PP TMC 25

325 6 2
                                    

Ang agang nagising ni Xyfer kinabukasan. Naiisip niya pa rin ang sinabi ng matandang Saavedra.

Ano kaya ang naisip nito at ipanaubaya niya sakin ang anak at apo niya? Iba talaga ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

Halos diyan lang paikot ikot ang naiisip ni Xyfer hanggang sa mag-alarm ang phone niya dahil 5AM na. Magluluto pa siya nang masarap na agahan dahil birthday ni Sophia. Mag sisimba din sila at mag-gogrocery na rin. Pagkatapos nun ay ihahatid muna nila kanila Sandra si Sophia dahil parehas silang may lakad. Hindi naman nila ito matanggihan dahil naka-oo na sila bago pa man sila dumating sa gantong sitwasyon.

PAGKATAPOS niyang magluto ay agad siyang umakyat sa loft upang gisingin si Sandra. Mukha kasing nag-puyat ito dahil halos hindi siya nito napansing umuwi kahapon.

Kumatok naman siya pag-uwi sa kwarto ni Sandra pero mukhang focused na focused ito na paggawa ng plate nila pagbukas niya ng pinto. Nakita niyang pinapadede ni Sandra si Sophia habang inaantay nitong matapos ang kanyang nirerender sa AutoCAD.

"Sandra, gising na" ilang ulit na sinabi ni Xyfer habang kumakatok ngunit walang sumasagot.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nainip na si Xyfer. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Napangiti na lamang siya nang kanyang makita ang puwesto ni Sandra.

Nakasandal ito sa headboard ng kama habang si baby Sophia naman ay nakaupo sa kanyang binti na nakayakap na sa kanya. Halatang napaka sarap ng tulog nila. Nakita din niya sa side table ang laptop ni Sandra na naka open pa. Napaganda ng kanyang nagawa.

Tuluyan na siyang pumasok at maingat na naglakad papasok. Onti unti niyang iniligpit ang mga gamit ni Sandra.

"Xyfer" pupungas pungas na sabi ni Sandra.

"Good morning!" Sagot ng binata na halatang nahihiya dahil napakamot pa ito sa ulo.

"Ako na magliligpit niyan." Dahan dahan bumangon si Sandra. Iniayos muna niya ang higa ni Sophia bago siya tuluyang lumapit kay Xyfer na tuloy pa din ang ligpit.

"Ako na. Bumaba ka na at kumain."

"Nakaluto ka na? Nako nakakahiya naman. Ako yung babae dito tapos--- OMG!!!" Biglang napatakbo si Sandra sa CR. Nataranta naman si Xyfer kaya agad niya it

"Sandra!!" Paulit ulit na sigaw ni Xyfer habang kumakatok.

Pagbukas ng pinto ay agad niyang chineck si Sandra. "okay ka lang ba? Anong nangyari? Gusto mo bang pumunta tayong UST Hospital" sunod sunod niyang sabi habang sinusuri si Sandra pero nginitian lang siya nito ng malaki sabay sabing "nako nako Madrigal ano ba yang dinadrama mo ha? Okay lang ako oh."

"Bakit ka tumakbo sa CR?!" Asar na tanong niya

"Duh! Nag toothbrush. Nakakahiya naman po sayo Mr Perfect kung kakausapin kita na mabaho hininga ko diba?" Sarkastiko niyang sagot.

Sasagot pa sana si Xyfer ngunit narinig nilang may umiiyaj mula sa kwarto ni Sandra.  Dali dali silang umakyat para icheck si Baby Sophia. Binuhat agad ito ni Xyfer at agad inalo.

"Happy Birthday baby!" Bati ni Xyfer sabay halik sa noo ng bata.

"Galing! Napatahan mo siya!" Isip batang sagot ni Sandra habang pumapalakpak. Tiningnan lang siya ng masama ni Xyfer habang nilalaro si Sophia na tawa naman ng tawa.

"Kumain ka na. Papaliguan ko lang to"

"Yes Sir! HAAAAA!" lumapit si Sandra kay Xyfer at ipinaamoy ang hininga nito sabay takbo.

"Napakakulit talaga ni Sandra. Sophia wag kang gagaya dun ha?"

PAG katapos mag simba ay agad na lumabas si Sandra buhat si Sophia. Nakaramdam ng awkwardness si Sandra dahil may mga nakasabay silang Thomasian. Nagtataka siya bakit para lahat sila kilala si Xyfer dahil kung makatingin sa kanya ay halos patayin na siya. Naglakad siya ng mabilis at di namalayang nasa tapat na pala sa ng iTower 1.

"Sandra! Goodness. What happened?" Hingal na sabi ni Xyfer.

"Ah ano uhm.. starbucks! Tama starbucks! Kasi diba puyat ako? eto gusto ko mag kape hehe" pagsisinungaling ni Sandra.

"Okay go. Mag gogrocery pa tayo"

Dali daling pumasok si Sandra. Pinagtitinginan siya dahil kilala niya sa mukha ang mga tao sa loob. Tenants ito ng iTower 1 kung san siya nagdodorm dati. Umorder na lang siya ng White Chocolate Mocha at mabilis na lumbas.

Saktong paglabas niya ay nakita niyang may kausap na babae si Xyfer habang ngiting ngiti. Agad namang hinila ng babae si Xyfer papunta sa sasakyan nito na nakapark sa tawid ng iTower 1.

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon