Huhu eto na naman ang gastos sa requirements. Hindi naman porque mayaman kami chill na ko sa gastos. Syempre, dalawa na kami ni bebe pia na ginagastosan ko. Naalala ko pa ang sabi ni Dad kagabi nung tinawagan ko siya dahil hindi naman pala siya nag-iwan ng pera para pambili ng gatas at diaper ni bebe pia.
"Sandra, sinadya kong hindi mag-iwan ng pera dahil gusto kong mag-silbing leksyon sa iyo 'yan para huwag kang pagpabuntis agad. Mayaman naman ang mga Madrigal at malaki din ang allowance mo kayang-kaya niyong buhayin si Sophia"
Opo lang ang tanging naisagot ko kay Dad. Ang tagal naman kasi nung pinadalang representative nung kabila. Hays. Namimiss ko na si bebe ko.
*bogsh*
Hala naman. May nabangga na naman ako.
"Sandra"
"Kiko?" Gulat kong sagot sa kanya.
"Oh naliligaw ka ata ah? Bakit nandito ka sa Qpav?" Katapat na kasi ng building nila ang Qpav at ang building naming Arki ay doon pa sa kabilang dulo.
"Pupunta akong Joli's España para mamili ng requirements. " Ang Joli's ay sikat na bilihan ng school supplies. Hindi lang ito sikat saming mga Tomasino kundi pati na rin sa iba pang University at State College.
"Ha? Sarado na ba ang Joli's P. Noval?" May dalawang branch sila sa magkabilang dulo ng UST.
"Hindi naman pero alam mo na siksikan dun. Lalo na at panahon ng requirements siguradong maraming Arki at CFAD dun."
"Sabagay sa España naman kasi kaming Engg lang madalas saka taga labas"
"Uy sige una na ko ha?" Nag-mamadali kasi ako. Sabi kasi ni Jones may sasabihin siya sakin. Kaya naglakad na ako.
"Samahan na sana kita kaso may kailangan akong puntahan na meeting ng LD."
"LD ka din?" Lumingon ako sa kanya.
"Oo, ikaw din?" Nakangiti niyang tanong
"Oo! Uy sige una na talaga ako. See you na lang sa party ng LD"
Tumakbo na ko dahil ayokong abutan ng dilim. Nakakahiya naman kasi lay Jones saka baka matraffic pa siya.
"Nako buti walang ganong tao dito sa España" mas mabilis kong mabibili ang aking mga kailangan
"Sandra?"
"Pao!" One year higher siya sakin. Close friend ko. Nako mamaw yan! Happy go lucky na DL. Nag start mag apprenticeship yan nung 1st year kaya ayon ang galing na sa CAD, Revit at 3Ds Max.
"Anong ginagawa mo dito? Ang lapit lapit lang ng dorm mo sa Joli's P. Noval diba"
"Hehe mahabang kwento. Osya mamimili na ko"
After 30 minutes nakabalik na din ako sa dorm. Pinagtitinginan ako ng mga staff na may parang gusto silang sabihin sakin. Nagmadali akong pumasok sa elevator para matingnan kung may tagos ba ako. Pero wala naman. Weird.
"What the hell?!!!!!" Ganon na lang kalakas ang sigaw ko nung makita ko ang note sa pinto ng unit ko.
VACANT AS OF JULY 14, 2014
Sinubukan kong tawagan si Jones pero hindi siya sumasagot. May nakita akong Note for Ms Saavedra. Agad ko itong binuksan.
Ma'm Sandra pasensya na po, napag-utusan lang. Isurrender niyo na po sa admin yung susi para mabigay nila ang bagong susi ng penthouse sayo. Pumunta po kayo sa U1501 ng iTower 2.0, Padre Campa Street. Nagbilin na po ako jan na pasamahan kayo kung hindi niyo alam saan yun. Ingat po kayo.
-Jones
BINABASA MO ANG
Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*
Teen Fiction"Yes anak, kailangan nyong magpakasal" sabi ng kanyang ama. "ANOOOO?! Bakit ako pa?! Kung sana dati nyo pa naisip na ipag-merge ang kompanya natin sa kanila edi sana hindi sila nag tanan at hindi sila namatay." nanginginig niyang sabi. "and both of...