"Cza bakit hindi ko kilala yung Xyfer?" Pag kukunwari ni Sandra

"Kasi nung nagkaroon ng event ang LD Central nung bakasyon diba hindi ka nakasama? Noon, noon ko siya nakilala. Nakwento lang sakin nila Ate Boh na ayun nga, siya ang real life Popoy nating mga Basha"

*boogsh*

"Sorry miss. Sorry. Sandra?" Napataas ang tingin ni Sandra at Cza after makabawi sa pagka out of balance.

"Kiko!" Tuwang tuwa si Sandra nang makita niya si Kiko.

"Ehem" halatang nagtataka si Cza. Wala naman kasing nililihim sa kanya si Cza.

"Cza si Kiko nga pala, Kiko si Cza" nagbatian ang dalawa

"Have you seen your other half, ladies?" Matawa tawang sabi ni Kiko

"OMG Sandra I think I found your other half already" pang aasar ni Cza nung mapansin niya ang cut ng hurt noong dalawa na magkasukat.

"Ano bang pinagsasabi mo Cza?" Nagtatakang tanong ni Sandra

"Let me have your other halves." Pagkuha niya ay agad itong pinagdikit. "There, I told you I found your other half."

Hindi alam ni Sandra kung pano mag rereact. Natutuwa siya dahil si Kiko ang partner niya at hindi kung sino lang na tao.

"So you are my date tonight Sandra." Nakangiting sabi ni Kiko kay Sandra sabay lingon kay Czarina. "Thank you. Now, let's find your other half."

"Yey! Tara na !" Masayang sagot ni Cza.

Habang naglalakad ay may mga bumabati kay Kiko. Kilala pala ito. Hindi lang alam ni Sandra pero si Kiko ang laging nakakabanggaan ni Xyfer.

"Bakit may pila dito?" Inosenteng tanong ni Sandra

"Pila kay Xyfer my loves yan. Oh wait lang ha? Pipila lang ako." Excited na excited si Cza at talagang lakad takbo pang pumunta sa pila.

Kung sakaling si Cza nga ang kaparehas ni Xyfer,  hindi alam ni Sandra kung panong kilos ang gagawin niya. Galit pa din kasi siya kay Xyfer. Birthday si Sophia tapos bumili lang siya ng kape bigla nang nawala.

"OH MY GIE! Come here Sandra I want you to meet my date." Sobrang saya ni Cza kaya hinila niya na si Sandra. Sumunod naman si Kiko.

"Sandra, si Xyfer Frederick Madrigal.  Xyfer, si Sandra Angelica Saavedra." Nagtinginan lang ang dalawa. Hindi mabasa ni Sandra ang expression sa mukha ni Xyfer.

"Kayong dalawa, magkakilala naman kayo diba?" Tanong ni Sandra kay Xyfer at Kiko. Tumango lang ang dalawa.

"Come on, upo na tayo." Pag aaya ni Kiko since may malapit namang mesa malapit sa kanila.

"Tara" hatalatang si Kiko at Cza lang ang excited. Ano kayang mangyayari kay Xyfer at Sandra?  Malalaman na kaya nila na nakatira sila sa iisang penthouse? Galit pa din kaya si Sandra kay Xyfer? Sino nga ba yung babaeng humila kay Xyfer? Ano ang buong nangyari?

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon