PP TMC 19

335 7 4
                                    

hmmm... anong oras na ba? onti-onti kong iminulat ang aking mata. O!M!G! Kelan pa ko nagka side table sa unit? tik tok tik tok realization hit me! THIS IS NOT MY FREAKING ROOM! gosh!

Fudge. Naka-uniform pa naman ako. chill lang Sandra, hindi ka na-rape. Inhale Exhale. Breathing exercise mo Sandra gawin mo. Wag matataranta, this is not good for you. Ay pucha! Si bebe Pia ko?! hala naman!

Sumilip ako sa bintana at natanaw ko ang Recto. Lumingon ako sa left side. Nakita ko ang KFC at McDo. Oo nga pala, sa ITower 2.0 na ko nagdodorm. Madilim na, aist nasan na ba kasi yung phone ko? madaling araw na ba? midnight or ano?

Saka paano ba ko napunta dito sa kwarto? pero infainess ang ganda. Arki na arki. Naka-organize ang gamit ko. haha ang galing naman ni Jones. Ay oo tama! baka si Jones ang nagbuhat sakin para makatulog ako ng mabuti. Makalabas na nga muna.

"Jones"

"Jones!"

"Jones?"

tawag ako ng tawag pero walang sumasagot. Lalo akong kinabahan. Nako, Sandra baka nakidnap ka na ! alam mo namang kilala ang pamilya niyo. Dapat tumawag ka muna sa bahay niyo para iconfirm kung talaga bang lilipat ka dito. Napaka-shunga aist.

Dahan dahan akong bumaba. Napansin kong Loft style ang unit na to. Ang yaman naman ata ng kidnapper na yun. Ang alam ko kasi 50k a month ang rent sa penthouse ng iTower 2.0. sa taas ay may dalawang kwarto dito sa baba mismo ay may CR at kusina ata. May naririnig akong nagluluto sa baba e. Meron ding dining area at living area.

Bakit pa ko kinidnap nito kung mayaman naman siya? hmm si bebe Pia naririnig ko mula sa kusina. tumatawa siya. aba naman bebe Pia, pano ka napa-amo ng mga masasamang loob? huhuhu wag ganyan bh3 lagot tayo parehas sa lolo mo.

Nung makarating ako sa baba. Dahan-dahan ko namang siniip ang tao sa kusina. OMG. This is no good. A tall white guy wearing a sando and jersey shorts in the kitchen? Jusko po kuya likod mo pa lang ulam na! wag ka na magluto! aist! ano ba Sandra?! nakidnap ka na nga nagawa mo pang lumandi?!

Dahan-dahan akong pumasok sa kitchen para ma-resbakan ko tong matipunong kidnapper na ito! Aba naman, talagang nagawa pa niyang makipaglaro kay bebe Pia habang nagluluto.

Onti na lang malapit na ko, ilang hakbang na lang kaso biglang...... tumakbo si bebe Pia sakay ng kanyang Baby Walker papunta sa akin. Agad ko siyang binuhat, anytime ready na kong tumakbo,

"Wait"

Sabi ni kuyang kidnapper. Pamilyar yung boses niya. Narinig ko na yun somewhere, e.

"Can you please help me prepare the table?"

Seryosong sabi niya kaya ako eto naman si kuha ng mga gamit at ayos ng mesa habang buhat ko pa din si bebe Pia. Anong malay ko ba baka may gawing masama to sakin pag di ko sinunod at baka pag binaba ko si bebe Pia hindi na niya ibalik sakin.

"Take your seat" Sabi ni kuyang matipunong kidnapper habang nilalapag sa mesa ang kanin at ulam. Ang gwapo naman nito para maging kidnapper saka mukha naman siyang mayaman, Hm.. siguro galing to sa company na kalaban ng pamilya namin. Hua Zi Lei lang ang peg bad boy with a soft heart. Nakita ko na tong lalaking to e! urghhh bakit ba di ko maalala?!

"Let's pray first so that we can already. It's 10 in the evening at maaga pa ang pasok mo bukas." Dere-derecho niyang sabi habang tinatanggal niya ang apron habang umuupo sa tapat ko.

"Opo"

"Wag ka na mag po, hindi malaki ang age gap natin. Now let's pray. Baby Sophia, put your palms together and feel the presence of God" Nagulat ako ng bigla niyang pinagdaop ang kamay ni Baby Sophia habang nakangiti.

"God is good. God is good. Thank you for the food. In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. Amen."

Dasal atenista yun ah! Haha! May mga friends kasi ako from ADMU ganon din sila mag-dasal.

"Taga Ateneo de Manila ka po kuya?" Hindi ko napigilang mag-tanong.

"Can we just eat first? I'm really tired and hungry. This day is exhausting. We'll talk later."

Hindi na ko sumagot dahil halata namang pagod nga siya. After eating ako na ang nagpresinta na mag hugas ng aming pinag-kainan. Mukha naman kasing hindi siya kidnapper. Aliw na aliw nga si bebe Pia sa kanya e.

Pagkatapos ko maghugas agad ko silang pinuntahan sa living area. Pinulot ko naman ang coat, bag at mga pinamili ko sa Joli's. Bakit may coat? Haha search niyo yung uniform ng College of Architecture ng University of Santo Tomas para kaming anime.

Umupo ako sa tapat nila at nag fake cough.

"ehem"

"I haven't introduced myself to you properly. Siguro nagtataka ka bakit ka nandito at bakit kita kilala? Am I right?" sinabi niya sakin yun habang direkta siyang nakatingin saking mga mata.

"Opo at bakit din madali mong napa-amo si Baby Sophia saka nagkita na ba tayo, you really look and sound familiar." Seryosong tanong ko sa kanya.

"First of all, I am not from Ateneo... anymore"

"Ha? Pero bakit naka jersey shorts ka ng Ateneo tapos yung ID lace mo Atenean blue." Nakasabit kasi yung ID niya malapit sa key holders at napansin kong blue yung lace. "at anong anymore? Nadebar ka ba?" pahabol ko.

"Ah eto ba?" Tumayo siya at kinuha ang ID niya at gamit sa drawer. "Hindi ito lace ng Ateneo. Lace ito ng-" I cut him.

"Take the LeaD. LD. Lakas ng Diwang Tomasino? Taga USTe ka din?" taka kong tanong.

"Yes, buti naman at alam mo ang LD. Hindi ko pa kasi napapaltan yung Lace ng ID ko. To be fair, eto yung ID ko, Driver's License ko at Company ID so that you can check my identity." Sabi niya habang inaabot sakin ang mga Valid ID niya kulang na lang ata pati Voter's ID at passport ipakita sakin e.

"Mayaman ka. Hindi ka kidnapper? BMW sasakyan mo." Sinabi ko ng hindi ko muna tinitingnan ang ID niya. Nakita ko kasi yung keychain sa obvious naming car keys niya ay BMW.

"Yes and excuse me hindi talaga ako kidnapper" maangas niyang sagot. "Iaakyat ko muna si Baby Sophia, I'll be back"

Kung taga LD siya edi Thomasian siya. Naka Jersey short siya ng ADMU dahil dun siya nag middle school? Hmm O M G!

"Na -enjoy mo na atang tingnan mga ID ko Ms Saavedra"

"KIlala na kita! Ikaw! Ikaw yung owner nung BMW X6 na muntik na kong mabangga sa Qpav! Kaibigan mo si Kuya Robb diba?! "

"You don't have to shout. Oo friend ko si Robb at may muntik na kong mabangga near the Qpav during enrolment but I'm not sure if it is you."

"Kung friend mo si Kuya Robb, most likely taga Engineering ka din."

"It's in my ID. Hindi mo nabasa? Taga Engg ako and I'm currently taking BS Civil Engineering. 4th year na ako."

Siya kaya yung Xy? Tiningnan ko yung ID niya. Xyfer Fredrick Madrigal. XFM? Aha!

"Ikaw nga! No wonder you look familiar. Kamukha mo si Kuya Xander at Ate Xyrine and I think..." Kinuha ko yung bag ko at itinuro yung keychain "sayo to Mr. Xyfer Fredrick Madrigal."

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon