PP TMC 38

223 11 2
                                    

Mag iisang linggo na ako dito sa unit sa Cza. Nag sh-share naman ako sa mga kailangan kasi nakakahiya din naman. Wala akong balita kay Xyfer. Hindi niya rin naman ako kino-contact. Hmpff. Alam na kaya niya na gusto kaming ipakasal nang aming mga magulang?

Namimiss ko na si Baby Sophia, nandon kasi siya sa poder nila Xyfer. Hindi ko naman magawang kunin kasi alam kong magkikita kami ni Xyfer, Naiinis pa rin ako sa kanya. Isa siyang judger !!!! hahaha pero huhu namimiss ko na siya :(((

*PAAAAK*

"aray naman Czarina Sage!"

"Hoy girl! tapos na yung nirerender mo oh." ayyy oo nga hehehe tapos na pala. "Kanina ka pa mukhang tanga. tatawa tapos naiiyak."

"Go back to work Cza! hahabol pa tayo magpaprint sa Joli's diba? 6:38pm na oh."

"Kanina pa ako tapos. Ikaw na lang inaantay ko. Gusto mo bang itext ko si Hizon na itext yung boss niya na nababaliw ka na dito?! Hala sige gawa!!"

"Yes ma'am" yan na lang nasabi ko sa kanya. Grabe naman kasi eh :(

HAAAY grabe buti nakaabot pa kami magpaprint sa Joli's kundi kawawa na naman ako bukas. Panahon na kasi ng Thesis ngayon kaya mejo madami na nagpapaprint pero patapos naman na yung mga nagtithesis sa USTe last week na ng deliberation kaya ibig sabihin patapos na yung taon.

Yung pinaprint namin ni Cza sa A3 pang consultation yung bukas. Oo, lagi kaming may defense sa arki siguro 4 times a year? hahaha.

"Sands nong balak mo sa vacay?"

"hmmm hindi ko alam eh. less than a month na lang tapos na 3rd term."

"wala ka bang balak makipag ayos kay Xyfer? you know, telling him the truth will set you free."

"Para ano pa Cza? kaawaan niya? no way."

"Hindi naman sa ganon... pero nako bahala ka"

HINDI ko namalayan na nakatulog na pala ako. Umaga na. Goodness buti 6am pa lang.

*Note Tone*

"Sands kanina pa tunog ng tunog phone mo"

"hehe sorry girl, si Kuya Robb lang to. gusto akong makita kita na lang tayo sa school."

PAGdating ko sa Starbucks Noval agad kong nakita si Kuya Robb. Wala naman siyang sinabi sakin na rason kung bakit kami magkikita pero mukha kasing emergency dahil sunod sunod yung text niya sakin. Minsan na lang naman kami magkita ni Kuya Robb kaya pumayag na rin ako.

"Sandra, you came"

"Ikaw pa ba tatanggihan ko kuya? hahaha"

"upo ka muna."

"Thanks"

"Im very sorry for the late notice. Akala ko kasi nasend ko yung text sayo kagabi"

"Okay lang kuya, hindi naman ako nag puyat kagabi saka 10 pa ang pasok ko."

"Kumusta ka na pala?"

"Okay naman. ako pa ba hindi magiging okay?"

"Umiinom ka ba sa tamang oras?"

"err hahaha minsan oo minsan hindi? depende sa plates."

"Sandra"

"Perfect attendance naman ako pag Sabado"

"sabi mo eh. Basta pag may kailangan ka tawag ka lang, alam mo naman na nanjan lang ako sa University Tower 2"

"Yes kuya."

"Sandra, I hope you don't mind"

"ano po yun kuya?"

"Anong nangyari sa inyo ni Xyfer?'"

WHAAAT? OMG may alam siya sa nangyari. Hmpf sumbongero palang Xyfer yan eh -.-

"Huh? anong ibig mong sabihin kuya?"

"I know that you're living together. Nadulas si Hizon sakin."

"Ahhhh"

"Last week kasi sobrang bothered ni Xyfer lagi, dati naman okay na siya. Hindi na siya ganon katahimik. Marunong na siya makisakay sa trip ng mga tao pero last week parang lagi siyang galit. Nag away pa sila ni Kiko nung friday,"

"Kiko?"

"Oo si Kiko, kilala mo din ata yun. Narinig ko sa sigawan nila Xyfer pangalan mo eh."

"Kilala ko nga po siya"

"Sandra, kung ano mang pinag awayan niyo sana maayos na. I've never seen Xyfer that happy and alive again."

"Shit kasi siya kuya"

"Watch your mouth Sandra, baka nalimutan mo mas matanda pa rin ako sayo"

"My bad, hehehe kasi naman kuya akala niya buntis ako"

"Seryoso? kaya pala ganon yung gago. Now, I get it"

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon