*tiktilaooook"
5 am na pala. ang bilis naman umaga na agad. Well, ganto talaga buhay sa probinsya. Babangon na ako para makapag hilamos at toothbrush na. Ngayon pupunta na ako sa may poso para mag igib nang ipang kakape pero syempre iinitin muna yun noh. Tama na siguro to para saming apat. Ngayon magsisiga naman ako para mapainit na tong tubig na toh.
Yan okay na. Oh iiwan ko muna tong tubig dito sigurado namang pagbalik ko kulo na toh. Pupunta na ko sa manukan para kumuha ng mga itlog na pang agahan. Papakainin ko na rin yung mga manok para bawas sa gawain ni manang mamaya.
Okay na tong apat na itlog samin. Sa kanin naman kami malakas hindi sa ulam kaya ayos na to. Napakain ko na rin yung mga manok kaya babalik na ko sa kubo para maprito na to.
"Mam Sandra ako na ho jan mabuti pang igayak nyo na lang yung gamit na dadalhin nyo mamaya." Sabi ni manang sakin
"opo, e pasensya na po ine-enjoy ko lang naman po yung huling araw ko dito."
"Mam pumasok na ho kayo kami na dito." Nakangiting sabi ni Manong Jun sakin.
Pumasok na ko sa kwarto at nag empake. Ano kayang mangyayari pagbalik ko ng manila? Pano na yung buhay ko? Mag isa na lang talaga ako sa bahay kasama ang mga kasambahay namin, hardinero at drayber. Wala na si ate e. Namatay na sya. May tumor pala sya sa ovary. Sayang naman 5 years ko siya din hindi nakita, nakausap o nahawakan manlang si ate sarah. Nalaman ko na lang pagtapos ng pasukan na wala na si ate at si kuya xander naman nagpabangga dahil gusto nya ng makasama si ate sarah. Mahal na mahal nila ang isat isa kaso hindi sila pwede dahil magkalaban na construction company ang meron kami at sila kuya xander. Ang ending nagtanan sila at nagpakasal. Bago ako umalis ng Manila, may nareceive akong text kay ate Xyrine, ate ni kuya Xander, na nagka anak daw si ate Sarah at kuya Xander. Buhay daw si baby Sophia.
Pagbalik ko daw ng Manila sakin nya muna iiwan si Baby Sophia dahil busy sya sa trabaho at kung san san sya napapadpad dahil sa modeling. Yung isa naman nilang kapatid wala daw pake alam sa mundo.
*knock knock*
"pasok"
"Sandra, tumawag daw yung Jones na secretary mo. Nagkaproblema daw sa plane ticket mo pabalik ng Manila" sabi sakin ni Jacob. Ulilang pamangkin nila manang inday at mang jun. kaedad ko sya
"Huh? bakit magkakaproblema dun? Domestic flight lang naman yun kaya kahit hindi pa narerenew passport ko okay lang."
"Ano daw ba ulit full name mo?"
"Sandra Angelica Saavedra"
"Birthday daw?"
"Hahaha. alam ko na san nagkaproblema. sabihin nyo kay Jones pag tawag niya 19 na ako hindi na ako minor para ibigay nya pa bday ko dun"
"Sige"
Siguro nagtataka na kayo ngayon. Una sa lahat, wala akong dala na gadget dito. Gusto ko ng tahimik na bakasyon. kaya nga hindi ko na nareplayan si ate Xyrine sa kung anong gagawin nya sa baby. iniisip nyo rin kung ano gngwa ko dito at sino talaga ako.
BINABASA MO ANG
Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*
Tienerfictie"Yes anak, kailangan nyong magpakasal" sabi ng kanyang ama. "ANOOOO?! Bakit ako pa?! Kung sana dati nyo pa naisip na ipag-merge ang kompanya natin sa kanila edi sana hindi sila nag tanan at hindi sila namatay." nanginginig niyang sabi. "and both of...