PP TMC 32

220 7 4
                                    

"About what happened the other day, I'm sorry. Alam kong umalis ka kaagad nun dahil naiinis ka kay Shane" pagbasag ni Xyfer sa katahimikan habang nasa balcony sila.

"Correction galit ako sa kanya hindi naiinis! Feeling mommy si Sophia. Halata namang hindi marunong mag alaga. Walang future maging mommy!" Hindi na napigilan ni Sandra ang laman ng isip niya.

Napangiti ng lihim si Xyfer. Nakita naman ito ni Sandra. "Oh ano? Bakit ka nakangiti diyan ha?!"

"I miss this. I miss you. I miss us." Parang nag slow motion ang lahat para kay Sandra. Buti na lang at madilim kaya di kita ang pagkapula niya.

"Ewan sayo."

"Hindi ko alam anong nangyari satin after the party of LD. Naging mailap ka na. Nag request ka ng yaya dito. May sasakyan ka na din. Yung bills kay Manang mo pinapasabi pag ikaw nakakareceive. Yung grocery kay Manang mo pinapagawa, wala na tayong bonding. Halos hindi na kita makita. Sa Campus, lahat naman binabati ako pero pag ikaw pilit mo kong iniiwasan. What's wrong? What happened to us? May nagawa ba ako?"

"Ah wala, naging busy lang ako lately" pagsisinungaling ni Sandra

"No Sandra, alam ko ang mga pinag gagawa niyo."

"Huh? Are you stalking me Madrigal?" Takang tanong ni Sandra. "Pano mo din nalaman na kailangan namin ng gamit kanina? Ikaw ha! Umamin ka nga!"

"ganyan Sandra, ilabas mo ang tunay na ikaw. hahaha. About that, yung isa kong EC taga dito and it just happened na yung pinsan niya kablock mo. Sa kanya ako nakikibalita. I'm so proud of you, lagi palang nasa top ang plates mo."

Jusko wag mo ko pakiligin

"ABA! SAMANTALANG AKO WALANG KAALAM ALAM! Sa tsismis lang ako umaasa para may malaman tungkol sayo" *pouts*

"Can we just live normally Sandra?" Seryosong tanong ni Xyfer "kinakahiya mo bang kasama mo ko dito? Kinakahiya mo ba si Sophia?"

"Hindi naman sa ganon. Ano uhmm, Xyfer alam kong kilala ka sa USTe ayoko naman masira ka nag da--"

"What are you saying?!" Tumaas na ang boses ni Xyfer

"Nung isang araw, gustong gusto ko na kunin si Sophia kay Shane dahil hindi ko kaya makitang umiiyak ang baby ko! Pero hindi ko magawa."

"Bakit?"

"Once na ginawa ko yun, pag uusapan ka. Baka masira pa ang image mo."

"Fuck that image !"

"Yung ginawa mo kanina, pano pag nagtanong sila bakit ikaw nagdala ng gamit ko?"

"Answer them honestly"

"Na ano? Nakatira tayo sa penthouse ng iT2? Ayoko. Hindi maganda pakinggan."

"Anong balak mo isagot?"

"Friends tayo. Yun naman ang totoo"

"Okay I get. We'll take it slow, Sandra pero wag mo naman itago si Sophia. I want her to live normally. May kinikilalang ama at ina"

Ikaw ang ama ako ang ina?

"Pag nagipit saka ko na lang sasabihin."

"sleep now Sandra, I know you're tired."

"Nag uusap pa tayo"

"Wag makulit, sleep. Almost 11pm na oh."

"Okay" pouts

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon