PP TMC 40

498 13 17
                                    

May block dinner kami ngayon dito sa Tokyo Tokyo sa may car park. Patapos na halos lahat kumain ng tumunog ang phone ko na kasalukuyang nakapatong sa bandang gitna namin ng kaharap ko.

Lahat napatingin ng makita ang picture ng caller sa phone ko pagtapos ay napatingin sakin.

Ang caller ay walang iba kundi si Mr Perfect.

"He he he" sarcastic kong tawang pangiti sa kanila.

"Kung ayaw mo sagutin ako na lang sasagot! Aba, baka si Xyfer Madrigal nga talaga ang caller" sabi ng isa kong kablock na die hard fun ng mga gwapong taga Engineering

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko habang nakikinig sa mga sagot ni Claire kay Xyfer.

"Ayy hindi akin to. Kay Sandra to. Ikaw ba talaga si Xyfer?"

Malamang galit na yun. Ibang tao ba naman sumagot ng tawag sa phone ko.

"Oo siya nga. Nandito kami sa car park sa Tokyo Tokyo. Bakit nasayo ang phone ni Fafa Xyfer?"

Hindi si Xyfer yun? Baka naman si Shane ang may gamit. Hmpf

"Ano naman ngayon?! Hindi mo ba pwedeng sabihin na lang sakin yung sasabihin mo kay Sandra"

Nanlaki ang mata ni Claire habang nakikinig sa caller. Para siyang natarantang ewan na tumayo sabay abot sa phone ko.

"Hala girl!! Tayo diyan! Kailangan mo pumuntang USTH ngayon! Naka confine si Xyfer bilis!!!"

Hindi ko na tinapos ang kinakain ko. Tumakbo na lang ako papuntang USTH. Saka na ako mag papaliwanag sa kanila. Kailangan ako ni Xyfer ngayon.

"Miss san ho kayo?"

"Kuya guard san dito pwede itanong kung anong room yung pasyente?"

"Dito po pwede. Sino po ba hinahanap niyo? Xyfer Fredrick Madrigal po."

"Room 409".

Wooooh takbo ulit. Ano kayang nangyari? Huhuhuhu naiiyak na ko iniisip ko pa lang ang dahilan kung bakit nandito siya sa ospital.

Nandito na ako sa tapat ng 409. Huminga muna ako ng malalalim saka pumasok. Nakita kong may nurse na magchcheck sa kanya.

"Hi! Ikaw ba si Mam Sandra?"

"Ah opo"

"May iniwan na mga gamit diyan si Sir Robb. Mga gamit ng boyfriend mo yun. Sige alis na ko. Alagaan mo siya ha?"

"Opo"

Napaiyak na ko ng tuluyan nang makita ko siyang nakaratay sa hospital bed. Agad kong tinawagan si kuya Robb para malaman kung ano ba talaga nangyari.

"Kuya ano nangyari kay Xyfer?"

"Wait, why are you crying?"

"Sino ba namang hindi maiiyak diba? Sabi nung nurse alagaan ko siya. Kuya gano ba kalala? Ano ba sakit niya?"

"Alagaan mo siya. Pinapabayaan niya sarili niya. Tatlo sakit niyan *toot toot*"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon