PP TMC 5

444 7 2
                                    

*Marimba tone*

Umaga na pala talaga. Kinuha ko ang iPhone kong nag ring.

"Hello"

"Sandraaaaa"

"Who's this?" Seriously, hindi ko alam sino tong kausap ko. Basta sinagot ko na lang yung tawag eh.

"Sakit naman nun. Ako to si Dyosa" by the way she say it. Kilala ko na to.

"Aga-aga nangangarap ka Tan" sagot ko naman sa kanya habang bumabangon para i-check si bebe pia.

"Che! so kamusta naman ang pagiging instant mommy?" oo, alam niya. Knwento ko sa kanya last last week.

"okay lang naman, ayun hindi pa rin dumadating dito yung sinasabi ni ate Xy na representative daw nila"

"Sino naman kaya yun? Feeling ko si Xyfer yun"

"Sino yun?"

"Si Xyfer Fredrick Madrigal"

"Sino nga yun? Kaano-ano ni kuya Xander at Ate Xyrine yun?" Tanong ko sa kanya ng buong pagtataka. baka pinsan nila? Hindi ko naman kasi close yung angkan nila kahit na mag asawa si kuya xan at ate sarah. Magkalaban nga kasi yung company namin kaya ganun.

"Tan?"nagsalita na ako, ang tagal kasing sumagot nitong si Tan.

"Ah ano friend. Si Xyfer bunsong kapatid nila ate Xy at kuya Xan." mahina niyang sagot.

"ohh, sya pala yung bunso nilang walang pake alam sa mundo"

"oo" tipid niyang sagot

"taga san ba yun? bakit kilala mo yun? Nasa London din ba siya kaya hindi ko maramdaman dito?"

"Taga USTe din siya, incoming 4th year college BS Civil Engineering ang course."

"Naks naman Tan, bakit kilalang kilala mo ha?"

"Sandra, classmate ko siya dati nung Elementary jan sa USTe at friends kami sa FB"

"ohh, eh bakit hindi ko siya kilala?" kilala ko naman kasi halos lahat ng nagiging classmate ni Tan. Yun nga lang mga kaklase nya ngayon sa Westminster ang hindi ko kilala.

"Sandra, incoming 3rd year ka pa lang this July 14 diba?"

"Oo bakit?" Oh yes, July 14 pa po ang pasok sa UST.

"Hindi kayo batchmates. And as far as I can remember, sa Beato ang building mo diba? Sa Pnoval?"

"Yes and yes"

"Ang Engineering ay dun sa Lacson. Sa Roque Ruaño sila diba?"

"Ayyy oo nga noh, carpark nga lang hirap na hirap pa kong puntahan."

"Bangag ka na Sandra. Incoming 3rd year ka pa lang ng Arki"

"Oo na, ikaw na magaling. Anyways, Tan galingan mo ha? wag mong hahayaan na bumagsak ka para naman bumalik ka na dito. Miss ka na namin ng mga sister-in-laws mo"

"Tantanan mo ko ng drama Sandra. Basta babalik din ako jan. Incoming 4th year naman na ako. Saglit na lang. Onting antay na lang."

"Sige Tan, sabi mo yan ha. Antayin kita. Always follow orders and drink everything that will make you better"

"Yes i know, better take care of your niece well Sandra."

"Opo, O siya future Architect Ma Angelica Nicole Tan, babye na alam ko namang busy ka"

"Sige by Sands."

In-end call ko na. Baka magka-iyakan pa kami. Haha. Miss na kasi talaga namin isa't-isa. SIguro kung hindi lang yun nangyari. Nandito pa rin siya. Ooops, I'm not saying that it's a fault of someone or something pero kasi nakakapanghinayang lang talaga.

"Hi baby Sophia. Haays. Lagi ka na lang nandito sa bahay no? Sorry ha. Pag sinama kasi kita sa Mall or sa church baka may taga school na makakita machismis pa ako. Hindi naman sa kinakahiya kita pero kasi bebe pia, hindi pa okay ang parents mo kay Dad. Hindi pa nga umuuwi ang lolo mo eh. Busy na naman sa business. Nako, simula nung namatay ang lola mo ganun na yun. Sinubsob ang sarili sa pagttrabaho."

Kinakausap ko si Sophia habang nilalaro laro siya. Sana mapalaki ko siya ng maayos. Pag gantong past time kinakantahan ko siya lagi.

Mahal na mahal kita Panginoon

Mahal na mahal kita Panginoon

Kailanma'y di Ka ipagpapalit

Pagka't sa piling Mo'y langit

Mahal na mahal kita Panginoon

Habang buhay papupurihan Ka

Habang buhay maglilingkod sa 'Yo

Habang buhay pag-ibig ko Sayo iaalay

I love that song. Naalala ko tuloy yung mga kaklase kong ginagawa yang Mahal na mahal KO SIYA Panginoon.

*Note Tone*

Sino kayang nagtext? Binaba ko muna si Baby Sophia.

From: Ate Xyrine Faye Madrigal

Sandra, sorry kung mag-isa ka pa ring nag-aalaga kay Baby Sophia.

---

To: Ate Xyrine Faye Madrigal

Okay lang po ate Xy. :)

---

From: Ate Xyrine Faye Madrigal

No, it's not okay. Nahihiya na ako sa'yo. Sa side namin ang lalaki dapat mas malaki ang responsibilty namin. Don't worry pabalik na ko ng Manila. I'll talk to my brother as soon as I see him

---

To: Ate Xyrine Faye Madrigal

Sige po. Salamat. Malapit na din kasi magpasukan alam niyo namang Zombie land ang Beato.

---

From: Ate Xyrine Faye Madrigal

Yes, Sandra. I understand you. Taga CFAD ako dati e. I saw the Collegiate Calender already last night at next next week na pala ang Thomasian Walk.

---

To: Ate Xyrine Faye Madrigal

Opo ate, actually mag eenroll nga po ako bukas eh.

---

From: Ate Xyrine Faye Madrigal

Sige. I better go now. I'll just text you pag nakausap ko na si Xy.

Hindi ko na siya nireplayan. Ano daw? Xy? E siba siya si Xy? Hmm

Fudgee! Baka yun yung sinasabi ni Tan na Xyfer? Anyways, bahala na. Makapag ayos na nga ng dadalhin para bukas as enrollment.

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon