PP TMC 1

745 10 0
                                    

"Honey, please si baby ang piliin mo." Nagmamakaawang sabi ni Sarah. "Hon, I love you. I need you. Lumaban ka para satin." maluhaluhang tugon ko. "Naranasan ko na ang mabuhay dito sa mundong ibabaw, gusto kong maranasan din ng anak natin yun kaya please siya na ang piliin mo ha?"

Yun na ang huli naming pag uusap ng aking minamahal na misis. Wala na siya pero sana masaya na sya kapiling ang iba pang anghel sa langit. May tumor sa ovary si Sarah at dahil nagtanan lang kami hindi namin kinayang ipagamot sya sa magagandang ospital. Hanggang sa huli niyang hininga ay hindi namin pinagsisihan ang ginawa naming pag tatanan at pagpapakasal sa huwes.

Alam naman naming pinapasundan pa rin kami ng aming mga pamilya pero hindi na nila kami pinapakealamanan. Masaya na kaming dalawa ng wala sila. Siguro kung hindi kami nagtanan naipakasal na kami sa ibang tao at wala ngayon ang aming anak na si Sophia Anikka Saavedra-Madrigal.

Nandito ako sa tapat ng mansion kasama si baby Sophia. Makalipas ang limang taon ngayon na lang ulit ako pumunta dito. Pupuntahan ko si Ate Xyrine, kailangan ko siyang makausap.

"Jusko, Xander ijo? Ikaw na ba yan?" nagmamadaling tumakbo si manang upang salubungin ako sa may gate. "Ako nga ho ito manang. Nanjan po ba si ate Xyrine?" tanong ko kay manang.

"Xan, is that you? Oh my God. Who's that baby?" Sabay kaming napalingon ni Manang sa babaeng nagsalita sa may porch at napatingin naman silang sabay sa baby na buhat buhat ko.

Hinila ako ni ate papunta sa library para doon kami mag usap. Buti na lang wala sila Mommy at Daddy ."Ate" panimula ko. "Xan, first of all sino yang baby na yan at na saan si Sarah? My gosh! Five years kayong nawala. 23 ka na ngayon Xan nung huli tayong nagkita 18 pa lang kayo nun."

Huminga ako ng malalim bago magkwento, "Ate wala na si Sarah. May tumor sya sa ovary kaya nung ipinanganak itong si Sophia binawian na ng buhay si Sarah. Ate yun yung dahilan kaya nandito ako. Ate hindi ko kayang mabuhay nang wala si Sarah. Kaya ate pwede bang sayo ko na iwanan si Sophia? Sophia Anikka Saavedra-Madrigal ang buong pangalan nya. Ate please, hindi ko na kayang mabuhay. Susundan ko na si Sarah."

"Teka Xan, teka lang ha? Hindi ko pa kasi maabsorb lahat ng sinabi mo eh. Grabe to. Xan, busy kasi ako hindi ko kayang alagaan si baby Sophia gusto mo si Xyfer na lang? Saka ano tong sinasabi mong susundan mo na si Sarah? Xan Magpapakamatay ka?!"

"Oo ate, desidido na akong sundan si Sarah sa langit. Ate ito na si baby Sophia, kargahin mo sya. Ate mahal na mahal ko kayo tandaan nyo yan. Lagi nyo ipapaalala kay baby Sophia na mahal na mahal namin sya paalam ate."

Yun na ang huling pag uusap namin ni ate. Tumakbo na ako palabas ng mansion. Hindi ko na pinansin ang mga sigaw ni ate hanggang sa *boogsh* Ang sakit. Alam kong nabangga na ako. Sarah Anne Saavedra-Madrigal magkikita na ulit tayo.

"Xander, noooooooooooo!"

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon