PP TMC 6

385 8 0
                                    

"Buendia po estudyante"

"ID?"

"eto po"

Magcocommute ako papuntang school. Mas madali to para sakin para mas lalong mabantayan nila Manang Inday at Mang Jun si Baby Sophia. Saka mas gusto ko yung ganto na alam ko yung takbo ng tunay na buhay

"LRT Buendia po!" sigaw ni manong konduktor. Dito na ko bababa at dahil kailangan ko magtipid dahil ayoko namang makahalata si Daddy na dumodoble expenses ko. Ang lakas kasi sa gatas ni Baby Sophia e nahihiya naman ako humingi ng pera kay ate Xy.

Sumakay na ko ng Jeep na pa UST Dapitan. Nako dito sa Manila, bawal matulog sa jeep kung gusto mong kumpleto pa gamit mo pag baba. HIndi ko kayo tinatakot ha pero yan ang reality.

"Manong bayad po, hanggang Eloisa lang"

*beeeeeeeeeeeeeeeeeep*

asht. sakit naman sa tenga nung busina ni manong. kanino ba kasi yung BMW X6 na biglang nag-overtake. Mahiya nga siya. May sticker pa man din siya ng UST na Faculty of Engineering. Nako, ang mga taga Engineering nga naman. Kaya kayo nagiging Summer Capital eh.tsk tsk.

"Ma para ho. Eloisa lang"

oh nagtataka kayo bakit sa Eloisa ako bumaba? para malapit sa Pnoval. Hindi ka naman kasi talaga sa Dapitan ibaba nun jeep dahil one way dun. Sa mayon ka ibababa nun kaya ayun dito na lang para mas malapit. Malayo layo din ang lalakarin ko at sobrang init kaya kung akala niyo ang payong sa UST ay para lang sa ulan hindi no para din sa init.

Pagpasok ko ng gate nakasalubong ko yung mga taga Engineering na mukhang nag aayos ng clearance. Nag summer kasi sila. Ang summer kasi sa kanila para sa mga bagsak samin naman 3rd term yun or summer term.

"Ano pong sadya nyo?" tanong agad sakin ni manong guard pag pasok ko ng Beato.

"Arki po. Mag-eenroll"

tumango lang si kuya guard at hinayaan akong umakyat sa 2nd floor kung san nandun ng office ni Dean.

"okay na, proceed na sa accounting. 3-AR1 ka Saavedra." sabi ni kuyang naka yellow polo shirt kaya tumango naman ako at nagpasalamat saka umalis papuntang quad pav

namimiss ko na si bebe pia. haays. pano pa kaya sa pasukan? sana mejo saliwa yung sched namin nung ipapadala ni ate Xy para pag wala ako may mag-aalaga kay bebe pia. Dumadami ata yung nakakasalubong ko na Engineering ah. Yung iba mukhang nag-enroll. Ah, tapatan nga pala yung quad pav at Roque Ruaño. Bakit naman kasi ang layo sa kabihasnan ng Beato kaya tuloy wala akong alam dito sa kabilang side. Kami lang kasi Aca building dun sa kabila sila nagsama sama dito. kawawa naman kami.

*beeeeeeeeeeeep*

napatalon ako sa gulat. Ang sakit ng dibdib ko shit. Napayuko at napaluha na lang ako sa sahig sa sakit na dinulot ng pag bilis ng heart beat ko.

"Miss excuse me. Next time please tingnan mo yung tinatawiran mo kung may sasakyang dadaan"

yun yung sabi ni kuyang bumaba dun sa BMW X6. Para siyang si Hua Zi Lei, bad boy with a soft heart. In state of being shock pa rin ako. May bumaba pang isang lalaki mula sa shotgun seat.

"Oh Sandra, bakit ka umiiyak jan?"

"kuya Robb" yun na lang ang nasagot ko sa Athletic goddess na nakita kong bumaba mula sa BMW. Halos ngayon na lang ulit kami nagkausap ng ganto after mangyari yun.

"Kilala mo Robb?" tanong nung may ari ng BMW

"Oo"

Hindi ko na narinig yung mga susunod pa nilang pinag usapan tungkol sakin dahil mas nakaagaw ng atensyon ko yung mga sinabi ng mga babaeng mukhang taga Engineering department.

"Sino ba siya? akala nya naman mapapansin siya nung dalawang gwapo nating coursemate dahil jan sa paluha luha effect nya na yan"

Namula yung tenga ko sa galit pero ayoko mag eskandalo. Breath in. Breath out. Tatayo ako at mag babayad ako para sa enrollment nang sa ganun eh makita ko na si bebe pia.

"Uhm ano excuse, alis na ko." sabi ko

"okay ka lang?" tanong ni kuyang muntik na ko mabangga

"oo" pagkatapos nun lumayo na ko dahil nakikita kong humahaba na ang pila.

"Sands, take what you have to take!" pahabol ni kuya Robb na naiwan namang pala isipan sa mga babae dun na mukhang fan girls nila.

PAGKATAPOS ko mag bayad kinuha ko agad ang cellphone ko para pasalamatan si Kuya Robb.

To: Kuya Robert Jake Corpuz

Salamat :)

hindi pa ko nakakasakay ng jeep eh may nag text na sakin.

From: Kuya Robert Jake Corpuz

NP

man of few words na din e haha. Ah basta excited na ko umuwi dahil kay Baby Sophia.

Proxy Parents, Turn Married Couple (1) *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon