PP TMC 15

341 9 4
                                    

Saturday Morning.

Wala pa pala akong nabibiling school supplies para sa pasukan. Bukas na lang ako mamimili aayusin ko muna yung magiging arrangement namin ng mga Saavedra. Mahilig ako sa bata. Totoo yung sinabi ni Ate na gusto ko talagang magkaron ng kasunod para may maalagaan akong bata.

Nung nalaman kong binigay ni Ate sa mga Saavedra si Sophia natakot ako. Magkaaway ang aming pamilya sa larangan ng Construction Insdustry kaya nga nagtanan sila Kuya Xander at Ate Sarah dahil alam naman nila na hindi matatanggap ng mga Ama namin ang relasyon nila.

Kaya naman hindi ako makapaniwala na tinanggap ng mga Saavedra si Baby Sophia. May napansin pa ako nung libing ni Kuya, pumunta ang Don ng Saavedra na parang tila walang kompetisyon na nagaganap sa pagitan ng aming mga pamilya. Nag ngitiaan pa sila ng aking ama.

"WHAT THE HELL?!"

titingnan ko na sana yung phone ko kung nasend na ni Ate Xyrine sa email ko yung profile nung makakasama kong mag-alaga kay Baby Sophia napansin kong nawawala yung keychain ko na naka uniform ng Engg. Regalo yun ng LD para sa lahat ng pinatakbo nila na nanalo. Sino naman kayang nagtangkang kumuha non? Ayoko naman magbintang pero baka isa yun sa mga babaeng nagkakagusto sakin. May initials kasi dun na XFM-LD.

*knock knock*

Sino naman kaya to?

"Good morning Sir Xyfer"

"Oh Spencer"

"Binilin po ni Mam Xyrine na ibigay ko sa inyo to"

"Sandra Angelica Saavedra?"

"Yes sir. Siya po yun makakasama niyong mag aalaga kay Mam Sophia"

"Akala ko ba ieemail na lang niya sakin?"

Napakamot ng ulo si Spencer.

"Para daw po kung may ipapagawa kayo ay agad ko ng magawa since nasa area na din naman po ako sir."

"Nasa area?" Nandito din yung babae?

"Sir nasa katabing unit lang po si Mam Sandra"

Agad kong binuklat ang folder na dala ni Spencer.

"Hahahahaha hahahahaha hahahahaha"

Hindi pala siya yung nakita ko dati pero yun din ang Unit number. Baka kaibigan niya yun kasi sabi dito solo lang din siya tulad ko.

"Ayos lang po ba kayo sir?"

"This is fun but challenging"

"Po?"

"She's the girl in the other room. Lagi siyang nagrarant about her plates. Arki siya at CE ako we are both busy students kaya challenging. Fun kasi Arki and CE are partners in the industry kaya baka maging way kami para magkabati ang mga pamilya namin kapag naging close kami"

"Based naman po sa nakalap kong impormasyon fit ang sched niyo. Lagi siyang umaga hanggang kalagitnaan ng hapon kayo naman po ay mga bandang alas tres hanggang gabi."

"Thank God at hindi na namin kailangan kumuha ng kasambahay."

"Sir pinadala din ni Mam Xyrine yung sasakyan niyo. Eto ho susi para daw mas safe kapag lalabas kayong tatlo."

"Salamat"

"May ipapagawa na po ba kayo?"

"Mag request ka na ng move out form namin dalawa sa baba at ikuha mo kami ng penthouse sa iTower 2.0. Kapag dito kasi kami maraming makakakita ayokong machismis pati siya at baka ano lang gawin sa kanya ng mga may gusto sakin"

"Sige po sir. Baka po magtaka si Mam at may move out form siya."

"Kilala mo ba ang secretary niya? Jones ang nakalagay na pangalan dito"

"Opo galing kami sa parehas na agency"

"Coordinate with him pero wag niya muna kamo sabihan si Sandra. Gusto kong ako na mismo ang kumausap sa kanya"

"Masusunod sir. Mauna na po ako."

"Salamat Spencer."

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon