PP TMC 8

324 7 0
                                    

"Mang Jun, luluwas ho tayong Manila today." saad ko habang bumababa ng hagdan

"Sige ho Ma'm. Saan ba tayo pupunta?"

"Sa iTower po."

"Ay maglilipat ka na ba ija? Osya, saglit lang tutulungan kita mag empake." Nagmamadaling sabi ni Manang Inday

"Hindi na po Manang. Kaya ko na po, onti lang naman po dadalhin ko doon sa Manila." Sabi ko sa kanya habang nakangiti

"Osya sige pero ija kumain ka na muna dito ng agahan."

"Opo"

"Ija pano pala sa pasukan? Pag naabutan ng iyong ama si Baby Sophia dito anong sasabihin namin kapag nagtanong siya?" Nag-aalalang tanong ni Manang sakin

Oo nga no. Hindi ko pa pala nasasabi kay Daddy lahat. Nako naman. Masyado ko kasing na-enjoy yung mahabang bakasyon e. Yan tuloy.

"Manang pakitanong naman po kay Jones kung kelan babalik si Dad dito."

"Sige ija. Nako sana ay matanggap ng Don Saavedra ang munting anghel na si Sophia."

NAPAKAHIMBING ng tulog ni Baby Sophia. Sino ba namang hindi late magigising, umaga na kaya natulog 'tong si bebe pia. Kamukhang kamukha siya ni Ate Sarah at Kuya Xander. Hindi maipagkakaila na may lahi siyang Saavedra-Madrigal. Kelan naman kaya dadating yung Xy whatever na yun. Huhu sana talaga hindi kasing bigat ng program ko program niya para naman maalagaan pa rin si bebe pia ng tama.

*knock knock*

"Pasok po"

"Ija" natatarantang sabi ni Manang sakin

"Bakit ho manang? Oh manang hinga munang malalim, aba!"

At huminga nga nang malalim ang matanda. Hinayaan ko muna siyang makarecover bago ko pinag salita.

"Sige ho manang sabihin niyo na, ano ba yan?"

"Ija, ngayong lunch time ang dating ni Don"

"Po?!"

"Oo ija, kaya baka mamayang hapon ka na makaluwas."

"Or baka bukas pa ko makaluwas manang" malungkot kong sabi

Bumaba na si Manang dahil tinawag siya ni Mang Jun. Binuhat ko naman si bebe pia na nagising pala samin ni Manang. Napaka bait talag neto. Hindi manlang umiyak. Ang cutie talaga!

Sophia Anikka Saavedra-Madrigal gagawin ko ang lahat matanggap ka ng lolo mong walang pakealam sa mundo kundi pera.

PAGKATAPOS kong paliguan si bebe pia, minabuti ko munang mag ayos ng mga dadalhin paluwas ng Maynila. Naririnig ko sa isip ko ang tunog ng relo na tik tok tik tok. Habang papalapit ng papalapit ang 12nn lalo akong kinakabahan.

Nalagay ko na lahat ng kailangan ko. Halos damit lang naman at mga pagkain ang dadalhin ko. Nasa dorm na yung uniform ko at mga gamit pang draft.

*bzzz bzzz*

Sino kaya itong nagtext? Siguro si Ate Xy na naman.

From: Czarina Sage Luna

Girl, ano? Nakaluwas ka na ba?

--

To: Czarina Sage Luna

Hindi pa :( baka bukas pa. Dadating si Papa today.

--

From : Czarina Sage Luna

Kaya mo yan! Good luck :*

Ibababa ko pa lang ang phone ko nang biglang may kumatok.

"Pasok po"

"Nanjan na ang po ang Don Saavedra. Bumaba na po kayo Ma'm para makakain na kayo" sabi ni Jones nang mahinahon habang ako naman ay kabadong kabado na. Kaya ko to! Tiwala lang Sandra kaya mo to!

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon