PP TMC 26

349 8 3
                                    

"Oh Sandra iha" gulat na sabi ni Mang Jun nang makita si Sandra at Baby Sophia na bumaba mula sa isang Taxi.

"Hello po. Patulong naman po magbaba nitong mga pinamili ko." Masayang sabi ni Sandra pero sa totoo lang ay buwiset na buwiset ito.

"Sige, ako na dito pumasok ka na. Nanjan ang Manang mo."

Agad na pumasok si Sandra. Minabuti niyang dumerecho na lang sa kwarto para makapag isa.

"Happy Birthday Bebe Pia! Sana nandito si Ate Sarah para makita ka niya. Di bale bebe ko ako na lang ang mommy mo, okay?" Napatawa naman si bebe pia at niyakap si Sandra. Para bang naiintindihan na agad ni Sophia ang mga sinasabi ni Sandra.

*knock knock*

"Pasok po." dali dali namang pumasok si Manang Inday na mukhang nag aalala.

"Iha, alam kong may nangyari. Bakit bigla kayong umuwi? Birthday ni Sophia diba?" Napatango na lang si Sandra. Hindi niya alam bakit bigla siyang naluha pag yakap niya kay Sophia.

Napansin ng Manang ang kanyang luha kaya agad itong tinabihan ni Manang sa kama. Saka hinagod hagod ang likod nito.

"Iha, inaway ka ba noon Xyfer? Sabi kasi ng ama mo e doon ka na daw nakatira sa Xyfer na yun. Tinatrato ka ba ng mabuti?" Alalang alalang sabi ni Manang

"Hindi naman po ganon. Sa katunayan, manang napaka bait niya. Para sa kanya responsibilidad niya na kami ni Sophia dahil sa kanya kami nakatira. Siya ho nagbabayad ng gastosin, sinabi din niyang kung kapusin ako e pwede ako humingi sa kanya. Napaka maasikaso din niya." Sagot ni Sandra habang nakayuko

"Gwapo ba?" Tanong ng matanda habang may namumuong kalokohan sa isip nito

"Ay opo!" Napa angat pa ang ulo ni Sandra. "Manang parang may adonis nga po sa penthouse, e. Napakaganda po ng katawan. Mukhang matalino din, Mr Perfect nga po ang inilagay kong pangalan niya sa contacts ko. Nako manang you have to meet him!" Masayang sagot ni Sandra

"Nako sa susunod Mr Right na ang panagalan niyang Xyfer na yan sa contacts mo" matawa tawang sagot ni Manang. Alam naman kasi niyang madaling mahumaling ang alaga nito sa kahit sinong tao na mabait. Nararamdaman niyang may hindi nagustohan ang alaga niya na ginawa nung lalaki kaya ito umuwi

"Hindi po! Seryoso yun sa buhay. Si Mr Right ko kwela, maloko hindi seryoso." Pagdepensa niya sa kanyang sarili.

"Sabi mo e" malokong sabi ng matanda sabay labas ng kwarto. Kinuha ni Sandra ang kanyang phone. Naka silent kasi ito kanina at sakto namang may tumatawag nung makuha niya.

*beep beep*

"Hello?"

"Sands!"

"Ate Xy ikaw pala yan"

"Paki greet naman ang aking cute na pamangkin ng Happy Happy birthday from her most beautiful Tita."

"Ay ganon? So ako 2nd lang?"

"Syempre ano uhmmm hindi. Kasi mommy ka na niya. Oo tama, ikaw na ang kanyang pretty mom!"

"Ate talaga hahaha"

"Sayo na din naman lalaki si Sophia so masanay ka na matawag na mommy sa future"

"Matagal pa yun"

"Balita ko nag simba daw kayo?"

"Opo" tipid niyang sagot dahil ayaw niya na ulit maisip yung kanina

"Si Xy wag mo lagi papakainin nun pati dairy products like butter and milk"

"Ha?"

"Diba nag grocery kayo? Naalala ko lang kasi baka mamaya bumili na naman ng maraming bawal si Xy."

"Sige po. Don't worry hindi siya kasama mag grocery wala siyang nakuha na bawal."

"Huh? Oh anyway, may meeting pa ko for our fashion week. Basta ang number one na kinakain nun na bawal toasted bread with cream cheese."

"Sige po noted"

"Bye"

Pagbaba niya ng tawag ay agad niyang napansin ang mga unread messages at missed calls mula kay Xyfer pero pinabayaan niya lang ito.

"CZA, tara na!" Sigaw ni Sandra mula sa labas ng venue ng Annual Year Starter Party ng LD.

"Oo na ito naman. Ang excited mo friend. Oh, pinapa abot" sagot niya kay Sandra habang ito ay naglalakad papunta dito.

"Ano yan?"

"Aba malay!"

"Ayun si Emi let's ask"

"Emi Emi! Anong gagawin dito?" Tanong ni Cza

"Ayan oh. May Instructions

1. Look for the other half of the heart
2. Introduce yourself
3. Have fun with your date"

"Emi ang daming tao pano ko hahanapin yun?" Iritang sagot ni Sandra

"Aist! Sige sige dun kayo sa Engineering nandon yung inyo kakacheck ko lang sa masters list. Civil Engineering yung course. Wag kayong maingay na sinabi ko ha? Enjoy!" Saka tuluyan ng umalis si Emi

"OMG Sandra! Sana si Xyfer partner ko. Ang gwapo nun saka ang galing pa! Gosh!"

"WHAT?! SINO?!" gulat na tanong ni Sandra

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon