PP TMC 16

313 6 2
                                    

"Miss how much yung planner na blue?"

"A-ano sir, 499 po naka-promo po yan. Couple Planner po kasi yan eh"

Halatang na-starstruck ang Cashier kay Xyfer dahil nauutal pa ito. Nakita kasi ni Xyfer sa counter ng National bookstore and isang Academic Planner na blue at nagustohan niya ito. Gusto kasi niya iba ang kanyang planner para sa School activities at iba din ang sa pang personal para hindi ito mag halo.

"Hindi ba pwedeng yung blue lang?"

"sorry sir pero pair po talaga yang sky blue and baby pink academic planner"

"uhmm sige I'll just take it."

Matapos makapagbayad ni Xyfer ay agad na siyang umuwi sa dorm para maghanda sa kanyang paglipat sa iTower 2.0

"Ate ganda nasan na yung planner na baby pink dito?"

"ay naku ganda may bumili na kakaalis lang nga eh."

"hala naman. kanina pag pila ko nandito pa yun eh"

"pero ganda hindi naman daw niya gusto yung isang planner dahil yung sky blue lang ang gusto niya. Habulin mo siya baka sakaling pwede mo bilhin sa kanya yung isa."

"Sige po. Paki describe naman po"

"Mala Daniel Padilla yung mukha niya sa gwapo tapos matangkad din. Naka jeans tapos navy blue na shirt nakalagay Faculty of Engineering."

"Sige po"


Agad na lumabas si Sandra para hanapin si kuyang naka Faculty of Engineering na shirt. Hindi siya pwedeng magkamali, taga USTe din yun.

*bosgh*'

kakatakbo ni Sandra para mahanap yung lalaki hindi niya napansin na may mababangga na siya sa paliko. Nalaglag pa ang kanyang mga pinamili sa grabe ng impact.

"Miss I'm really sorry"

"Okay lang po pasensya na din"

tuloy pa din sila sa pag pulot ng gamit ni Sandra.

"So may boyfriend ka pala sa Engg?"

"ha?"

Napa-angat ang kanyang ulo at nakita niyang Faculty of Engineering yung t-shirt nung lalaki. Nabuhayan siya ng loob. Tuluyan na siyang tumayo dahil tapos na din naman siyang pumulot ng kanyang mga gamit.

"yung keychain kasi sa bag mo"

"ah eto bang may XFM-LD?"

"Oo"

"napulot ko lang yan sa elevator sa dorm hindi ko pa nababalik kay kuyang taga Engg"

"akala ko sa bf mo yan"

"hindi po haha."

"I'm Kiko, btw"

"Sandra po"

"taga USTe ka din?"

"Ay opo!"

"From what college?"

"Architecture"

"So isa ka din pala sa magagandang zombie ng Beato"

"Thank you. uhmmm ano ikaw ba yung nakabili ng couple planner sa National Bookstore?"

"No" nagtataka pang sumagot si Kiko kay Sandra

"hala akala ko ikaw yun. Gusto ko kasi yung Academic Planner na yun. Sabi nung babae sa cashier naka Faculty of Engineering shirt daw yung lalaki na nakabili nun."

"Sorry hindi talaga ako yun. hmm pano ba ko makakabawi sayo for causing trouble? and I guess umasa ka din na ako yung guy na hinahanap mo"

"Nako wag na, pansinin mo na lang ako pag nagkasalubong tayo sa USTe"

"hatid na kita. san ka ba ?"

"nako wag na nakakahiya naman"

"oh please ang dami mo ding dala"

"okay kaso kung out of the way wag na ha?"

"Saan ka ba nag stay?"

"Sa dorm"

"San dorm mo?"

"iTower 1.0"

"Good. nasa way ko yan."

"Sure? saan ka ba?"

"España Grand Residences"

"Wow yaman! condo!"

"Condo style din naman iTower ah saka mahal tuition fee ng arki halos doble daw ng engg?"

"Hahaha nako di naman kami mayaman"

Hinatid na ni Kiko si Sandra. Hindi nila alam ay may nakakita sa kanila nung bumaba si Sandra mula sa sasakyan ni Kiko. Alam nang lalaki kung sino ang may ari nung sasakyang yon.

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon