PP TMC 31

219 7 5
                                    

"Come in, ijo. Akala ko'y wala nang dadating na gamit para kay Sandra."

Nginitian na lang ni Xyfer si Architect Ong at pumasok na lang siya dala dala ang maleta na ikinagulat naman ni Architect Ong. Nakasabit din sa balikat niya ang T-square at Canister set ni Sandra. All eyes on him.

"Mister, hindi naman sila mag oovernight dito. Hanggang 9pm lang ang klase. Bakit maleta ang dala mo?"

Tanong sa kanya ni Ar Ong. Walang masabi si Sandra. Nakatingin lang ito kay Xyfer. Yung maleta na yun ang lalagyan ng kanyang art and drafting materials para pag uuwi siya sa kanila ay isang bitbitan na lang.

Lumingon si Xyfer kay Architect Ong at sinabing, "This contains all her drafting and art stuff sir. I don't know what she need that is why I brought them all."

Kung ano anong kumento ang umalingaw-ngaw sa drafting room. Nagtatanong ang mga mata ni Cza na papalit palit ang tingin kay Sandra at Xyfer.

"Here" seryosong sabi ni Xyfer kay Sandra pag lapit nito. Halatang nakikinig ang mga kaklase nito dahil tumahimik sa room nila.

"I uhmm" no words can explain how she feels. Halos kilig, tuwa, hiya at takot ang nararamdaman niya

Kilala si Xyfer sa UST. Panong hindi sila pag uusapan eh, simpleng babae lang si Sandra. Kung nag aaral, nag aral, mag aaral ka sa UST at kilala mo si Jacob See maiintindihan mo kung sino si Xyfer. Hindi naman pwedeng si Alec Dungo dahil taga Faculty of Pharmacy yun at hindi naman into politics sa UST yun

"Do what you have to do. We'll talk later. Call me when you need me. Okay? I'll be waiting in the pav in front of Beato. Good luck, Sandra."

Nakatulala pa rin si Sandra dahil hindi niya alam kung ano ang irereact niya. Kung ano ano ang pumapasok sa isip niyo until Xyfer pinched her nose na lumikha na naman ng kung ano anong bulungan sa room.

"Ano?"

"Gawa na Sandra, Sophia's waiting for us" umalis na si Xyfer at gumawa na si Sandra.

Focused silang lahat ngayon kaya sigurado siyang di siya magigisa ngayon. Ano kayang pag uusapan nila ni Xyfer? Itatanong na rin siguro niya kung anong isasagot niya pag nagtanong ang mga kaklase nito.

MAKALIPAS ang ilang oras at natapos na din si Sandra. Nasa 1st half siya nang natapos. Magaling kasi ito sa pag gawa ng concept kaya wala lang sa kanya ang concept sheet. Dahil na rin sa business nila ay open na siya sa construction bata pa lang siya kaya alam na niya ang kanyang mga design strategies sa bawat design objective.

Pababa na siya nang tinawag siya ni Cza. "SANDRA WAIT UP!" halatang excited na kinikilig sa Cza.

"Cza pwede bukas na lang? Promise. Pag uusapan muna namin ni Xy to."

"OMG so may something nga. Sige sige, pagod na din kasi ako. Basta pag sinaktan ka sumbong ka sakin."

"Gagi, mabait naman yun saka basta its complicated"

Nagpaiwan sa locker si Cza kaya nauna na siyang makababa. Nakita niya agad si Xyfer kaya agad niya itong pinuntahan.

"Uhmm Xy thank you"

Hindi na umimik si Xyfer at naglakad na lang sila pauwi.

nako I think I'm falling. Wag naman ganyan Xyfer.

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon